CRISTINE Kasalukuyan akong nagva-vacuum dito sa sala ng marinig kong may kumatok sa pinto. Binaba ko ang vacuum sa floor at lumakad ako sa pinto upang pagbuksan ang nasa labas. Baka si nay Anissa na ‘yon, nagpunta kasi siya ng palengke mag-isa, ang sabi ko sa kanya sasama ako pero hindi niya ako pinasama, ang sabi nito, mas kailangan ako ni kuya Edriel dito sa bahay kaysa ang samahan ko siya mamalengke. Magaan at maaliwalas ang aking mukha kahit pawisan ako dahil sa paglilinis ng kabahayan nang buksan ko ang pinto. I’d thought that the person outside the door was nay Anissa—--but I was wrong! Si Ate Claudine pala ang nasa labas ng pinto! Mabilis na nawala ang ngiti nito sa labi ng makita na ako ang nagbukas ng pinto. Marahal hindi ako ang ini-expect nito na magbubukas ng pinto sa kan

