Three

1507 Words
"Pasok kayo," aya ni Mirabelle sa dalawang bagong nakilala sa gubat. Ayaw sana niya itong papasukin sa mansyon dahil mag-isa lang siya at wala ang dalawang tauhan niya na nangangalaga ng pananim at mga alaga niyang hayop pero naawa naman siya sa lalaki na hinang-hina pa rin. Kahit ang mga serbedora niya ay sabay niyang pinaalis upang mag-day off. Dumarating talaga ang araw na gusto ni Mirabelle mapag-isa kaya sabay-sabay niyang pinapalabas ang mga tauhan niya. Pero minsan ito naman ang oras na sinasalakay siya ng mga kamag-anak niya na gustong angkinin sa kanya ang buong Hacienda. Si Mirabelle lang ang ginawang tagapagmana ng kanyang abuelo na siyang nagpalaki sa kanya kaya't galit na galit sa kanya ang mga kamaganakan niya. Pero sa hindi malamang kadahilanan sa tuwing papunta ang mga ito sa Hacienda upang sugurin siya, ay hindi ang mga ito nakakarating dahil nagkakaroon ng aksidente ang sasakyan ng mga ito dahilan upang hindi ang mga ito makatapak sa lupain. Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Mirabelle. Ang mahalaga sa kanya ay maalagaan niya ng maayos ang buong Hacienda. "Ito ang palasyo mo? Mukhang hindi ata ito naayon sa panlasa ng aking panginoon, mortal." Napasabunot sa buhok si Mirabelle nang marinig ang sinabi ng babaeng nakita niya sa kagubatan. Kanina pa siya nahihiwagaan sa estilo ng pananalita ng mga ito. She stopped on her track and looked back at the two while grinning annoyingly. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon na papasukin sa mansyon ang dalawang ito. She didn't even know their names! "Bakit ba kanina pa kayo tawag nang tawag sa akin ng mortal? May pangalan ako," saad ni Mirabelle. Sinulyapan niya ang lalaki na ngayon ay nanghihina pa rin. Nakaupo ito sa sofa at inaalalayan ng kasama nitong babae. Hindi sumagi sa isip niya na magkasintahan ang dalawa dahil base sa obserbasyon niya ay parang bodyguard kung umasta ang babae. Is this guy an idiot? Kaya ba kinakailangan nito ng bodyguard? "Kung ganoon, ano ang iyong pangalan, mortal?" tanong muli ng babae. Nakatayo ito ng tuwid na parang isang kawal na isasalang sa giyera. "Ako si Mirabelle. Kayo? Ano'ng mga pangalan niyo at bakit kayo napadpad sa lupain ko? Hindi niyo ba alam na tresspassing ang ginawa ni'yo?" Naglakad si Mirabelle palapit sa dalawa at napataas ang kilay nang makita na wala pa ring lakas ang lalaki. Namulat si Maribelle na wala na sa piling ang mga magulang at dahil lumaki siya sa Hacienda ay limitado ang kanyang kaalaman sa mga bagay-bagay. Bagama't marunong siyang magsalita ng ibang lenggwahe, upang makausap ang ibang kliyente ng Hacienda, ay wala siyang gaanong alam tungkol sa ibang kasarian. Namuhay siyang mapayapa sa hacienda sa loob ng dalawampung taon pero nang dumating itong dalawang taong bigla na lamang sumulpot ay nagulo ang buhay niya. Ni minsan ay hindi siya nagpapasok ng mga estranghero sa mansion. "Bakit ni'yo ako tinatawag na mortal? Pare-pareho lang naman tayong tao, sus!" "Hindi tayo magkapareho ng lahi, mortal. Naiiba kami sa inyo ng aming panginoon dahil isa kaming—" Naputol ang sasabihin ng babae nang biglang magsalita ang lalaking kasama nito na ngayon ay nakahiga na sa sofa at nanghihina pa rin. "Katas. Kailangan ko ng katas, Elenara." Namamaos ang boses na pakiusap ng lalaki. Halos hindi na nito maimulat ang mata dahil sa sobrang panghihina. Hindi maintindihan ni Mirabelle ang nangyari rito. Nakita niya kung ano ang ginawa nito kanina at alam niyang mali ang ginawa nito. Natakot pa siya noong una dahil ang buong akala niya ay may gagawin itong masama sa kanya. Kaya lang niya ito hinayaang makapasok sa pamamahay niya dahil nangangailangan ito ng tulong na siyang kahinaan niya. Mukhang hindi naman ito masamang tao. Pero kung may masama itong tangka sa kanya ay hindi siya mag-aalinlangang patayin ito. "Ah! Oo nga pala. Masiyado niyo akong d-in-stract kasi, eh. Nakalimutan ko tuloy!" Natapik ni Mirabelle ang noo nang maalala ang tunay na dahilan kung bakit inimbitahan niya ang mga ito sa mansion. "Diyan lang kayo at ikukuha ko ng gatas 'yang kasama mo." Tinalikuran niya ang dalawa at naglakad patungo sa kusina. Ngunit hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang tinawag siya ng babae. "Sandali, mortal. Ano'ng gagawin mo? Saan ka pupunta? Ano'ng kukunin mo?" Magkasalubong ang kilay at subod-sunod na tanong ng babae saka mahigpit siyang pinigilan sa braso. "Gatas! Hindi ba kailangan ng kasama mo ang gatas para bumalik na ang lakas niya?" nagtatakang tanong ni Mirabelle. