Pagkatapos ng party ay sumama lang ako kina Dan at Yel na abala sa pictorial nila. Dahil nga isang magaling na photographer na ngayon si Dan ay panay pose ni Yel ng mga posisyon na kahit ako ay hindi ko maisip na gawin sa akin. "Sabi ko naman kasi si Aurora na!" Ngisi ni Yel habang pinapalit ako sa kanya. Ilang beses ako umiling. "Ayoko nga! Ikaw lang naman mahilig sa mga ganyan!" Syempre hindi totoo yun. Parehas kami ng hilig ni Yel sa lahat ng bagay pero nandito kasi si Mikael kaya dapat mahinhin muna tayo. Lumipad ang middle finger ni Yel sa akin. Si Dan naman ay tinapunan ako ng isang maliit na bato. Hindi ko alam saan niya nakuha 'yon. There are still few visitors inside the mansion. Maaaring related sa business nila ang mga pinag-uusapan nila don. Kahit hindi sina

