Rae's POV
.
.
"Permission to leave Capt " sabay saludo sa kapitan dahil tapos na ang duty ko. Sumaludo din siya sakin at nag bow.
Papunta na sana ako sa kabina ko para magpahinga ng makita kong papunta sakin si Chief Mate Del Vega isa siya sa naging close friend ko hindi lang sa barko pati nadin pag nakabakasyon kami. Naging schoolmate ko kasi siya sa Universitat Politècnica De Catalunya(UPC) sa Barcelona isa sa sikat na school for Marines, Nautical Engineering, Shipping Business at iba. Kahit na ayaw man ng daddy at dalawang kuya ko na ito ang maging Profession well wala padin silang nagawa hindi din nakatiis sa nagiisang babae nila.
"Kanina pa kita inaantay, tara na hinahanap kana nila Chief Engineer " beso sakin sabay hila sana saakin
"Easy ka lang Nic, wala ka naman sigurong hinahabol ano? Baka may babae ka diyan ha lagot ka kay Nicole ako narin mismo babali ng buto mo " talim na titig ko sakanya, ako lang din ang nakakaalam na may gf siya dahil gusto nila ng private relationship raw emz ka
"Hoy wala no, may night out din daw kasi after dinner libre ni Chief, saka may papakilala din pala ako sayo" sabay kamot niya batok
"Baka din naman nakalimot kana matagal tagal na din, lumandi ka naman Raerae galaw galaw " sabay tawa niya.
Siya lang din naman nakakaalam ng hiwalayan namin ng Ex ko and he's always been there for me through out my moving on journey. Nakamove on naman na ako and okay na dahil masaya naman na siya and I'm proud of myself kasi nakaya ko kahit masakit. I have to let him go for me to grow, and I think he's also confused to his feelings and his ex also needs him badly for some reasons daw. And it's been 3 years from now.
"I have to change nakauniform pa ako oh and I'll just take a quick shower para din naman hindi ako ganun nakakahiya sa ipapakilala mo. Pogi ba yan?" sabay tawa ko napailing lang siya at tumatawa.
"Syempre ako pa ba, all in one na Hill wala kang problema. Minsan ka na nga lang magkajowa pangit pa malas mo naman" sabay hagalpak ng tawa
"Siguraduhin mo lang. Susunod nalang din ako sa baba, byeee" hindi ko na siya inantay pang sumagot at pumasok na agad sa cabin ko.
Mabilis lang ako nagshower saka pumuntang vanity ko para magblower at maglagay ng konting make up kahit maganda na ako kahit natural lang. Simple black dress na above the knee at see through yung sleeves para kabog diba pinartneran ko na lang ng Dior sneakers ko kasi for sure all out party nanaman ito lalo na at kasama ko si Nic. Magreretire na kasi si Chief Engineer despedida niya ngayong gabi dahil baka bukas ng hapon ay asa port na bababa na mga passenger. Buti nalang tapos na duty ko.
Agad na ako bumama at tumungo sa Resto madami din akong nakakasalubong na bumabati sa akin. Nang mapansin ko ang nagiisang babaeng nakaupo sa labas ng resto umiiyak at umiinom, maybe she needs someone to talk at sa pagalala ko pinuntahan ko muna ito saglit.
"Good evening Madame sorry to disturb you, are you okay? Is there any problem or anything that I can help you with?" sunod sunod na tanong ko. Napatitig ako dito ng lumingon ito sakin she look familiar, mars sobrang ganda hindi din ganun katandaan siguro asa 40s, simple lang manamit pero halata mong mayaman ito.
Nagulat ako ng niyakap agad ako nito at humagulgol na kaya napaluhod na ako hinagod hagod ko nadin ang likod nila. Hinayaan ko lang silang umiyak siguro sobrang bigat na ng dinadala nila she badly needed someone, maswerte na pala ako dahil noong mga panahong kailangan ko ng makikinig sa mga rants ko at magpapatahan sakin ay meron akong kaibigan at pamilya na asa tabi ko. Ramdam na ramdam kong hindi ako magisa. Hinayaan ko lang sila hanggang sa napagod na silang umiyak. Humiwalay nadin sila sa akin at pinahid ang mga luha nila.
"I'm really sorry to disturb you miss, I just needed to let it all out, thank you for being my crying shoulder and I'm fine na thank you for asking. It's been a long time since I heard someone ask me that huh" sabay ngiti nito sakin pero kita padin sa mga mata ang lungkot nito.
Ngumiti ako "It's okay not to be okay maam time will heal" nagtatagalog pala sila akala ko pa naman pure english kundi mauubusan na ako english dahil mukha silang lahing foreign.
"You look really familiar iha are you the famous female Captain Phoenix? By the way you may take a seat if you want" she asked sabay turo sa harap ng upuan niya.
Naupo nadin muna ako dahil hindi pa naman nagsisimula ang dinner at may mga ibang inaantay pa nakatayo ding nakikipagusap pa si chief sa ibang kakilala, kita kasi ang loob nito dahil glass ito.
"I am ma'am but not that famous" sabi ko ng may nahihiyang ngiti. Nakilala ako dahil ako ang kauna unahang babaeng kapitan na nailusot ang pagkalaki laking barko sa pinakamasikip na Suez, Pamana at Corinth Canal ng walang kahirap hirap lalo na't sikat na cruise ship ito.
"Very humble darling I like you. By the way I'm Clarise Moretti call me tita nalang. I bet it's not easy working with men, lalo na't madaming loko loko" sabi niya at naglahad ng kamay tinanggap ko naman ito.
