CRISTINE Bitbit ang lahat ng pasalubong sa akin ni kuya Edriel, pumasok ako ng kwarto at ni-lock ang pinto. Tinago ko sa loob ng drawer ang lahat ng pasalubong sa akin at pumasok ako ng banyo para linisin ang aking sarili upang maghanda sa aking pagtulog. Suot ang pares ng pajamas, sumampa ako sa kama. Dahil hindi ako makatulog, inabot ko ang phone ko sa ibabaw ng study table ko. Habang magpapaantok ako ay manonood ako ng k-drama. Naka-play ang downloaded video ng k-drama na paborito kong panoodin, pero wala naman ang focus ko sa pinapanood ko. Laman pa rin ng aking isipan ang mga sinabi ni ate Claudine kanina. I sighed, ano ka ba Cristine? Bakit ba apektado ka? Hindi naman dapat ‘di ba? Malalim akong huminga. Napatingin ako sa red roses na nakapatong sa study table ko. Unti-unti

