"Good morning ate reign." Pag bati ni Pom. Ang kyut na bata dito sa restaurant. Anak siya nung head chef dito na si Ate Manelyn. Laging kasama si Pom sa trabaho dahil wala namang ibang magbabantay kay Pom. Isa kasing single parent si Ate Manelyn. Kaya naman pinayagan siya ni Dalta na dalhin itong si Pom sa trabaho, isa pa ay pina stay in na sila ni Dalta doon sa headquarters para hindi na sila humanap ng apartment at para na rin makatipid.
"Morning Pom!" Masigla ko ring bati. Paanong hindi sisigla ang araw ko eh Susunduin ba naman ako ni Vin. Napatawa ulit ako nang maalala ko yung paraan nang pagsasalita niya kanina. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon ni Vin o hindi pa talaga malawak ang knowledge niya regarding tagalog. But still, it was nice to know na nag eefort siyang matuto. Speaking of efforts, yung breakfast kanina...it consisted of foods that I like. Plus, yung itsura ni Vin kanina na bagong gising pero naka-apron at may hawak na sandok. Did he wake up early just so he can make breakfast? Umaga na ata kami natulog eh, ka muntik-muntikan ko pa ngang ma late.
Nagpunta na ako sa likod at nagpalit nang uniform. Naihatid naman ako ni Dalta nang matiwasay at pagkatapos no'n ay basta na lang din siyang umalis. Mukhang may meeting ata ulit sa business, ewan ko.
Pero sabi niya isasama daw niya si Vin. For all I know, gusto niya lang 'yon makasama. Kaya ayon, feeling ko ay nag cacatch up silang dalawa somewhere. Maigi na 'yon nang hindi sila puro asaran. Na-mimiss ko tuloy ang best-friend ko.
Anyways, it's another day to get by. I straightened my poise and put a smile on my face as I headed out .
Sinalubong ko agad ang mga customers at kinuha ang mga order nila. Habang hindi pa naman ganoong karamihan ang mga nag d-dine ay bumibisita ako sa loob ng kitchen para isupervise sila. Although hindi na naman nila kailangan nang sobrang pagbabantay dahil mga beterano na sila sa kani-kanilang trabaho, kahapon lang talaga sobrang dami dahil weekend. Dinadagsa talaga itong lugar pag weekend. 'Yon lang kasi ang kadalasang araw na may free time ang mga tao.
Ilang oras ang lumipas at mukhang na ha-handle naman nila nang maayos ang restaurant kaya umalis na ako. Don't get me wrong ah...wala kasi ngayong araw si Dalta nasa mga meeting ata. Nagmamadali ngang umalis kanina ang tanda ko kasi balak niya kasing mag tayo ulit nang bagong hotel and resort kaya busy siyang kumausap sa mga engineers at architect. Kailangan rin na nasa site siya minsan para masubaybayan niya ang mga pinatatayo niyang facilities. Sa sobrang busy nga niya, nawawala na yung kagwapuhan niya. Biruin mo ba naman kanina mukhang kapre. Jusko, kaya walang girlfriend 'yon si Dalta eh. Wala nang ibang ginawa kundi atupagin ang business.
At ayon nga, dahil magkasama sila ni Cluvin malamang sa malamang ay magtatagal pa 'yon sila. Mag b-bro moments muna 'yon for sure. Umalis na ako sa restaurant para naman kamustahin ang mga nag ma-manage nung hotel. Paniguradong busy din sila kahapon sa sobrang daming tao, pero today naman ay medyo humupa na kaya kering-keri. I just hope walang accidents or something sa may dagat.
"Oh? Miss Meraki, kamusta po?" Bati agad sa akin nang head manager. Nakita niyang papalapit ako sa may accomodation lobby kaya inoffer niya sa akin na i-tour ako. Paniguradong naramdaman niya na naandito ako for inspection.
"Ito po ang hotel suite natin with king sized bed with a full bathroom." Pinapasok niya ako sa mga isa sa rooms. At ngayon ko lang na-realise na binago na pala nila ang interior? Noon kasi hindi ganito ang interior design eh. Mostly white na ngayon ang interior na nakakapag paaliwalas ng space.
Maluwag ang entrance ng room at pagkapasok mo ay may mini dining area. Sa kaliwa ay ang kuwarto na may sariling veranda at may king sized bed na may katabing mini fridge sa gilid. Working ang mga ilaw at aircons at ang whole room na ito ay sound proof, which is very good kasi pag gabi ay may mga nag hohost dito nang party kaya medyo maingay.
Katabi nang kuwarto ay ang bathroom na may jacuzzi s***h bathub na rin pati na ang shower at double sinks maging ang toilet. Lahat ay provided na nang hotel ang mga simple necessities kaya napa-tango tango ako. Very hands on parin si Dalta sa business niya which is good.
Nakababa na kami at nagpaalam na yung head manager na aalis dahil may guest pa daw siyang kailangan niyang i accomodate kaya hinayaan ko na. Dumiretso ako sa may lounge area malapit sa dagat. Dito ay may mini bar kaya kahit umaga kung trip mong mag-inom ay pwede. Lumapit ako sa isa sa mga bartender at nagbalak na kumuha nang isang glass of martini nang may nag-abot nito sa akin sa likuran. Agad ko naman itong nilingon at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakasuot nang floral patern na polo, khaki na shorts at sneakers. Ngiting-ngiti ito na akala mo ay naka jackpot sa lotto.
Hah. I already know their intentions without them saying it. I turned my back on his and proceeded with my own glass of martini. The bright sunlight is reflected from the liquor unlike yesterday na umulan. Having a sunny day is fine but I love rain more.
"Can I sit with you?" Asked by the man in a floral shirt. I rolled my eyes, still facing the counter.
"No." I said.
"O-kay? can I talk with you?" pagtatanong niya ulit. Napabuga na lang ako nang hangin matapos kong i-one-shot yung martini.
"You are talking, but no." Medyo na iinis na ako. Naiirita dahil ewan ko hindi ko bet 'tong nagsasalita sa likod ko. At wala akong balak na i-entertain siya. Kaya tumayo na ako at lumakad papalayo doon sa lalaking bulaklakin.
"Hey, wait up!" Pag sigaw pa niya. Mas binilisan ko ang lakad kaya naabot ko na ang dalampasigan.
"Did y'know it was hard to find you," dagdag pa niya. My brows were twitching in confusion. "Jubilyn." he said. I was frozen in my tracks and my eyes were blinking.
He finally caught up with me and is now in front of me smiling while holding out a card. I slowly laid my eyes on his hands which was indeed holding my business card.
"We see each other again, Jubilyn." he jokingly says. I met his eyes and took a deep breath before greeting him too.
"You found me, Tiboy."