INAKALA niyang susunod sa kaniya si Aristhon ngunit nakarating siya sa harapan ng hotel kung saan nila iniwan ang kotse na wala ito sa kaniyang likuran. Malayo pa lamang siya sa kotse'y napansin niya kaagad ang lalaking nakasuot ng purong itim mula sa sombrero hanggang sa suotn itong sapatos. Tumayo ito nang tuwid matapos nitong mayroon kung anong gawin sa ilalim ng sasakyan. Hindi pansin ng ibang tao na naroon sa hotel ang ginawa nito dahil sa kabila ito nagtago. Lumingon pa ito sa direksiyon niya kaya napagmasdan niya ang mukha nito. Kaagad na tumimo sa kaniyang isipan na isa ito sa mga tauhan ni Rustom. Hindi nga siya nagkamali sa bagay na iyon sapagkat kumaripas ito nang takbo papalayo sa sasakyan. Dahil dito napatakbo na rin na lamang siya nang mahabol niya ang lalaki. Umakat ito sa

