DINALA siya ni Aristhon sa naging kuwarto niya sa bahay nito imbis na dumiretso ng ospital. Naupo lang ito sa gilid ng kama habang siya ay kandong. Pinagmasdan nito nang maigi ang kaniyang mukha, pinag-aaralan ang bawat bahagi niyon. Naisipan pa nitong ipadaan ang hinlalaki sa kaniyang makapal na kilay. Ibinaba patungo sa kaniyang ilong. Pinagbangga-bangga nito ang dulo ng daliri sa tongki ng kaniyang ilong. Huminto lamang ang mga kamay nito sa kaniyang pisngi't sa pagkakataong iyon hinlalaki naman nito ang pinangdampi nito sa kaniyang mga namumutlang labi. Ibinaba pa nga nito ang uli nito't ginawaran siya nang marahang halik. Sa likuran nito'y ang sinag ng araw na lumulusot sa salaming bintana kaya kung pagmamasdan silang dalawa'y para silang nasa payapang lugar sa silang dalawa lamang an

