Eos's POV "Napakalandi mo talaga! Lumayo ka nga! Ano ba magugusot ang damit natin." natataranta ako at pilit na lumalayo sa kanya. Natatakot ako na baka marinig niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi maaari. Ngumisi ito bago idinikit ang ilong niya sa akin. Sa sobrang lapit niya ay halos pigilan ko na ang huminga pa sa sobrang kaba. "I wouldn't mind attending that party with a messy look. Ayaw mo 'yon? After s*x party?" mapang-akit na wika nito bago dinampian ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko kahit pa nakalayo na ito sa akin. Napahuma lang ako nang bigla itong tumikhim at binigyan ako ng mapang-asar na tingin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na umimik pa. Nakakainis. Nagmumukha na lang ako palaging tanga sa harap niya. Mamaya ay isipin niya patay na pa

