Late na nang natapos ang wedding reception nila Cadence at Stan, nagtaka ako dahil mukhang umalis pa silang dalawa at kababalik lang nila ngayon. Early honeymoon, huh?
Sinuklay ko ang aking buhok, I want to go home coz I'm tipsy. Medyo naparami ang inom ko ngayon, well, I can't blame myself. Ito kasi ang pinakamasayang araw para kay Cadence at siguro... para rin sa akin.
Nakatabi ko kasi kanina yung crush ko, I may sound like a highschool girl but he's really my crush! Kahit ata si Yel ay gusto ang lalaking 'yon. Who wouldn't? Hindi naman siya mukhang matanda. He's hot, a hot bachelor to be exact.
"Thank you sa inyo." Nakangiting utas ni Cadence sa amin ni Yel, ngumiti ako sa kanya.
"Ano ka ba? Huwag ka ng mag thank you!" Ani Yel at yumakap kay Cadence.
Lumapit na rin ako at niyakap ang dalawa. Buti pa sa kanila, mahalaga ako, unlike sa bahay, puro na lang yung kapatid ko ang pinapanigan. Tss.
"Uuwi na kayo? You can stay here, you know?" Ani Cadence, sa mga Arrhenius kasi ang hotel kung saan ginanap ang reception.
"No need. Nakakahiya, diba, Aurora?" Siko sa akin ni Yel kaya napatango na lang ako.
Nakita kong napanguso si Cadence, maya-maya lang ay dumating na ang asawa niya at inakbayan siya, medyo napangiwi ako.. I'm still not used to it, the last time I checked ay mag tita pa silang dalawa.
"Okay." Ani Cadence, "Ingat kayo, ha?"
"Course. Mikael will drive them home." Ngisi ni Stan kay Cadence.
Awtomatiko namang namilog ang mga mata ko. Did I heard him right?
"Talaga!?" Utas ni Yel at simple akong sinulyapan, alam niya kasi na hinahangaan ko ang pinsan ni Stan!
Napaiwas ako ng tingin. Oh, f**k! Maganda ba ako ngayon? Nilabas ko sa pouch ang maliit kong mirror at patay malisyang tinignan ang ayos ko nang bigla akong sinisiko-siko ni Yel. What the fudge?
Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata, siya naman ay may nginunguso sa gilid ko. Para naman akong na estatwa sa aking kinatatayuan nang maamoy ang isang pamilyar na bango.
"Man!" Ani Stan at nakipag fist bump sa lalaking nasa gilid ko ngayon.
"Ikaw ba ang mag-uuwi sa kanila, Mikael?" Ani Cadence.
Damn! s**t! f**k! Lahat na ata ng alam kong mura ay narecite ko sa sobrang kaba.
"Yeah.." Aniya, one word but f**k that was so hot!
Para atang tumigas ang aking leeg at hindi ko siya magawang lingunin. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay biglang uminit na ngayon.
Na kay Yel ang tingin ko ngayon, tinutusok niya ako ng tukso at gusto ko siyang pagsabihan! Baka makahalata si Mikael!
"Uhm, Cadence! Uuwi na pala akong mag-isa.." Ani Yel na mas lalong kinagulat ko! "Siya na lang yung ihatid mo, Mikael. Ihahatid na pala ako ni Dan."
"What? Sabay na tayo.." Hindi ko alam kung ano ang naging tono ko dito.
Umiling-iling si Yel at winasiwas ang kamay niya. "Hindi pwede, bawal ang tatlo sa motor."
Really? Like really? Traydor na Yel na 'to! Hindi ako ngayon makahagilap ng tamang ipangtatapat sa sinabi niya, alam kong naririnig ako ngayon ni Mikael at ayokong isipin niya na ayokong magpahatid..
Sa gitna ng pag-iisip ay hindi sinasadyang napatingin ako sa nakangising mukha ni Stan. Nag taas siya ng kilay at umiling.
"Hatid mo na si Aurora, Mikael.." Aniya at kinindatan ako.
Shit!?
"Alright." Ani Mikael, doon na ako napatingin sa kanya at halos matunaw ang thread ng panty ko nang makita ko ang kanyang kakisigan. "Let's go?"
Maka-ilang beses kong binuksan ang bibig ko at sinarado ulit, hanggang sa kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito dahil ang hayop na si Stan ay umalis na at sinama pa si Cadence at Yel!
"K-Kahit huwag na..." Yumuko ako. "Pwede naman akong umuwi ng mag-isa."
"No. Won't let a girl go home by herself." Aniya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking pala pulsuhan. "What's your name again?"
"Pa-Patricia..." Akala ko pa naman alam niya na yung pangalan ko.
"I thought you're Aurora?" Nagtaas siya ng kilay.
Hindi na ako komportable sa hawak niya sa akin dahil parang paulit-ulit akong kinukuryente.. "Kung anong gusto mong itawag sa akin, Aurora or Patricia?"
"I prefer the latter." Aniya at dinala na ako sa kanyang sasakyan.
This is the first time na makaka sakay ako sa sasakyan niyang kasing kising niya rin ata. Sinubukan kong buksan ang front seat pero sadyang natatanga ata talaga ako kapag nandyan siya.
"Oh, sorry." Pinatunog niya ang sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pinto.
