''Hey Elana! Konting hintay naman diyan oh.'' Tumatakbong kopang sabi ito sa kanya..
Narinig kong tinatawag ako ni Kath habang hinahabol ako nito pero dahil sa galit ko ay di ko siya nilingon at pinakinggan at mas binilisan ko pa talaga ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa loob ng sasakyan ko.
Hays! kung sa bagay nga naman, hindi ko rin masisi si Elana, kung bakit ganyan nalang ang inasta nito ng makita nito ang Ex niyang nanakit sa kanya noon at kaibigan pa talaga ito ni Max at Tristan..
''Hey! how long are going to stand there?'' Sigaw ni Elana sa loob ng sasakyan nito kaya bigla akong napahinto sa pag-iisip at kaagad na napatingin sa kanya..
''Ito na nga oh! sasakay na ako.'' Hingal kung sabi sa kanya..
''Hey!''
''Ano yun Elana?'' Tanong ko habang inaayos itong seatbelt ko.
''Wanna get drunk?'' Tanong nito sakin habang hinahandang ilagay ang susi sa kanyang sasakyan..
''Sorry Elana pero kailangan ko na talagang umuwi ng bahay, saka may pasok pa tayo bukas.''
''Konti lang naman, mag aaway lang din naman kayo pag uwi mo, why not sagarin mo na lang diba?'' Nakangising sabi nito habang nakatingin sa tuwid sakin.
''Pero---''
Tumingin ito ng serysoso sa mga mata ko at kaagad ding naging malungkot ang expression ng mukha nito saka tumingin sa labas ng bintana. ''Please Kath.''
''Okay sige! pero dapat ihatid mo ako pauwi sa bahay.''
Max Pov:
Galit akong pumasok sa loob bahay namin, at Nagmamadaling buksan yung malaking fridge namin dito sa bahay para kumuha ng nakalalasing na inumin..
How could she do this to me? Bakit si tristan pa? alam naman niya na kaibigan ko yun at asawa ko siya. T*ng*na nakaka inis na nakaka badtrip lang isipin na nagawa niya sakin ito..
At dahil na rin sa galit ko I called my lawyer to prepare all the documents for our divorce so that Kira and I will be free..
End of Pov:
Hello Miguel, I want you to prepare all the documents para sa divorce namin ng asawa kung si Kath, and I want it tomorrow right away.. Are we clear?'' I said to Miguel..
''Okay bukas na bukas ihahatid ko kaagad sa bahay niyo ang mga dokumentong kailangan mo Max.'' After he said that I turned off the phone right away. And continue drinking..
Mabuti na din yun, para maging masaya na kaming lahat..
''Ikaw pala si Ziggy?'' Elana Ask Ziggy
''Ako nga.. Bakit?'' Pabalik na tanong naman ni Ziggy sa kanya..
''I heard that Elana is your Ex.'' Seryosong tanong ni Elana kay Ziggy habang pinagmamasdan nito ang kanyang basong may laman ng Vodka..
''Nope! never naging kami. Kaya hindi ko siya naging Ex.'' Simpleng sambit ni Ziggy sa kanya.
''Talaga lang ha?'' Pa tango-tango pang sabi ni Elana sa kanya, pero alam kung nagtitimpi lang ito sa galit niya.
'' Talaga! parents ko lang naman ang may gusto na maging kami. Pero kung ako ang tatanungin mo, hindi talaga ako magkaka gusto sa kanya at di ko din siya mamahalin kahit ipakasal pa kaming dalawa ng mga magulang namin.'' Sabi nito sabay inom ng Vodka habang seryong sinasagot ang tanong ni Elana sa kanya.
''But she's gorgeous.'' Pa simpleng sabi nito.
''May gorgeous bang nerd Summer?'' Nakangising sabi nito kay Elana..
''May nakakatawa ba sa sinabi ko Ziggy?'' naka taas kilay na tanong nito.
''Wala naman. Sigh! mabuti pa umalis na ako kasi mukhang galit natong girlfriend mo sakin.''
''Sige mabuti pa nga Ziggy.'' Pagsaang ayon ko naman dun sa sinabi niya,
''Bye Summer.'' Ziggy said..
''Bye, and for you to know.. Elana is my cousin the woman you called ugly before.'' Sabi nito saka ininom yung vodka nito
Bigla akong natigil dahil sa narinig ko, kaya lumingon ulit ako kay Summer. '' Kung kasing ganda mo lang sana si Elana, Im sure magugustuhan ko pa siya. Pero hindi eh kasi Nerd at pangit siya. Kaya sasabihin kona sayo ito.. Talagang hindi ako nagkaka gusto sa mga katulad niyang pangit.'' Pagkatapos kong sabihin kay Summer yun isang malakas na sampal lang naman ang dumapo dito sa napa gwapo at pinaka iingatan kong mukha s**t!. Ang sakit!
''How could you say that and called her ugly in front of me? FYI maganda si Elana at hindi siya pangit. Kong makapanglait ka akala mo kong sinong gwapo! dahan-dahan din sa pagsasalita mo ng mga masasakit na bagay tungkol sa pinsan kong si Elana dahil baka bumaliktad yung mundo at bukas makalawa pag gising mo ay hanap-hanapin mo na siya kasi mahal mo na siya..
''Hindi nga mangyayari yang sinasabi mo ang kulit nito.'' Sabi nito at tumalikod na habang nakakamot s akanyang ulo.
''Gago talaga yun! mabuti nalang talaga at di ka naging katulad nila.'' Saad ko sa boyfriend kong si Tristan..
''Kahit kaibigan ko pa sila . Hindi ako magiging katulad nila nagbago ako ng dahil sayo, kasi mahal kita at hindi na magbabago yun kahit tumanda na tayo.'' Sabi nito at kaagad na niyakap ako.
''Di nga seryoso ?''
'' Totoo nga! Kaya never kitang sasaktan. Basta wag mo lang ako iwan.'' Sabi nito at hinawakan yung mukha ko at kasabay din nun ang pag halik nito sa aking noo na nagpa ngiti at nagpasaya sakin..
''Thanks Tristan.. hindi nga talaga ako nagkamali sa pagpili sayo para mahalin ka.. Salamat sa lahat ng pagmamahal at pag-intindi mo sakin.'' Masayang sabi ko sa kanya..
''I love you Summer.''
''Mahal din kita Tris.'' He kissed my forehead again. He never fails to love me, the way I used to love him. Kung sana naging ganito rin si Max at Zigyy sa dalawa kong kaibigan, masaya sana lahat..
''WOohoo!!'' Sigaw ni Elana wasak ang show eh, ni minsan ng mag away kami ni Max, never akong naglasing at nagpunta sa ganitong lugar, hanggang sa kwarto lang talaga ako umiiyak at nakikinig lang ng mga sad music. Pero itong si Elana, grabe mukhang lasing na..
Elana Pov:
Niyaya ko si Kathlia na umiinom kami ngayon, gusto ko kasi kahit ngayong gabi lang maibsan naman yung mga hinanakit ko kay Ziggy, kahit ngayon araw lang makalimutan ko yung mga nangyari sa amin noon. Alam ko matagal na panahon narin yun, pero nandito parin kasi yung sakit eh, nakatanim para kasi sa utak ko ang mga masasakit na sinabi ni Ziggy sakin nuon..
I wonder how Kathlia handle the situation between him and Max, Kung paano niya kinaya ang lahat, maganda naman siya mabait matalino yan nga lang ang wala ako kasi nga pangit ako.. Kay Ziggy narin nangaling yun.
End of Pov:
''Hoy! lasing kana? Tanong ko kay Elana na umiinom pa rin hanggang ngayon..
'' I'm not drunk Kath, kaya inom pa tayo.'' Sabay taas pa ng baso nito
''Tama na yan, dahil baka hinahanap kana sa inyo.'' Sabi ko kay Elana para umuwi na kami dahil anong oras na..
''Di okay lang, ako lang mag-isa sa bahay, kaya walang maghahanap sakin.'' Sabi pa nito.
