MABATO ang daang tinahak ng kotse kaya tumatalon-talon nang bahagya ang sasakyan. Sa magkabilang dako ay puro punong kahoy na matatayog ang mapapansin. Hindi na niya alam kung nasaan sila. Wala siyang nakitang bahay man lang o karatulang magsasabi kung saan sila naroroon. Isa lang ang sigurado siya nang sandaling iyon, malayo na nga sila ng siyudad. Hindi na lamang siya nagtanong at nanatiling tahimik sa kinauupuan. Wala namang nauumpog sa kanila sa bubong dahil sa nakalagay na seat belt sa kanila. Kung pagmamasdan niya ang labas ay malalamang bibihirang mapuntahan ng mga tao ang lugar na iyon. Kahit nga ang daan ay nababalot ng mga tuyong dahon sa kawalan ng naglilinis. Ang maganda lang sa lugar ay ang sariwang hangin na siyang nagsasayaw sa mga sanga ng mga punong kahoy. Nakakita pa nga

