HSR#33

1330 Words
Her Sweet Revenge Chapter:33 ''Paano ba yan Kath, mauna na kami baka kasi biglang dumating ang asawa mo at mapagalitan kami dito.''Saad ng kaibigan kong si Summer, na hanggang ngayon nginangat-ngat padin ang pork Bbq na hawak-hawak nito simula kanina. Napansin ko din na nauna ng umalis si Austin sa kanila, papunta sa sasakyan nito, na para bang may hinahanap, at habang pinagmamasdan ko ito ay bigla nalang akong tinapik ni Summer sa braso ko, kaya mabilis kong naibalik ang paningin ko sa kanya. ''Sige ingat kayo ha? salamat sa effort nyong lahat na puntahan ako dito sa bahay.'' Ngumuso bigla itong si Summer at don ko nakita ang papalapit na si Austin sa amin na may dala-dalang flower bouquet of daisy, na kanina pa pala nakatago sa likod ng sasakyan nito. Kaagad niyaang inibot at tinanggap ko naman ito ng walang pagdadalawang isip. ''For you Sweetheart, this flower is really suit for you.'' Masaya akong pinagmamasdan ang ibat-ibang kulay ng daisy na ibinigay ni Austin, napansin ko din na panay ang ngiti nito habang pasimple niya akong pinagmamasdan. '' Thank you for this.'' Maikling kong tugon. ''Hoy! ano magtititigan nalang ba kayong dalawa dyan? sabihin niyo lang para iwanan muna namin kayong dalawa, baka kasi gusto niyong pag-usapan ang araw ng date nyo.'' Pinandilatan kong ng mga mata si Elana para sabihing umayos siya. Pero ngumisi lang ito at nauna ng sumakay sa sasakyan ni Tristan. ''Bye Sweetheart, see you sa date natin.'' Sabay kindat pang sabi nito. ''Ano bang meron sa inyong dalawa ni Kath?'' Naitanong ni Ziggy. ''Wala namang meron sa amin, pero I like her.'' ''Sana all! katulad mo Austin, I'm sure wala talagang iiyak na babae, kapag ikaw ang naging boyfriend nila.'' Diretsong sabi ni Elana habang galit itong nakatingin kay Ziggy at nakita din naman ito ni Ziggy kaya pa simply din itong bumwelta sa sinabi ni Elana.''Bagay na bagay din naman kasi kayo, maganda at gwapo, di katulad ng iba dyan, nerd na nga pangit pa!'' ''Hays! nagsalita ang gwapo daw, na siya lang naman ang nakaka-alam.'' ''Bakit totoo naman ang sinabi ko diba? gwapo naman talaga ako, kaya ka nga habol ng habol sa akin dati. At kahit saan ako magpunta ay nandoon ka. Parang asong nakabuntot sa akin tapos ngayon, sasabihin mong ako lang ang nakaka-alam na gwapo ako? Aba matindi! iniyakan mo pa nga akong nerd ka. Ay este pangit pala.'' Kanina pa talaga niya ako iinsulto, konti nalang talaga at masasapak kona sya, at mabibigyan ng blackeye sa magkabilang mata. ''Ano ka ngayon? di ka makasagot kasi totoo ang sinabi ko at natamaan ka.'' ''Oo! talagang tatamaan ka nitong kamao ko kapag di ka tumahimik dyan!'' Inis kong sabi at pagkatapos ay pinakalma ko muna ang sarili ko at di na nagsalita pa dahil baka di ako makatiis at masuntok itong si Ziggy. ''Magpaganda ka kasi ng matauhan ang isang iyan at habol-habulin ka niya na parang aso.'' Turo ni Summer kay Ziggy pero inirapan lang siya nito. ''Tse! isa kapa! dati mo pa talaga pinapamukha sa akin na pangit ako!'' Bulyaw ko kay Summer at sinimangutan ito. ''Tama na nga yan Mahal, dahil baka biglang umiyak iyang pinsan mo.'' Awat ni Tristan. ''Pumasok kana sa loob, para maka alis na ako dahil mag-uusap pa kami ng babaeng yun pagdating ko sa bahay. ''Paano kapag di siya pumayag?'' Nag-aalang saad ni Kira. ''Pumayag man siya o hindi, pipilitin ko parin siyang pirmahan iyon.'' ''Dito kana lang kasi tumira at wag na dun.'' ''Hindi pwede, dahil baka magsumbong ang babaeng yun kapag hindi na ako umuuwi ng bahay, you know my parents.'' Muling sambit ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Kira ay pumasok na ito sa loob ng bahay nila, at ako naman ay nag drive na pauwi, mabuti nalang talaga at walang traffic sa daan. Siya nga pala, I'm Maxwell Montalba 26 years old, gwapo, matangkad, maputi, matangos ang ilong at medyo maypagka