Sinalubong agad ako nina Sophia at Ana. Silang dalawa na lang ang natira dito, sinabi din naman nila ito sa akin nung huling punta ko. Walang kamatayan ang pagkwekwento nila hanggang sa makarating kami sa bago kong cubicle. "Alam mo ba? Ang daming usapan noong bigla ka na lang nawala! Sabi nila nabuntis ka daw!" Ani Sophia. Kahit nasa loob na ako ay hindi pa rin nila talaga ako tinitigilan. "Sorry, Aurora ha? Pero nakakagulat din na pinalitan ka ng kapatid mo. Magkapatid ba talaga kayo?" Si Ana ang nagtanong. Nangingiti ako dahil mukhang alam ko na ang dahilan ng pagtatanong niya. "Oo nga! Napakasama ng ugali! Hindi ko alam kung saan nagmana, mukhang mababait naman sina Mr. at Mrs. Ante!" Pagsang-ayon naman ni Sophia. "Ganun na talaga yun. Hindi na mababago 'yon.

