Isang ribbon ang sinuot ko, blue shirt at jeans. Wala kasi akong ideya kung saan kami pupunta nila Cadence. Kagaya ng sinabi ni Mikael kagabi, hindi ako papasok ngayon. Pati na rin siya ay hindi rin. He wants to spend more time with our son. Gusto niya pa daw kasi na makilala ito at malaman ang iba pa niyang mga hilig. Ayoko namang mag protesta doon. Tama naman siya, ilang taon ang nawala sa kanya at marami siyang hindi naabutan kay Jethro. Kaya bibigyan ko ang panahon na ito para makapag-enjoy silang mag-ama. Jethro already recognized him as his father. Kinausap ko siya ng mabuti kagabi, kahit na hindi niya pa masyadong naiintindihan, alam kong alam niya na si Mikael ang kanyang ama. "Susunduin ka ni Dan?" He asked me. Naabutan ko siyang pinapakain si Jethro. Hindi ko mapigilang mapa

