Her Sweet Revenge
Chapter:37
"Kath bumaba kana, nakahanda na ang breakfast mo sa kitchen."
"Okay po Manang, baba na ako." Sigaw ko sabay bukas ng pinto ng kwarto ko.
"Ito na pala ang gown na susuotin mo bukas pinadala na ni Madam Matilda, galing Uk pa yan." Iniabot ni Manang sa'kin ang malaking box na kulay white. At ng isang box na parang lalagyan ng heels.
"Siya nga pala, pakisabi kay Manong na ilabas niya ang sasakyan ko."
"Sige sasabihin ko, kaya kumain kana muna dyan, dahil baka malate kana sa school niyo." Tumango at ngumiti ako kay Manang at kaagad na kinain yung beef steak na nasa plato ko pagka alis niya.
"Tara na baka, dahil baka ma late tayo."Bungand sa akin ng pinsan kong si Summer. Sasabay daw kasi siya sa akin papunta sa school, dahil busy si Tristan ngayon, marami kasing pinapagawang reports at documents ang Daddy nito sa kanya.
"Ang ingay mo! Mag taxi ka nalang, wag ka na lang sumabay sa akin."
"Grabi ka naman Elana," Sabi naman ni Summer kay Elana na para bang hinahanap itong number sa phone niya.
"Ayun! Nahanap kona." Biglang sigaw ni Summer.
"Ang alin" Naguguluhang tanong naman ni Elana kay Summer."
"Number ng Mommy mo, wait lang ha, tatawagan ko ng masabi ko naman sa kanya kung anong mga pinaggagawa mo nitong mga nakaraang araw, diba naglasing ka lang naman nun kaya di mo nasagot ang tawag niya at sinama mo pa talaga si Kath, para may kasama kang uminom nung time na yun." Nakakapanlokong ngiti ni Summer kay Elana"
Kahit kailan talaga itong si Summer, pahamak lagi nalang niya akong sinusumbong kay Mom.
"Manang alis na po ako!"
"Sige Kath, ingat ka."
“I will live here in your house, I will not go home to Kath and I's house, I will just wait until she signs the annulment papers to annul our marriage." Max said seriously, which made me very happy. I approached him and hugged him tightly and kissed his lips to which he responded. So that's what should have happened.
"Hey Sweetheart!" Kath suddenly smiled, as Austin shouted her name. If Kath was just an actress, I’m sure Austin would be her number one fan in the sport of shouting.
"Akin na," Sabay kuha ni Austin sa mga librong hawak ni Kath.
"Ako na," Kath insisted pero talagang mapilit si Austin kaya hinayaan niya nalang na dalhin nito ang kanyang mga libro.
"No! akin na, ako na ang magdadala nyan." "
"Okay sige mapilit ka, ikaw na! Dalhin muna." Pagkatapos ay nagsimula na silang maglakad ni Austin.
"Why are you smiling like that?" Biglang tanong ni Kath kay Austin na panay ngiti parin hanggang ngayon.
Austin smiled, then answered Kathlia's question. "I'm just happy." Sagot uli ni Austin na ngayon ay namumula na yung dalawang pisngi dahil sa kilig.
"Why? bakit nga..." Tanong ng nakapamusla na ngayong si Kath.
"Because i'm your escort sa ball." Biglang nanglaki yung mata ni Kath dahil sa sinabi ni Austin at dahil sa nahihiya rin siya.
"At sino naman ang nasabi sayo niyan aber!"
"Si Tita Matilda, pero na miss talaga kita Sweetheart, bakit di kana naman pumasok kahapon."
"Pinapunta kami ni Tita Matilda sa mansion nila."
"Ay, kaya pala. Okay na kayo?" Malungkot na tanong ni Austin sa kanya. Yung kaninang panay pag ngiti nito sa kanya tila ba napalitan ng lungkot.
"Um... Hindi parin kami okay, he's filing a divorce."
"Wtf! At siya pa talaga ang may ganang makipag divorce sayo. "
"Parang ganun na nga, nagbabago din naman kasi ang tao. At hindi habang buhay mahal nila tayo, kaya tara na bago pa tayo malate at ma sermonan ni Prof dahil dyan sa kadaldalan mo."
Summer pov:
Habang nag uusap kami nila Elana bigla nalang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Austin at kath na magkahawak ang kamay at ng makita ni Kath na nakatingin kaming dalawa ni Elana sa magkahawak nilang kamay, ay agad niya namang binitawan ang kamay ni Austin.
End of Pov:
"Summer, nakikita mo ba ang nakikita mo." Sabi ng nakangiting si Elana sa kanya.
"Malamang dahil di naman ako bulag." Nakakainis niyang sabi kay Elana.
"Hays! nagtatanong nga lang galit agad?" Nakangiting sabi ni Elana kay Summer at kaagad na tumayo para lapitan si Austin at Kath.
"Hoy bruha! saan ka nagpunta ng dalawang araw don't tell me..."
"It's not what you're thinking Elana."
"May susuotin kana bukas?" Tumango lang si Kath kay Elana.
"Mabuti ka pa meron na, ako wala napipili baka naman gusto niyo akong samahan ni Austin sa mall mamaya."
"Sure sasamahan ka namin." Mabilis na sabi ni Austin, kaya mariin siyang tinignan ni Kath sa mga mata.
"Hindi ko pa nga sinasabing pumapayag na ako."
"I know you like to come, kaya inunahan na kita." Sabay pisil niya sa magkabilang mukha ni Kath.