"Nice meeting you po, haha opo medyo madami dami pero kaya ko naman po sarili ko" sabi ko
May sasabihin pa sana sila ng may tumawag sa phone nila, nginitian ko nalang sila at tumingin sa loob mukhang magsisimula na ang dinner dahil nagstart na din kumanta ang live band dito.
"Hello son" "Andito lang ako sa labas nagpapahangin" "Okay I'll wait for you" "Love you too"
Mukhang napansin din yata nila na ako nalang inaantay ng mga kasamahan ko sa long table dahil napatingin din sila dito.
"Mukhang ikaw nalang ang inaantay nila iha, sorry for disturbing you and thank you so much for sparing time with me. Parating nadin ang anak ko, gusto pa sana kitang ipakilala mukhang sa susunod na pagkikita nalang natin iha" wika nila
"It's okay no problem po, haha opo till we meet again po" sabay tayo ko na
"It's nice meeting you again iha, thank you" ngiti nila
"It's nice meeting you too tita, take care po" ngiti ko nagbow at naglakad na pabalik sa loob.
Patungo na ako sa mga kasamahan ko ng mahinto ako dahil nahagip ng mata ko ang papasok na ex ko kasama ang babaeng pinili niya. Nahinto ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat this is really unexpected huh what a small world, may konting kirot nanaman akong naramdaman sa puso ko akala ko ba okay na ako. Nang may humarang na lalaking sa harapan ko na mas matangkad sakin ng konti kaya nawala na sila sa paningin ko.
"Excuse me miss can I pass your in the middle of way" sa baritone voice niya.
"Oh I'm sorry" sabay gilid ko para bigyan siya ng daan saka ko lang siya nilingon nakakunot noo ito at nakatingin lang din sa phone niya ng tumingin din ito sakin. And our eyes met, there's something in his look that I can't read he also seems familiar to me, bumagay ang navy blue polo shirt nito na fit na fit sakanya, well pogi to pero hindi ko ganung type madami kang magiging kaagaw pag ganito kagwapo mukha ding playboy, wait bat ko ba naiisip yun.
He sweetly smiled at me "It's okay mon chèri, thank you"
Ano raw? Spanish words lang alam ko ee, tipid na ngiti nalang ang isinagot ko saka na ako naglakad sa table namin.
Nang makalapit na ako ay rinig ko na ang masayang kwentuhan nila. Napatingin na din sakin si Chief Engineer sabay ngiti kay Nic "Oh here comes your girlfriend Nic" sabay kantyaw nila samin
Sa sobrang close namin ni Nic lagi pa kaming magkasamang sabay na sumasakay at nagbabakasyon akala talaga ng marami ay girlfriend niya ako, hindi kasi nila alam na may karelasyon to dahil nga they want private relationship kuno.
"Guys, we're just super close friend" pagdepensa nito
"Sorry Chief I'm a bit late" pagpaumanhin ko sabay upo sa tabi ni Nic, tinanugan lang din ako ni Chief.
"By the way sorry I forgot to tell you andito pala ang ex mo magbabakasyon sa Switzerland" bulong nito sakin
"No worries, bababa naman na sila ng port bukas and besides he didn't know that I'm here" sabi ko pero ang totoo ay nababahala ako baka magkasalubong kami dahil hindi pa pala ako ready makaharap siya kung magkita man kami. He also tried to reach out many times pero ayoko nadin talaga ng any contact or connection to him baka mapaginitan pa ako. Nagsimula nadin ang dinner at kwentuhan.
Matapos ng dinner ay nagkayayaan na mga kasamahan ko na magkantahan at pinalitan ang live band ang iba na nga ay sumasayaw sayaw na sa harap. Mangilan ngilan naman na ang mga tao dito bukod samin ay andito din pala ang mga matalik na kaibigan ni Nic na mga passenger namin hindi ko sila ganun kilala pero balita ko sikat ang mga ito, minsan lang magkita ang mga ito pero sobrang dikit padin nila. Asa harap nadin si Nic hawak ang guitara at kumakanta.
"By the way shout out to my best bro's in here, thank you for visiting me and choosing Empire Cruise hope you enjoy your vacation" kaway niya sa mga ito at nagsihiyawan naman sila.
"And I would like to congratulate mah bro David and Sofia the newly engaged, congrats bro nakahanap kana din ng katapat mo at nawala kana sa listahan ng The Bachelors" sabay tawa nito nagsipalakpakan na din kami
"Our next song is requested by David, Sofia this one's for you. Oh how sweet bro" asar nito sa kaibigan niya. Pinatugtog nadin niya ang guitara at nagsimula ng kumanta ng To the bone ng Pamungkas.
Nang matapos ito akala ko bababa na nang muli itong nagsalita, jusme nagtawag pa talaga.
"And for our last song may I call on this strong and beautiful woman in here to sing with me" sabi nito kaya todo kantyaw nanaman ang mga kasamahan naming kano.
"I know you've been thru a lot but look how happy and successful she is now and to her ex" huminto siya na parang may hinahanap. D*ym andito pa pala siya kinabahan nanaman ako.
"Let her be, just let her go please and thanks man cause she deserves more, a better man. Come up here on stage Master Phoenix" omg swerte ko talaga sa kaibigan kong to nawala ng konti ang kaba ko pero mas kabado bente padin talaga ako.
No choice nadin ako kaya pumunta na ako, nginitian saka kinindatan niya lang ako. Binigay nadin sakin yung electric guitar at tumapat sa mic. Kahit kabado bente ako ay sinimulan ko nang kumanta.