Joreign's POV
And that was my first encounter with a man named Timothee. Currently ay nandito ako sa may dalampasigan with him. Its my second encounter with Tiboy. Why do I call him that? well, kasi ang tawag niya sa'kin ay Jubilyn.
We sat by the rocky formations along the shore as we watch the clashing of the waves and how it touches the sand. It is astonishing how the sea can be beautiful and wild at the same time.
Not far from where we were seated you'll hear the people enjoying themselves, while the birds chirped as it flew by. I was squinting my eyes because of the sunlight. I forgot to take sunglasses with me.
"Here," Inabot ni Tiboy ang glasses na naka hang sa shirt niya kanina. I stared. "Kunin mo na kung ayaw mong masilaw sa araw." kaya kinuha ko na yung inaabot niyang glasses at sinuot ito agad.
"Ito pa," imik niya at nakita kong inabot niya rin yung cellphone niya. Nagtaka naman ako.
"Aanhin ko 'yan?"
"Tititigan." pamimilosopo niya. Napa-iling na lang ako, may taglay din kasi siyang kakulitan.
"Aba Jubilyn, nakalimutan mo na yata?"
"At anong nakalimutan ko ha Tiboy?" pamimilosopo ko rin.
"Number mo." pangungulit niya. Tumaas naman kilay ko.
"Anong number mo? nakalimot ka na rin ba Tiboy? Mali yung binanggit mong pangalan, 'yan! Jubilyn pa." pang-asar ko sabay ngiti nang tagumpay. Napatahimik siya saglit.
"I read it right the first time!" tsk! ang kulit.
"But you didn't said it so it's invalid," pangangatwiran ko. Napanganga naman siya at akmang magsasalita na ulit kaya inunahan ko na. "Plus you only get one chance, and guess what? you failed it."
"What? ang unfair naman!"
"Anong unfair ka d'yan? kasalanan kong natalo ka?"
"But I said it right, na surprise ka pa nga nung binaggit ko yung pangalan mo eh. I was just joking and -"
'Hay! oo na! Jusko ka! Akin na yang selpon mo." Asar kong hinablot sa pagkakabigay niya ang phone at basta na nagtype doon.
"Oh!"
Kinuha niya ito at ngumiti-ngiti. His dimples showing again.
"Oy Tiboy! pa'no mo nga pala nalaman na nandito 'ko?" Curious ako eh hindi ko naman sinabi sa kaniya na nandito ako sa Palawan. I have no means of contacting him kahit pa na sa akin din ang business card niya.
"I have this." Tinaas niya yung card na binigay ko. Kasabay no'n ang pagtaas rin nang kilay ko.
"I called the number on this card and after nang matagal na pakiusap ay sinabi na rin sa akin nang secretary mo kung nasaan ka." pagk-kwento niya. Itinago na niya ang card sa likod ng case ng phone niya saka ito ibinulsa.
"At ba't mo naman ako susundan dito aber?"
Tinanggal niya ang sneakers na suot at nilaro laro ang buhangin sa paa niya.
"I just wanna know you better." hah! know you better my foot!
"By calling my secretary nonstop and following me here? You're creepy. Plus isn't that kind of like stalking? oh, no no no. That right there, is a red flag alert." Imik ko habang inimuwewestra ang kamay bilang 'di pag sang-ayon.
Tumayo na ako at paalis na sana nung nagsalita siya.
"Which is why i'm here, isn't it? I called your secretary kasi I have no means of contacting you. It was your secretary's number, the one on the card. And I followed here so I can properly introduce myself and try to make a good start and impression. All because I want to know you better. If I had known you dislike those things I wouldn't have done it in the first place." he shifted his gaze from me to the sea, with his pair of hazel eyes looking a little sad.
Nang ko-konsensiya ba s'ya?
Kasi kung oo, aba...
Hindi man lang ako tinamaan.
"I have no time for this." I simply said. I don't want any relationship entering my life. Kontento na ako sa mga magulang ko, kila Dalta, maging sa kaibigan ko. I don't need a love interest. I'm too shattered to be built again.
"It's not like pinipilit kitang maging girlfriend ko, I...want to start as friends Joreign."
"I don't trust you." Ang tangi ko na lang nasabi. I have this amazing intuition kung saan unang kita ko palang sa isang tao alam ko na kung dapat ko ba 'tong pagkatiwalaan. At itong lalaking kaharap ko, ay isang taong mahirap bigyan nang tiwala.
"What can I do to make you trust me?" pangungulit niya.
"Get lost."
Tumalikod na ako at dali daling naglakad naka abot na ako sa may lounge nang may pares nang kamay ang bumalot sa beywang ko. Pagtingin ko ay may jacket nang nakapulupot dito.
"I can do this for you at least." Imik ni Tiboy. Kumukulo na yung dugo ko nang biglang maramdaman kong may mainit na likidong lumabas down there. At biglang may kung anong umilaw sa utak ko. I'm on my period! Shocks! kaya ba iritang irita ako? Bigla na lang akong namula sa mga pinaggagagawa at sinabi ko kanina sa kan'ya. Nakakahiya! oo at half-meant ang sinabi ko pero kahit na, aish!
Agad akong tumalikod at nag dire-diretso sa isang banyo. Pagkakita ko ay mayroon na ngang dugo sa panty ko. Shet, wala pa naman akong dalang pamalit! Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako nag isip nang posisbleng solusyon, grabe wala akong matinong maisip.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto sa banyo, kaya kinabahan ako. Hindi ko alam kung hihingi ba ako ng tulong or lalabas ako at uuwi sa bahay nang ganito. Kasalukuyan kong pinagdedebatihan ang mga solusyon sa isipan ko nang makita kong may plastic sa taas ng pinto.
"Take it." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Tiboy.
"Nangangalay na ako Jubilyn dali." Aish! kinuha ko ang plastic na inabot niya at binuklat ito. May isang balot nang napkin at panty liner at isang pack ng panty pati na rin isang box nang safeguard. In fairness complete ang mga kailangan ko.
"Sa'n ka nakabili nito?" Agad kong tinakpan ang bibig ko. Ano ba Joreign! sa isipan mo lang dapat 'yon! Binilhan ka na nga, trust issue ka pa!
"Sa tindahan, alangang sa dagat ko 'yan nabingwit." Kahit nasa loob ako nang cubicle ay sinamaan ko siya nang tingin. Pilosopo talaga!
"Oy Tiboy." Pagtawag ko.
"Bakit Jubilyn?" Pagsagot naman niya. Lumalabas ang dugo ko sa sagot niya, jusko ang sakit sa puson!
"Labas ka nga!" Pagtaboy ko sa kan'ya. Ang awkward naman na naglilinis ako ta's nand'yan siya sa labas naka-bantay.
Nakahinga ako nang maluwag nung narinig ko yung mga yapak niya palabas nang banyo. Agad naman akong nag-ayos sa sarili ko.
***
"Success ba?" tanong ni Tiboy nang makalabas ako sa banyo.
"Hindi." pamimilosopo ko. Hindi maayos ang araw nitong si Tiboy nang hindi siya namimilosopo kaya binabalik ko lang sakan'ya 'yon.
Nakapulupot parin sa beywang ko ang jacket na hindi ko alam kung sa kaniya ba o basta na lang siyang kumuha do'n sa labas.
"Ah!" Napatigil ako sa paglalakad dahil biglang sumakit yung puson ko. Ito ang problema ko eh. Tuwing first day kasi nang period ko ay talagang sobrang sakit sa puson. Parang iniis-slice 'to nang kutsilyo sabay pinipiga. Hindi ako makatayo nang ayos sa t'wing nasakit kaya nanatili akong nakaupo habang hawak ko ang puson ko.
"Okay ka lang?" Nakaluhod si Tiboy sa harap ko at bakas ang pagaalala sa pagmumukha niya. Ba't gano'n? naiirita ako lalo?
"Mukha bang okay ako?" Sinipat niya ang kabuuan ko sabay umiling. Kinuha niya yung plastic na hawak ko at siya ang nagdala. Tumalikod naman siya nang luhod.
"Sakay na. Hahatid kita sa room mo."
Gustuhin ko mang sumakay eh hindi ko maigalaw ang katawan ko. Konting galaw lang kasi ay ramdam ko sa puson ko ang sakit. Parang binibiyak! Lumalalim na 'yong paghinga ko dahil parang hindi ko kayang tiisin ang sakit.
"Ahh! tsk." Lumingon naman si Tiboy. Na-realize ata niya na hindi ko kayang gumalaw dahil sa sobrang sakit.
Namamaluktot na ako habang kagat-kagat ko ang labi ko. Nahihilo na ako eh.