singkit ang mga mata. Nag-iisang anak lang ako nila Mr. Gustavo Montalba at Mrs.Matilda Montalba, I'm the ceo in our own company, actually I have my owned business but lahat ng yun, pwedeng kunin ng parents ko, kapag nakagawa ako ng kasalanan sa kanila. Kathlia Montalba is also my wife sa papel lang naman. Inaamin ko minahal ko siya dati, pero hindi na ngayon, because of Kira higgins, the new woman I love. By the way Tristan and Ziggy is my close friend. ''Siya nga pala Mahal, anong masasabi mo kay Austin?'' Tanong ko sa boyfriend kong si Tristan, na naglalaro ng online games sa computer niya ngayon. I pause my computer when Summer asked me about Austin, then I looked at her first before I speak, sa tingin ko okay naman si Austin, obvious naman kasi na gustong-gusto niya si Kath, Kaya kung maging sila man, hindi na ako aangal pa.'' Seryoso kong sabi sa nobya kong si Summer, Tsaka sino ba namang kaibigan ang di maghahangad na sana matino yung mga magiging boyfriend nila diba? saka mas mabuti ng mapunta si Kath sa taong mamahalin siya, kaysa dun sa taong sasaktan lang siya ng paulit-ulit katulad ng ginagawa sa kanya ni Max, ngayon. '' Alam kong mali dahil kinukunsinti namin ang tungkol kay Austin at Kath. Kung kayo ang tatanongin ko, kokonsitihin ba namin na mga kaibigan niya kung alam naman naming magiging masaya si Kath kapag si Max ang pinili niya, diba hindi? ''Ikaw na naman Mom? uunahan na kita, kaya ka tumawag is because of Elana right?''Ani ko kay Mom sa kabilang linya na halatang nagpipigil ng kanyang tawa. ''Very good anak! ang talino natin ngayon ah! at para sabihin din sayo na next week ay uuwi na kami ng Daddy mo dyan, Kaya make sure na susundin mo si Elana sa bahay nila, kung ayaw mong kunin ko ang lahat ng babies mo.'' Takte! alam na alam talaga ni Mom, kung paano niya ako takutin at mapapayag sa gusto niya, mahal na mahal ko pa naman ang lahat ng mga babies ko, yan ang tawag ko sa mga collections kona sasakyan. ''Bye anak, see you next week.'' Nanay ko nga talaga siya, kasi halatang may pinagmanahan din kasi ako sa kanya. Totoo kayang naka arrange marriage na naman ulit ako kay Elana? My gosh! wag naman sanang maging asawa ko ang babaeng nerd na yun. ''Where's Kath, Manang?'' Tanong ko sa kanya habang hinahanda nito ang mga pagkain sa lamesa namin. ''Wait lang po sir ha? pupuntahan ko lang sa kwarto niya.'' Aalis na sana ito ngunit pinigilan ko siya at sinabing ako nalang ang tatawag kay Kath sa kwarto nito. Akmang bubuksan ko na sa ang pintuan ng kwarto niya , ngunit narinig kong nag-uusap sila ng Mommy Mahalia niya. ''We're okay Mom, mahal na mahal nga ako nun eh. Hindi rin kami nag-aaway inaalaagan at hinahatid niya pa nga ako sa school.'' Hays! naging sinungaling pa tuloy ako sa mga magulang ko, para lang mapagtakpan ko siya. Pagbaba ko sa kitchen ay yan kaagad ang bungad na tanong ni Max sa'kin ''How's school?'' He ask ''Okay lang naman, walang pinagbago.'' Maikling tugon ko sa tanong nito. ''Diba may sasabihin ka? sabihin muna ngayon.'' Muling ko sabi habang inaayos ang kubyertos sa plato ko. ''How are you and Austin?'' ''We're good, we're friends, that's all.'' Biglang tumaas ang kilay ni Max habang sinasabi ko iyon, pansin ko din ang pag iba ng awra sa mukha nito habang mariing nakatingin sa mga mata ko. Na para bang kinilatis nito kung nagsasabi ba ako ng totoo sa kanya o hindi. ''Oh, okay friends... Mukha kasing di lang kayo friends eh, para kasing may something sa inyong dalawa. ''Isipin muna kung anong gusto mong isipin at kung ano man yung gusto mong sabihin, kasi lahat lang naman ng lumalabas sa bibig at pumapasok dyan sa isipan mo, puro mali.'' Sabi ko sa kanya, sabay tayo narin sa upuan ko para umalis na, ngunit pasinghal na itong nagsalita na ikinagulat ko. ''We're not done yet!.''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD