NAKAUPO ang warden sa ilalim ng lilim ng malaking payong sa tabi ng malawak na bakanteng lupa. Sa kalayuan ay matatanaw ang paglubog ng araw na siyang nagtatapon ng manilaw-nilaw at mapula-pulang liwanag sa buong paligid. Sa harapan nito ay nagkalat ang mga presong hindi pa natatapos sa pagbungkal ng lupa na tatamnan ng mais. Nakatayo sa likuran nito ang dalawang guwardiya at ang iba naman ay nagbabantay sa mga preso. Hindi pa man sila nakakalapit ng guwardiyang kasama niya kinalalagyan ng warden mayroon itong nasabi sa kaniya. "Alam mo na rin naman siguro kung ano gusto ng warden, hindi ba?" sabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito dahil sa nasabi nitong iyon. "Iyong nakikipaglaro siya ng apoy sa mga preso?" paniniguro niya rito dahil sa narinig niya nga rin namang nakipagtalik ito sa w

