NATULALA AKO HABANG hindi ko maproseso sa isip ko ang lahat. Halos ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang takot sa kaalaman na may laman na ang tiyan ko. “Ms. Esteban, kailangan mong mag-ingat sa susunod. Mabuti at agad na naagapan ang pagdudugo mo kaya hindi ka tuluyang nakunan. Kapag naulit pa muli ang pagdudugo mo ay malaki ang chance na baka mawala sa ’yo ang baby mo.” Iyon ang lintaya ng doktor na tumingin sa akin pagkamulat ko mula sa pagkakahimatay ko. Kita ko sa mga mukha nina Zylene at Allison ang gulat at ganoon din ang mababakas sa mukha ko. “D-Doc, ang ibig n’yo pong sabihin ay buntis ako?” Nang tumango si Doc ay agad akong napahawak sa tiyan ko. Diyos ko. Ano ba ito? Kamuntikan nang mawala ang baby ko dahil sa kapabayaan ko? Naalala ko na balak ko pa sanang uminom n

