Allysandra’s P.O.V Five years ago… Habang nasa loob ng ambulansiya, nagdarasal ako na sana nananaginip lang ako at hindi totoo ang mga nangyayari. Kasama ko sa loob ng ambulansiya si Haven na duguan at walang malay. “Haven, please naman…” I’m bawling my eyes out, dahil sobrang sakit nang nararamdaman ko. “Please wake up…” Umiyak lang ako nang umiyak habang hawak ko ang kamay niya. Nang marating namin ang hospital, parang blurry ang lahat ng nasa paligid ko. Naka-focus lang ang mata at utak ko kay Haven na sakay ng stretcher. Akmang isasakay din ako para gamutin nang s*******n akong bumaba at sumama kung saan idinala si Haven kung saan kaagad naman akong hinarangan. May isa pang ipinasok na pasiyente sa kwarto na mukhang malala rin kaya agad akong napa-atras. “Ma’am… I’m sorry, hangga

