Chapter Three

1086 Words
Kulang na lang ay hilingin ko na kunin ako ng lupa sa nangyari. It's pretty obvious. I'm not numb enough I know that he's flirting! Mula sa galawan, alam na alam ko!   May matinong pakinabang rin pala ang madalas na pagsama ko noon kay Dan.   Matagal bago ako sumunod kay Mikael, ayokong sumabay. That was so embarassing! Sana ay sinabi nalang niya na may lumagpas na lipstick sa labi ko!   Okay, Aurora.. ang OA mo na, nag assume kasi ako, e!   "Aurora! Ang tagal mo!" Hinila na ako ni Yel papunta sa table namin.   May nakahanda ng mga plato doon. Nagpacatering pala sina Cadence. Hinanap muna ng mata ko si Cadence at napangiti ako nang makita ko agad siya.   "Aurora!"   Nakangiting lumapit sa akin si Cadence, she's wearing a pink dress na above the knee tapos ay may clip pa sa kanyang buhok. Anong trip ng babaeng to? Mukhang mas bata pa siya sa akin!   Yumakap ako agad sa kanya at nagbeso. Napairap ako nang maaninag si Stan na nakabuntot sa kanyang asawa.   Kaya pala, nandito si Dan, eh. May gusto pa naman yung ugok na yun kay Cadence.   "Hi Cadence!" Napatayo na rin si Yel at bumeso sa kaibigan namin.   "Buti nakapunta kayo." Nakangiti niyang saad, nakita kong umakbay sa kanya si Stan.   "Okay lang! Syempre kaibigan ka namin. Si Daile?" Tanong ni Yel.   Ngumuso si Cadence at tinuro si Daile na may kasamang lalaki. Opps, busy siya Yel. Busy sa boylet niya.   "Kain na kayo." Ani Stan sa amin.   Tumango kami ni Yel. Hindi na rin nagtagal si Cadence sa amin dahil kinakausap pa ang iba niyang kaibigan at kaibigan din ni Stan. Highschool friends, maybe?   Umupo na ulit kami ni Yel. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay, ang laki talaga ng mansyon ng mga Arrhenius dahil ang daming tao dito!   Puro mga bigatin. May kilala pa akong ilang artista at yung iba ay galing pa sa politika.   "Huy!" Naramdaman ko ang siko ni Yel sa akin.   Nilingon ko siya. "Ha?"   "Kain na tayo?" Anyaya niya sa akin.   Tumango ako. "Ikaw muna." Wala pa rin kasi akong gana simula sa nangyari kanina.   "Sigurado ka? Sige."   Pinanuod ko siya na tumayo, halos mapa tumbling ako sa tawa nang makitang nagkabanggan sila ni Lorcan!   Crush na crush pa naman ni Yel si Lorcan!   Busy ako sa pagpipigil ng tawa na hindi ko namalayan ang pag upo ni Mikael sa tabi ko.   Fuck!   "Hi." Kalmado niyang bati sa akin.   Sa isang iglap ay biglang nanlamig ang mga kamay ko. Really, Aurora? Ganito ka, ka affected sa simpleng Hi niya?   "Uy, hi din." What the hell? Anong klaseng bati yan?   Hindi ko maipokus ang tingin ko sa kanya kaya inabala ko nalang ang aking mga mata kay Yel na kausap na ngayon si Lorcan.   "Why won't you look at me?" He said huskily.   Napakuyom ako bigla. My heart is beating real fast! Parang nakikipagkarera ang puso ko sa kung ano sa sobrang bilis ng t***k nito!   "H-Hindi naman, ha?" Tumingin ako saglit sa kanya at nagbalik ng tingin kay Yel.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa ibang table na siya nakaupo at masayang kumakain kasama si Lorcan!   Traydor ka Yel, ha?!   "B-Bakit ka nandito?" When will I stop stuttering?!   Tumingin ako sa kanya.   Tinaas niya ang kanyang kilay. "Bakit masama ba?"   Umiling ako. "Hindi naman.."   "Do I intimidate you?" Diretsyo niyang tanong na muntik nakong mabulunan sa sarili kong laway!   Umiling ako sa kanya. Well, oo. Pero hindi ko aaminin!   