Allysandra’s P.O.V Hindi ko mapigilang hindi malutang at mag-isip ng masasamang words at hangarin na sana kainin nalang ako ng lupa. Kanina, naka-survive ako sa mabangong lalaking ninakawan ko ng amoy, dahil thankfully hindi siya ‘yon, pero ngayon, heto--- hindi na ‘to joke time. Ang bagong uupa sa apartment ay ang nurse na nakatabi ko sa bus na nagbigay sa akin ng plastic bag sa bus, para sukahan ko. Nakatingin lang siya sa akin. Walang sinasabi, wala rin akong mabasang concrete emotions sa mga mata niya. Pilit ko parin kinukumbinsi ang sarili ko na nananaginip lang ako, pero hindi. Kagaya nang sinabi ko… hindi ito joke time. P utan gina nalang talaga. Ilang minuto rin siguro akong nakatulala, kaya nang makabawi ako sa pagkagulat ko, binalikan ko ng tingin ang nagpapa-upa ng apartmen

