Eos's POV Ilang araw na ang nakakalipas simula noong nangyari ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Sir Zel sa loob ng opisina niya. Ilang araw na din akong umiiwas na magtagpo ang landas naming dalawa. Pagkatapos kasi ng ginawa namin ay dali-dali akong nagbihis kahit pa halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa sobrang pag-angkin niya sa akin. Hindi na din naman niya ako hinabol pa kaya mas nakahinga ako ng maluwag. Ilang beses din ako tinanong ng mga kaibigan ko kung saan nga daw ba ako nanggaling at kanina pa nila ako hinahanap. Simula noong araw na iyon ay talagang todo iwas ang ginagawa ko para lang hindi kami magkita. Sa tuwing makikita kong papasok na siya sa building o nasa paligid lang siya, mabilis talaga akong kakaripas ng takbo papalayo doon. Alam ko naman na hindi

