Allysandra’s P.O.V Nagsimula na ulit sa pag-aayos ng gamit ang nurse na ngayo’y roommate ko na, kaya naiwan na naman akong mag-isa sa sala. She doesn't have a lot of clothes. Mga nursing uniform lang, pero walang masyadong pambahay. Mukhang bago rin lahat ang mga gamit niya, dahil may nakita akong iilang t-shirt at blouse na signature brands at may tag price pa. Kaagad kong in-inform si Stefan na dito muna ako sa apartment titira and hindi naman siya kaagad nakapag-reply, kaya ibinalik ko nalang sa pagkaka-charge ang phone ko. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko, kaya pumunta ako sa kusina at binuksan ang cabinet kung saan naka-stock ang mga pagkain ko at kinuha ang nag-iisang cup noodles. Kaagad akong nagpainit ng tubig sa kettle at umupo lang sa upuan na nasa kusina. Nang kumulo

