Luca’s POV Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niya akong hindi na pinansin pagkatapos niyang makatanggap ng tawag kay Bard. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at saka ko siya sinundan. “Hoy, Kylo! Pansinin mo naman ako!” Sigaw ako nang sigaw sa pangalan niya pero walang epekto. Hindi siya tumitigil sa paglalakad, hanggang sa makababa na siya sa hagdan. Doon na ako tumigil sa pagsisigaw sa pangalan niya dahil nakakahiya. Huminto ako para tignan na lang kung saan siya pupunta. May pananabik ang pagkilos nito habang bumababa sa hagdan. Hindi ko pa siya nakikita na ganiyang ka-atat na kumilos. Nakita ko na lumapit siya sa isang babae. Niyakap niyo ito. Mahigpit na mahigpit. Halos hindi na nga makahinga ang babae. Kitang-kita ko sa mukha ni Kylo kung gaano siya kasaya. “Sino ba kasi ang ba