"Teka sa'n ba ang room mo?" tanong pa niya. Mukhang wala siyang ideya na sa bahay ako ni Dalta nakatira.
"Wala akong room, hindi ako sa hotel nags-stay," Sagot ko. Pinakiramdaman ko pa ulit yung puson ko bago dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ako ni Tiboy.
"Sa'n kita ihahatid?" Pagtanong niya. Tiningnan ko naman siya maigi. Mukhang nag-aalala naman siya kaya tingin ko ayos lang na sabihin ko kung sa'n. Hindi naman ata niya ako laging pupuntahan do'n 'no? sabi ko sa isipan ko.
"H-hoy!" Sigaw ko nang bigla niya akong buhatin na pang bridal na buhat.
"Turo mo kung saan. Hahatid kita." namumula na siguro ako sa sobrang kahihiyan. Yung mga tao kasing nada-daanan namin ay todo ang tingin kaya nakatakip yung kamay ko sa mukha. Ito namang si Tiboy ay proud na proud habang chill na chill sa pagbuhat sa'kin. Para ata akong papel sa kan'ya kasi walang kahirap-hirap niya akong buhat.
Ramdam ko ang paghigpit nang kapit niya pero hindi ko na 'yon pinansin at sa halip ay nag pokus ako sa hininga ko. Nahihilo na ako kaya dahan dahan lang akong humihinga. Idagdag pa 'yung sobrang init. Parang nasa oven.
Naglalakad lang si Tiboy ayon sa direksiyon na itinuturo ko at hindi naman siya nangungulit kaya ikinatuwa ko 'yon. Maya maya pa ay natanaw ko na ang bahay. Napansin kong nando'n na yung sasakyan ni Dalta. Akala ko may meeting 'yan?
Maya maya pa nung makalapit na kami ay biglang lumabas yung dalawa at dali daling tumakbo papalapit. Humigpit yung kapit ni Tiboy.
"Anong nangyari?!" pambungad na tanong ni Dalta. Kaya namula ako ulit.
"Masakit daw yung puson niya kaya hinatid ko dito. Can I put her to bed? she's -"
"I'll put her to bed." pagputol ni Vin sa sinasabi ni Tiboy. Kaya nag katinginan kami ni Dalta. Panandaliang nagkaroon nang katahimikan na akala mo'y may dumaang anghel. Bitbit parin ako ni Tiboy habang naglalabanan sila nang tingin ni Vin.
"Ehem!" Pagbasag ni Dalta sa katahimikan.
"Ako yung kuya! kaya ako ang magdadala kay Joreign sa taas." pagdedeklara ni Dalta kaya wala namang choice si Tiboy kung 'di ang iabot ako kay Dalta.
"Maraming salamat sa paghatid kay Joreign, pwede ka nang umalis." may sasabihin pa sana si Tiboy pero tumalikod na si Dalta. Shocks hindi man lang ako nag thank you, binigyan na nga ako nung napkin at- teka!
"Teka! hoy Tiboy!" Sigaw ko.
"Sino si Tiboy?" pagtatanong ni Dalta. Tiningnan ko lang siya at inutusan na humarap kay Tiboy.
"Yeah?" imik ni Tiboy. Bumaba ang tingin ko sa plastic na hawak hawak niya at tinuro ito.
"Akin 'yan eh," napatingin naman siya sa plastic at ini-abot ito pero inagaw ni Vin 'yon sa kan'ya. "Huy!" pag rereact ko sa ginawa ni Vin.
Nagka-titigan na naman silang dalawa kaya tinawag ko si Vin.
"Vin! that's mine." Umiwas na si Vin nang tingin at nagdirediretso sa akin. Inabot niya yung plastic.
"Are you okay?" pag-aalala niya. Tumango lang ako habang inakap ko yung plastic. Jusko muntik na niyang mauwi. Nandito kasi yung isa kong panty na may tagos.
"Oh, rinig niyo? okay na si Joreign kailangan niya lang nang pahinga. Ikaw, Tiboy umuwi ka na at ikaw Cluvin pumasok ka na sa bahay." panenermon ni Dalta na parang magulang na sinasaway ang mga anak.
Bago pa man tumalikod si Tiboy ay tinawag ko ito.
"Thanks." I said. He just smiled at me.
"Your welcome, Joreign." He waved as he bid goodbye.