"What have you done?!" Isang lagapak ang naramdaman ko sa aking kaliwang pisngi. Tulala akong napahawak dito. Nangingilid ang mata ko nang mapatingin kay mama. Her eyes are red from crying and you can see her anger arising from her. "Anong ginawa mo sa kapatid mo?!" Nakakabinging sigaw niya sa akin. "Tama na yan!" Inaawat siya ni Papa dahil nakakakuha na kami ng atensyon mula sa mga tao dito sa hospital. Naramdaman ko ang paghawak ni Mikael sa aking baywang. Inilikod niya ako at siya ang humarap sa aking magulang. "At ikaw?" Duro ni mama kay Mikael, "Nilandi ka lang niyan!" "I'm sorry for what happened to Avinia." He said, ignoring what she said. Nilingon ako ni Mikael na hindi pa rin nakakabawi sa pangyayari ay saka muling kinausap sina mama, "Matagal na kaming may

