"I'll drive you home.." He insisted. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin. Nawalan na ako ng mga salitang gusto kong sabihin. So my sister is lying? Bakit naman niya gagawin yun sa akin? But rememberimg everything, wala namang gustong gawin ang kapatid ko kundi ang masaktan ako. "When's your graduation?" He asked without leaving his eyes on the road. Sinubukan kong hindi siya tignan bago sumagot. "April 14." "What time?" Nagkibit balikat ako sa kanya dahil wala pa namang binibigay na oras sa amin. Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap ay balik sa tahimik ang paligid. Niliko ni Mikael ang kotse papuntang bahay ni Yel. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung nasaan ang lokasyon ng bahay ni Yel.. Minsan na rin siyang pumunta