Tumango siya sa akin. Bakit iniisip ko na hindi siya convinced sa sinabi ko? Ganoon na ba ako kahalata?   Nagulat ako nang umusog siya palapit sa akin. Halos hindi na ako makalanghap nang hangin, nagbaba siya ng tingin sa plato ko na wala pa ni isang pagkain.   "Hindi ka gutom?" Tanong niya pa.   Hindi talaga pero para makaalis nalang sa super awkward na sitwasyon ay tumayo ako. Tiningala ako ni Mikael at pinilit kong tinago ang pamumula ng aking mukha nang mapansin ang kanyang adam's apple dahil sa ginawa niyang pag tingala.   "K-Kain na ako." Paalam ko sa kanya.   Tumango siya sa akin.   Kinuha ko ang aking plato at sinikap maglakad palayo. Hindi ko alam kung nakasunod siya sa akin o hindi, ang tanging focus ko lang ay sana maayos ang lakad ko!   "Miss, may pila."   Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. Tumingala pa ako sa kanya dahil ang leche ang tangkad!   "Ano yun?" Wala sa sarili kong tanong. Ngumisi siya sa akin, may nagtapik sa kanyang balikat kaya tinignan niya iyon. Si Mikael pala.   "Oliver.." Baritonong wika ni Mikael sa lalaki. Oliver, huh?   Nagtaas ng kamay yung Oliver at umatras sa likod para si Mikael na ngayon ang nasa likod ko.   Okay, what's going on?   "Kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.   Napailing siya. "Cousin." Aniya.   Hindi ko nalang siya inusisa tungkol don dahil hindi naman kami masyadong close. Nakailang dasal na ako na sana ako na ang sunod dahil nabubusog na ako sa natural niyang amoy!   Nang ako na ang sumunod ay hinilig ko ang aking sarili at hinawakan ang serving spoon para sa pagkain na kakainin ko. Bigla nalang tumambol ang puso ko nang bigla kong maramdaman sa likod ko si Mikael.   Hinawakan niya rin ang serving spoon na hawak-hawak ko na. I looked at him, I can feel his warmth. f**k it!   Kumuha siya ng pagkain sa mula sa putahe na gusto ko at nilagay iyon sa akin plato. He did that without leaving my stare! Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin... o sa serving spoon.   "Mikael, man.." Narinig ko na ang reklamo ni Oliver sa likod.   "U-Uh..." Mabilis akong umalis.   Damn! Damn! Damn!   Hindi na ako makalingon pa kay Mikael, ramdam ko ang daming mga mata na nakatingin sa amin.   Anong plano niya? Why is he like that? Sa akin lang ba siya ganoon o hindi? Bakit ang lapit lapit niya sa akin? Bakit niya ako nilalandi?   "Oh, Aurora, namumutla ka?"   Nagpapasalamat ako sa Diyos sa biglang paglitaw ni Dan.   "Dan! Nasaan table mo?" Tanong ko sa kanya.   Kumunot ang noo niya at pinaglaruan ang bagong hikaw ata sa kanyang ibabang labi.   "Paalis na ako."   "Kakaumpisa pa lang ha?" Bakit aalis agad ang isang 'to?   Ngumisi siya at lumingon sa likod kaya napalingon na rin ako. "Seloso asawa ni Cadence amputa, hinalikan ko lang sa pisngi!"   "Ano?" Nanlaki ang mga mata ko at hinila siya paupo malapit sa kinatatayuan namin. Ni hindi ko nga alam kung may nakaupo na dito o wala e.   I just couldn't believe it. Why did he kissed Cadence?   "Bakit mo yun ginawa?"   Napailing si Dan sa reaksyon ko, kumuha siya ng isang kutsara at sumubo ng pagkain sa aking plato. "Puta big deal ba yon?"   God! "Of course!"   "Hindi big deal yon, Aurora. Kung may gusto ka wag kang pabebe. Sunggaban mo agad!"   "Makakasira ka naman ng relasyon." I retorted. "She's married, Dan. Bawal na yang pagkakagusto mo!"   Natigil siya sa pag nguya at tumingin sa akin. "Kailan pa bawal ang magkagusto?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD