CRISTINE Nabitawan ko ang hawak kong empty box ng pizza dahil sa narinig ko. Ano? Si kuya Edriel, uuwi na dito sa pinas? Hindi pa naman tapos ang kontrata niya sa korea, ah? Nagtaas ako ng paningin kay nay Anissa. Kita ko sa ekspresyon ng mukha nito kung gaano ito kasaya na babalik na dito sa pinas ang anak nito. Lahat naman talaga ng magulang ay masaya na makakasama na ulit nila ang anak na nagtrabaho sa abroad. “U-uwi na po si kuya Edriel, Nay?” tanging nasambit ko. Hindi kasi ako makapaniwala na babalik kaagad dito sa pinas si kuya Edriel, two years kasi ang kontrata nito sa korea. Humila ng silya si Nay Anissa, naupo ito roon. “Oo, Cristine. Uuwi na siya. Sa susunod na linggo!” hindi pa rin nabago ang ekspresyon ng mukha nito. Masaya pa rin. Excited sa pag-uwi ni kuya Edriel.