Max Pov:
Nagpaalam muna ako kay Kira na kukuha ng mga gamit ko sa bahay, para may masuot naman ako kapag dun na ako tumira sa bahay niya. Gusto niya sana na bumili nalang kami ng bago kong damit sa mall, pero sinabi kong wag nalang. Kaagad akong bomosena pagdating ko sa labas ng gate namin para marinig ako ni Manang, sana okay ang naging desisyon ko at hindi ko pagsisihan ang lahat ng ito sa huli, sobrang mahal ko lang talaga si Kira. Kaya ko ito gagawin.
End of Pov:
"Kayo nalang ba ang mag uusap dyan, di niyo na ako isasali?" Nakaismid na sabi ni Summer sa kanilang tatlo.
"Aysus! Nagtampo ka naman kaagad hali ka nga dito pa yakap na miss kita eh." Nakangiting sabi ni Kath kay Summer."
"Ang tanda-tanda mo na nagtatampo ka pa?" Natatawang sabi naman ni Elana.
"Kumusta na kayo ng asawa mo? Siguro naman hindi kana inaaway ng lalaking yun." Kaagad na napatingin si Kath kay Summer bago ito nagsalita.
"He's filling a divorce, gusto niya na maghiwalay na kami."
"Pipirma kaba?"
"Maybe, I don't know yet Summer."
"Hayaan mo nalang kasi si Max, kung saan siya magiging masaya, wag kang maghabol Kath, you're pretty I'm sure marami pang magkaka gusto sayo." Seryosong saad ni Summer.
"Mabuti ka pa mahal na mahal ka ni Tristan."
"Bakit Sweetheart, mahal na mahal din naman kita." Naka ngusong sabi naman ni Austin habang kumakain ng burger. Wala kasi iyong prof nila busy sa gaganapin na masquerade party, kaya naisipan na lang nilang pumunta sa canteen.
"Ay ang sweet sana may gumanyan din sa'kin." halatang kinikilig pa si Elana pagkasabi niya sa amin nyan."
"Ew! Asa ka naman na may gaganyan din sayo" Takte! bakit nandito na naman ang isang yan.
"Oh! Bakit parang nakakita ka ng multo dyan, or baka naman natulala ka dahil sa ka gwapohan ko."
"Mygosh Ziggy bakit nandito kana naman."
"Itanong mo kay Mom iyan. Oh ayan!" Sabay abot nitong ng malaking box kay Elana at isang paper bag.
"Ano na naman ito?" Inis na tanong ni Elana habang inuubos ang kanyang fries.
"Para sayo yan, galing kay Mom isuot mo daw yan bukas, sige alis na ako nakakarindi na kasi yang kapangitan mo. Basta hintayin mo ako nalang ako bukas sa labas ng gate niyo. Dahil ako ang magiging escort mo bukas sa masquerade party nyo." Inis nitong sabi kay Elana bago ito umalis.
"Infairness gustong gusto ka talaga ng Mommy ni Ziggy, ang problema nga lang... Hindi ka gusto ng anak." Nakakainis na tawa ni Summer.
"Tawa pa Summer nakakainis ka!"
"Don't worry Elana pagagandahin ka namin bukas, diba Kath?" Ani Summer kaya napatango si kath, " Oo naman kaya puntahan niyo ako sa bahay bukas, pupunta kasi yung make artist na kinuha ng Mommy ni Max."
"Sige ba, napaka supportive talaga ng biyenan mo, gusto niya talagang maganda ka sa gaganapin na masquerade natin."
"Kaya nga Summer eh, sobrang bait niya sa akin, di nga lang yung anak."
"Hayaan muna, nandyan naman yan eh... Na handa kang mahalin."Turo ni Summer kay Austin, bigla tuloy nakaramdam ng hiya si Kath dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
Binuksan muna ni Austin yung bottled water niya at ininom ito bago nagsalita. "Oo naman, basta nandito lang ako para sayo Sweetheart."
"Aysus! Pa fall masyado ha, tapos mang iiwan sa huli." Inis na wika ni Kath.
" Never kitang iiwan Kath, tandaan mo yan. Mahal kita at di porket iniwan ka niya, iiwan rin kita."
"Max, ang dami mo naman yatang dala, may out of town meetings kana naman ba?" Tanong ni Manang habang inaayos ang damit ni Kath at yung ibang damit ko.
"Upo Manang." Pagsisinungaling ko."
"Ganun ba? Hala sige ako nang bahalang magsabi kay Kath, mag ingat ka."
Pagkalabas ko ng bahay biglang tumunog yung phone ko.
"Where are you?" Hindi mapakaling tanong ni Kira.
"I'm on my way, just wait for me okay? I love you..." Para gumaan naman iyong loob niya, ang I love you ko lang kasi ang nagpapawala ng galit at nagpapakalma sa kanya.
"Okay bilisan mo kasi pinagluto kita ng pagkain." After we talked Kira hang up the phone.
"You like this?" Turo ni Austin kay Kath dun sa hawak niyang chips and chocolates kay Kath.
"Yes." Pagsangayon naman ni Kath sa tanong ni Austin, halos lahat ng nakikita ni Austin nilalagay niya na ngayon sa grocery basket
"Kami hindi mo man lang ba tatanungin kung gusto rin namin." Nakabusangot na tanong ng dalawa.
"Sorry, nakalimutan kung nandyan pala kayo" Hinging paumanhin ni Austin sa kanila at peace sign.
"Narinig mo yun Summer nakalimutan niya daw na nandito tayo"
"Malamang narinig ko yun Elana"
"Sorry, pumili nalang kayo ng kung anong gusto niyo"
"Ang dami na niyan, mauubos mo ba lahat ng yan."
"It's not for me it's for you, kaya let's go." Hinawakan ni Austin yung kamay ni Kath at kaagad na dinala ito sa drink station para kumuha ng maraming fresh milk and juice at kaagad na nilagay sa grocery basket.