MASYADONG maraming tao ang bulwagan na kanilang pinuntahan kung kaya napuno ng ingay ang kalaparan niyon. Isinaman sila ni MIkal roon ni Aristhon bilang alalay dahil sa inimibitahan ito ng isa sa mga kandidato sa pagiging presidente. Naroon itong sa entablado katabi ng nag-imbita ritong senadora. Sampung taon ang agwat ng senadora kay Aristhon ngunit kung titingnan sa malayo'y para bang hindi lalayo ang edad ng mga ito sa isa't isa. Naging epektibo rin naman ang pangongompaniya nito dahil maraming taong nagpunta na sumosuporta sa senadora, mapapansin iyon sa kulay pulang suot ng mga taong naroon. HIndi niya gustong nagtutungo sa pagtitipon na katulad niyon kung kaya nga hindi sumusuksok sa kaniya ang sinasabi ng senadora sa mikropono. Nilingon niya na lamang si Mikal na nakaupo sa katabi

