Her Sweet Revenge
Kathlia pov:
Tapos na yung masquerade ball namin sa school ang saya lang kasi sobrang nag enjoy kaming lahat ng mga kaibigan ko, bakit kaya hindi parin tumatawag si Max?Naninibago lang kasi kami ni Manang, dahil every out of town meeting na pinupuntahan ni Max ay tumatawag ito kaagad para ipaalam kay Manang that he's safe. Makapunta na nga lang ng kitchen.
End of Pov:
"Austin--" Gulat na sabi ni Kath na nagpatawa ng bahagya dahil sa nakita nitong bumagay kay Austin ang kanyang apron na suot nito.
"Yes, its me sweetheart." Nakangiting sabi naman ni Austin habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.
"Why are you here?" Tanong ni Kath sa kanya.
"Na miss kasi kita, kaya bigla akong napapunta dito sa bahay niyo, kaya sige na Sweetheart maupo kana dito." Nakangiting sabi ni Austin at kaagad na inalalayan si Kath sa pag upo.
I'm so lucky because I meet Austin, tumigin muna ako sa kanya bago ako nagsalita, " Hindi ka man lang ba kakain?" Tanong ulit ni Kath ngunit nginitian lang siya ni Austin sabay turo dun sa mga nahulma niya ng mga cookies.
"Mauna kana sweetheart tataposin ko lang ito" At kaagad na pinagpatuloy ang pag bake niya ng mga cookies.
"Ano na Ziggy! Wala kana bang balak na umuwi sa inyo." Inis na sabi ni Elana sa kanya, isang lingo na kasi itong nasa bahay niya na walang ibang ginawa kundi ang manood lang ng mga cartoon movies sa disney.
"Dito ulit ako matutulog." Mariing sabi ni Ziggy habang nililinis yung sapatos nito.
"At sino naman ang nagsabi sayo na pumapayag akong dito ka ulit matulog."
"Our mom!" Seryosong sabi ni Ziggy na ngayon ay nakahiga na sa sofa.
Ang kapal talaga ng mukha nitong si Ziggy naalala ko tuloy yung nangyari sa masquerade ball, simula kasi nun ay hindi na nagbalak pang umuwi ang lalaking ito sa bahay nila.
"Elana---?""
"Yes, its me. Anyways you're not dreaming so please, stop slapping your face like an idiot Ziggy."
Sana di nalang ako pumayag na ayosan nila Summer, kung kailan nakapag move on na ako saka naman ako ginugulo ng asungot na ito.
"At kailan mo pa naging Mom, ang Mommy mo? Saka kailan mo pa naging Mom yung Mommy ko? Aber! Konting hiya naman sa sarili mo Boy." Turo ni Elana kay Ziggy ngunit tinawanan lang siya nito.
Umiiling-iling lang si Ziggy habang si Elana naman ay nakakunot na ang Noo ngayon dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya.
"Oh,oh-- don't tell me nakalimutan muna?"
"Forgot about what?"
"We're engage Elana, remember you and me." Sabay akbay niya kay Elana. " Hay naku, napaka makalimutin muna talaga asawa ko."
"Wait...But you said---"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Ziggy na siya naman pagtaas din ng dalawang kilay ni Kath ng marinig ang sinabi nito. "Yes I said that we're getting married sooner or later."
'' Parang nagbago naman yata ang ihip ng hangin ngayon. Diba dati tutol na tutol ka na maikasal tayo. Tapos ngayon ay gusto muna iba karin noh?''
''Dati yun, pero hindi na ngayon Asawa ko.''
''Alam mo mahal, natawa talaga ako sa naging reaction ng kaibigan mong si Ziggy nung nakaraan na masquarade party natin sa school.'' natatawang sabi ni Summer sa nobyo niyang si Tristan na naglalaro na naman ng online games ngayon sa Computer nito.
''Ako nga din mahal di ko inakala na magiging parang tangang statwa ang isang yun,sa harap ng pinsan mong si Elana." Sambit nito kay Summer.
''Talaga bang hindi kana uuwi sa inyo?''
"Hindi na, dahil dito na ako titira sa bahay mo diba? kaya wala na akong balak pa na umuwi at bumalik pa sa babaeng yun."
''Promise?''
''Yes, I promise that to you Kira.''
Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Austin habang binubuksan yung malaking oven namin dito sa bahay''The Cookies are ready."
''Alam mo, napaka swerte siguro ng magiging girlfriend at ng mapapangasawa mo.'' Ani Kath kay Austin.
''Oo, nga eh, napaka swerte mo sa'kin Sweetheart, kasi ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, at handa akong maghintay kung kailan darating ang araw na yun, kasi hanggat sinasayang at sinasaktan ka parin ni Max-- Hindi ako titigil na mahalin at alagaan ka.'' Puntong sabi ni Austin, habang si Kath naman ay seryosong nakatingin sa mga cupcakes na ikinatuwa niya, napansin niya rin kasi na biglang namula ang dalawang pisngi ni Austin ng pasimply niyang tignan ito.
''Thank you Austin ha, sa pagpunta mo dito sa bahay para ipagluto at ipag bake ako ng mga cookies na ito. Thank you din kasi palagi kang nandyan para pasayahin ako kapag nalulungkot ako. Salamat talaga kasi di ka nagsasawang magustohan ako, alam kong mali dahil sinasabi ko sayo ang lahat ng ito, sorry.''
"Shh-- Its okay, I can wait, promise nandito lang ako sa tabi mo kapag kailangan mo ako. Kaya smile kana diyan Sweetheart sige ka baka biglang umiyak yang cupcake na hawak mo ngayon."Pagbibirong nito sa kanya.
'' Kira and Max is living in the same roof now.'' Naalala kong sinabi ni Ziggy yan, And I feel sorry for Kath habang pinagmamasdan ko siyang kinakain yung cookies na ginawa ko para sa kanya.
''It's my pleasure to do this to you Sweetheart.''
'' What the heck! Ziggy! in the middle of our important meeting kapa talaga tumawag malilintikan ka talaga sakin bata ka!" Galit na sabi ng Mom niya sa kabilang linya ng telepono.
''Calm down Mom. I just want to tell you na pumapayag na po ako.'' Ani nito sa Mommy niya.
''Pumapayag tungkol saan?'' Nagugulohang tanong nito sa anak niyang parang may sayad daw.
''Pumapayag na akong makasal kami ni Elana.'' Kinakabahan na sabi nito.
''Bakit tila parang nag-iba naman yata ang ihip ng hangin. Diba ayaw mo sa kanya, kasi nga napapangitan ka kay Elana, kaya ayaw mo na makasal kayo. Tapos ngayon gusto mo na.''
"Kaya nga eh, dati yun Mom, pero di na po ngayon, kaya please gawan niyo po ng paraan na mapapayag ulit ang babaeng yun.'' Mahinang sabi nito dahil baka marinig siya ni Elana at nakakahiya yun para sa kanya bilang lalaki.
Takte parang kinain ko lang ang lahat ng sinabi ko kay Summer dati na di ako magkaka gusto at maghahabol sa pinsan niyang si Elana pero look at me now nagmamakaawa sa nanay kong matuloy ang kasal namin.