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nito pinigilan. "Ano'ng gatas? Hindi gatas ang kailangan ng panginoon ko kundi katas. Katas ng isang mortal," malamig ang boses na paliwanag ng babae saka siya binitawan. "A-anong katas? Bakit katas?" Tumalikod si Mirabelle at iniwanan ito na umiling-iling. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng babae. "Hoy, mortal. Bumalik ka rito at kinakausap pa kita!" Hindi ito pinansin ni Mirabelle at tuloy-tuloy na dumiretso sa kusina pero sa pagbukas niya ng pinto ay biglang tumambad sa kanya ang babae na kanina lang ay iniwanan niya sa bulwagan. "Ahh!"nanlalaki ang matang sigaw ni Mirabelle sa labis na gulat. Halos himatayin siya sa pagkasindak pero mabuti na lang at napakapit siya sa hamba ng pintuan. "B-bakit ka nandiyan? A-anong ginagawa mo diyan? Doon ka lang kanina 'di ba?" natatarantang tanong niya. "Tulad ng sinabi ko, mortal. Katas. Katas ng isang mortal ang kailangan ko, hindi ang gatas na sinasabi mo." "Kanina pa kayo katas nang katas. Ano'ng katas ng mortal ba ang pinagsasabi mo?" Hindi pinansin ni Mirabelle ang babae at pumasok sa kusina. Huminto siya tapat ng refrigerator at bago buksan iyon ay nilingon niya ang babae. "Ang alam ko lang na katas ng mortal na sinasabi mo ay ang puting likido na katulad ng lumabas sa kasama mong lalaki kanina. At alam ko rin na hindi kaaya-aya ang ginawa niya. Kung hindi lang ako naawa sa kanya ay hindi ko siya pinatuloy dito sa mansyon." Binuksan ni Mirabelle ang refrigerator at kumuha ng karton ng gatas. Matapos iyong maisalin sa baso ay iniabot niya iyon sa babae. "Eto ang gatas at ipainom mo doon sa panginoon mo." Ngunit matalim lang siyang tinititigan ng babae at hindi kinuha ang hawak niyang baso ng gatas. "Sinabi ko na sa'yo, mortal. Hindi 'yan ang kailangan ng panginoon ko kundi katas ng isang mortal." Mirabelle rolled her eyes and placed the glass of milk on the island counter. "At sinabi ko na rin sa 'yo na hindi ko alam kung ano ang katas na sinasabi mo!" Hindi mapigilan ni Mirabelle na tumaas ang boses dahil sa kakulitan ng babaeng kaharap. "Simple lang, mortal." Lumapit kay Mirabelle ang babae at yumuko sa harapan niya upang magpantay ang mukha nila. "Hanapan mo ako ng mortal na maaaring makipagtalik sa panginoon ko upang bigyan siya ng katas. Kung wala kang mahanap, ikaw ang iaalay ko sa kanya." Iniharang ni Mirabelle ang dalawang palad sa kaharap at sumagot. "Hep, hep! Paano kung ayoko?" Nakataas ang kilay niyang pag-ayaw. "Hindi mo ba alam na bawal 'yang pinagsasabi mo?" The woman crossed her arms in front of her chest and smirked. "Wala akong pakialam kung bawal o hindi ang inuutos ko. Isa lang ang masasabi ko. Hanapan mo ako ng mortal na makakapagbigay ng katas sa panginoon ko, bago ko pa isakripisyo ang sarili mo!" "No! I'm not doing that!" Matigas na tanggi ni Mirabelle. "Bakit naman ko naman gagawin 'yon? Gusto mo bang hulihin ako ng mga pulis? That is considered a r**e!" The woman's face darkened, and she stepped towards me. Huminto siya sa tapat ko at sa isang wasiwas ng kamay nito ay may lumitaw na espada sa palad nito at itinutok sa akin. "Inuulit ko, mortal. Gagawin mo kung ano ang gusto ko. Maghahanap ka ng babae o sarili mo ang isasakripisyo mo." Pagbabanta pa ng babae habang nakatutok pa rin ang espada sa leeg ni Mirabelle. Binalot ng takot ang mukha niya at hindi siya agad makasagot. "Magsalita ka, mortal. Pagbibigyan mo ba ang hiling ko o babawian kita ng buhay?" Diyusko! Sino ba 'tong mga pinapasok ko sa bahay? Naiiyak na tanong niya sa isip. "Tama na, Elenara. Hayaan mo na ang mortal na 'yan at ako ang bahala sa kanya." Ang namamaos na boses ng lalaki ang sumabad sa usapan ng dalawa na ikinahinga ni Mirabelle. "Panginoon! Bakit ka bumangon? Nanghihina ka pa!" Lumapit ang babae rito na tinatawag na Elenara at dinaluhan ang lalaki. Napakunot naman ang noo ni Mirabelle. Kanina pa niya ito napapansin na tinatawag nitong panginoon ang lalaki. Ano ba talaga ang dalawang ito? At ano ang binabalak ng mga ito sa kanya. "Mortal, dalhin mo kami sa isang silid na puwedeng mapaghingaan ng aking Panginoon." Napanganga na lang si Mirabelle dahil sa parang Reyna na pag-uutos ni Elenara. Daig pa siya nito na siyang mismong may-ari ng bahay. Ngunit wala siyang nagawa kundi ang dalhin ang mga ito sa guest room at hinayaan ang mga ito. Wala na siyang pakialam kung magsama ang dalawa sa iisang kuwarto. "Hmp! Guwapo nga sana, mukhang may sayad naman sa utak!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD