CRISTINE Pormal ang bawat kilos at pagsasalita ni kuya Edriel sa mga kamag-ana nito habang nandito kami sa bahay nila Shaine. Samantalang ako, hindi na ako mapakali kung ano ang mangyayari mamaya kapag nakabalik na kami sa bahay. Sa kabila ng maayos na pakikiharap ni kuya Edriel sa mga kausap, ramdam ko ang tinatagong galit nito sa akin dahil lang sa simpleng sinabi kong ‘Ingat ka sa pagda-drive mo pauwi, Jihero,’ Kanina. Ilang beses kong nahuli si kuya Edriel na masamang sumusulyap ng tingin sa akin habang abala sa pakikipag-usap. Kasalukuyan kaming naritio lahat sa sala nila Shiena, enjoy na enjoy pa ang lahat sa kwentuhan at tawana maliban sa akin na lihim a nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa nerbyos. Nagpasya akong tumayo para kumuha ng tubig. Pero agad akong hinawakan ni kuya