''pero Elana kailangan ko na talagang umuwi. Baka kasi nag aapoy sa galit na ang isang yun.'' Nag-aalala kong sabi sa kanya pero tinignan lang ako nito at saka inabot sakin ang isang baso ng Vodka..
''Just enjoy the night Kath, forget about Max okay? Kaya inumin mo na yan.''
''Cheers!! habang pinagmamasdan ko si Elana para bang na awa ako sa kanya to think na kapag hiwalay na kami ni Max, ay baka maging ganyan din ako katulad niya ngayon naglalasing para maibsan yung sakit kasi nga mahal niya yung tao. I'm sure makakapag move on din siya..
''Mom mauna na po ako sa inyo ni Dad.''
''Sige Austin, pero mag-ingat ka.'' Seryosong sabi ni Dad
''I will Dad, kayo rin po ni Mom, Don't drink too much dahil you still have a flight to catch for tomorrow with Mom..
'' Okay Anak! Mamimiss kita.'' Sabi ni Mom habang nakahawak si Dad sa bewang nito
''Mamimiss ko din po kayo ni Dad.''
Austin Pov:
Pasukan na naman bukas. Kaya dapat gigising na naman ng maaga, gusto ko sanang wag ng pumasok, pero baka malaman nila Mom at Dad at talagang tuluyan na nilang itapon yung mga sasakyan ko at eh freeze yung Atm ko, at 1 year grounded pa, gusto ko pa naman mag racing..
End of Pov:
Mabuti nalang talaga na pilit ko si Elana na na umuwi na kami, dahil kapag nagkataon na hindi siguro dito na kami matutulog kapag pareho na kaming lasing..
Time check it's already 2am in the morning where are you Kath? Ang dami kung tanong sa isip ko, kung magkasama pa rin ba silang dalawa ng kaibigan kong si Tristan. At napansin kong lumabas si Manang galing sa kwarto nito..
''Max dumating na ba si Kath?'' Tanong nito
''Nope, di pa kasi tapos makipaglandian ang isang yun sa kaibigan ko kaya hanggang ngayon wala parin ito sa bahay.'' Nagpipigil ng inis kong sabi kay Manang..
''Di mo maintindihan ang sinasabi mo Max, Ang sabi lang naman niya ay susunduin daw siya dito ni tristan at ito nalang daw ang bahalang magsabi sayo.''
''May kaibigan bang mang-aagawa?'' Mahina kong sabi
''Hindi ko talaga maintindihan yung mga pinagsasabi mo Max.''
''Hindi mo talaga maiintindihan Manang kasi magaling mag tago ng sikreto ang babaeng yun. Siya nga po pala pakikuha niyo nalang ako ng maiinom sa fridge.''
''Pero lasing kana.'' Nag-aalinlangan sabi nito at tinignan ako.
''Just do what i said Manang.''
''Okay sige pero pag naubos mona ang lahat ay matulog kana at ako nalang ang bahalang maghintay kay Kath.'' Sambit nito saka umalis.
''Hey! kaya mo pang mag drive? Dahil kung hindi tatawagan ko nalang si tristan para ihatid tayong dalawa pauwi'' Tanong ko Kay Elana habang kinukuha ang susi ng sasakyan nito sa kanyang bag..
''Trust me Kath, kaya ko pang mag drive at ihatid ka sa bahay niyo.'' Sabi nito bago ilagay yung susi sa kanyang sasakyan. Kaya naibsan yung pag-aalala ko kasi mukhang di pa naman siya lasing. At kaya pa nga niyang magmaneho.
''Thanks Kath, dahil sinamahan mo akong magsaya at uminom ngayon.'' Sabi nito saka mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha..
''May masaya bang nagpupunas ng mga luha?'' Ani ko saka sabay naming inayos yung seathbelt namin..
''Hays! iwan ko ba siguro tears of joy lang ito.''
''May tears of joy bang heartbroken?'' Pabaling kong tanong sa kanya kaya napatawa ito ng bahagya..
''Gaga! pero napatawa mo ako dun ah.'' Sambit nito at kaagad na pinaandar yung sasakyan.