Hindi ako masyadong makangiti ng maayos. Nasa amin ang atensyon ng mga models at ibang kapwa photographer nila Yel at Dan. Dan is looking intently at us while Yel is happily taking a picture of us. Kaming tatlo. Habang karga ni Mikael si Jethro. Ang picture na ito ay hindi ko inaasahan. Buong akala ko ay hindi na makikilala pa ni Jethro ang ama niya. "Pack up, guys. Out na tayo." Sigaw ni Dan sa buong team kaya agad na nataranta ang lahat para magsi-ayos. Si Yel naman ay masaya kaming sinalubong. "Sir! Comeback?" Nangingiting tanong ni Yel kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Comeback? Wala namang sinabi si Mikael na mahal niya pa ako. Kaya lang naman kami magkasama dahil kay Jethro.. "Tumahimik ka nga!" Sapaw ko sa sasabihin ni Mikael, hindi siya nakapagsalita dahil

