Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nakita kong si Sophia ay nanlaki ang mga mata at agad na umalis. Hindi ko alam kung ipapabalita niya ba ang narinig niya sa buong departamento o hindi. Wala akong alam. Ang tanging umiikot lang sa isip ko ngayon ay ang sinabi ng kapatid ko. "A-Ano?" Ang boses ko ay hindi ko na mawari. Ngiting ngiti siya sa akin habang tinitignan ang gulat kong reaksyon. "Totoo! Can you believe, that? Ikakasal na kami! Ikakasal kami!" Palakpak niya at hinigit ako para yakapin. "Sobrang saya ko, Patricia!" Dama ko 'yon. I wish to be that happy, too. Ang boses ni Ate Avinia ay hindi maipagkakakila. Masaya nga ito and it seems real. Kailan pa? "Aren't you happy for me?" Aniya pagkatapos niya kumalas sa pagkakayakap sa akin. I tried to flashe

