Kylo’s POV Kakauwi ko pa lang, pero masamang balita agad ang nasagap ko. Ayon kay Bard ay nagkakagulo na naman ang mga tindera sa palengke. Sa pinasa na video ni Bard ay nakita kong sampong gangster ang naroon habang pinaghahagis ang mga tindang gulay ng mga tindera roon. Dalawang tindahan na naman ang binuwisit ng mga gangster na grupo ng mga tiger. Imbis na magpahinga ay hindi ko napigilan ang sarili ko na pumunta roon. Habang nagmamaneho na ako ngayon ng sasakyan ay nagpadala na ako ng message kay Finn na magkita kami ngayon sa palengke. Nagpadala na rin ako ng message sa sampong tauhan ko para may back-up kami ni Finn. Limang minuto lang ang tinagal ay nakarating na agad ako sa palengke. Kahit wala pa sina Finn at ang mga tauhan ko ay agad na akong sumugod sa kanila dahil nakita k