Mabilis akong pumasok at naupo. Mahigit isang oras ko makakasama si Mikael sa sasakyan. s**t! How can I have a normal conversation with him? Yung hindi ako nanginginig at naiilang, yung hindi niya mahahalata na gusto ko siya?
Pinanuod ko ang pag sakay niya sa sasakyan, niluwagan niya ang kanyang neck tie at nilagay sa likod ang coat na suot niya kanina.
"Sa ano.. sa Sta. Luicita, Cavite." Nauutal na sabi ko.
Hindi na siya nagsalita, tamad niyang minaneho ang sasakyan, he's driving with only one hand and I find it hot. Ano ba iyan! Lahat na lang ba ng gagawin niya ay kundi cool ay hot para sa akin? Malala na 'ko.
"So? Ilan taon mo nang kilala si Cadence?" He asked, nagulat ako dahil siya ang nag-umpisa ng topic.
Tumingin ako sa labas ng bintana. "Three years."
"How old are you?" Nagulat ako sa follow up question niya, para bang kapag sinagot ko na ang isa niyang tanong ay may itatanong ulit siya sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. "18."
"Quiet young." Narinig ko ang kanyang pagtikhim.
Hindi ko na lang pinansin ang komento niyang 'yon. Naalala ko pa noong una ko siyang nakita sa may golf park, alam kong nakita niya rin ako, hindi ko nga lang alam kung natatandaan niya pa.
I've already done some research about him. Ang alam ko ay 25 years old na siya. Wala namang kaso sa akin iyon, mas gusto ko nga yung mga lalaking mas matanda sa akin. Mas matured kasi at syempre.. mas hot.
"Naka graduate ka na ba?" Siya ulit ang nag tanong.
Umiling ako. Wow! I feel so worthless here! I'm usually witty and talkative. What happened now? Tumiklop? Ganon?
"Nagtrabaho na kasi ako.. ayoko rin kasi yung gusto ng parents ko sakin. They're ruling my life and I hate it." Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko pa yun sa kanya.
He chuckled. "You don't want to be your parents' puppet, huh?"
Medyo nahiya naman agad ako pero tumango pa rin. Wala na siyang sumunod na tanong sa akin. Kahit ako, wala rin na masabi, ilang ulit akong nag-isip ng topic pero nawawala rin naman agad sa isip ko sa tuwing susulyapan ko siya kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw ng mga lights sa kalsada.
Napansin kong lumiko si Mikael sa drive thru ng Mcdo, hindi pa siya kumakain?
"Kumain ka na?" Nagulat ako sa tanong niya.
Oo, kumain naman ako pero parang sa isang iglap ay nawalan ng laman ang tiyan ko. Bakit kaya? Tumango na lang ako sa kanya.
Hinintay ko si Mikael hanggang sa makuha na niya ang orders niya, may inabot siya sa aking paper bag kaya napalingon ako sa kanya.
"For you," Ani Mikael.
Umiling ako. Nakakahiya! "Busog ako."
Tila naman nangalay siya sa pagkakahawak sa paper bag at kinuha ang kamay ko, ito nanaman ang mga boltaheng kumukuryente sa akin! Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha habang pinahahawak niya sa akin ang paper bag.
"Then eat that when you're hungry." Narinig ko nanaman ang usual cold voice niya.
Eto na ata ang pinaka matagal na isang oras ko. At sa loob ng isang oras ay lumamig na talaga ang sasakyan niya, kahit yung pagkain na pinahawak sa akin ay hindi ako kayang painitin! Nilapag ko muna iyon sa aking hita at hinaplos ang medyo expose kong balikat dahil sa dress na suot ko ngayon.
"Are you cold?" Ani Mikael, sumulyap siya sa akin saglit.
Tumango ako.
Tinabi niya yung sasakyan sa gilid ng kalsada, buong akala ko ay papatayin niya yung aircon sa sasakyan pero hindi pala, kinuha niya yung coat at siya na ang nagpatong nun sa akin! s**t, lumapit lang siya sa akin ay mainit na agad ang pakiramdam ko!
Hindi na siya nagsalita tapos nun, pinagpatuloy niya lang ang pag maneho. Kahit ako ay hindi na lang umimik masyado akong nag-enjoy na nalalanghap ko ang bango niya sa kanyang coat at alam kong kakapit din iyon sa aking balat.
Tinuro ko kay Mikael kung saang subdivision ako nakatira, hindi ko nga lang tinuro yung eksakstong lokasyon ng bahay dahil baka makita kami ni Dad..
"Diyan na lang, salamat." Sabi ko.
"I'm not your driver, huwag kang magpasalamat." Aniya.
Nagalit ba siya?! Natataranta akong tumingin. "S-Sorry.."
Bigla siyang tumawa. "I was just kidding."
Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o ano.
"Wala namang bahay dito, where's your house? I'll drop you there." Aniya.
Umiling ako. "Diyan na lang, may hihintayin pa kasi ako." Kahit na wala naman.
Tumango siya sa akin, kaya binuksan ko na yung pintuan ng sasakyan. Pagbaba ko ay kitang kita ko pa siya na nakatingin sa akin. Hindi naman kasi tinted yung sasakyan niya, e. Akala ko nga aalis na siya pero binaba niya pa muna yung bintana.
"Goodnight.." Ani Mikael at ngumiti ng tipid. "And eat that later." Turo niya sa hawak hawak kong paper bag.
Uminit ang pisngi. Of course! Oh my God!