Chapter 7

1419 Words
Eos's POV Marahas niya akong binitiwan at tinalikuran na lang basta-basta. Aba! Ang walang hiya bigla na lang pinaharurot ang kotse at halos malanghap ko lahat ng usok na ibinuga ng kotse niya. Napailing na lang ako at naglakad na sa sakayan. Kiss and run ang hudas, napailing na lang ako at pilit kinalimutan ang ginawa niya. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang mga kapatid ko na may pinagtatalunan. "Anong problema rito?" ibinaba ko ang bag ko sa sofa bago sila sinenyasan na maupo sa tabi ko. "Ang kulit po kasi ni Nichola! Sinabi na nga kasi na huwag makikipag-usap sa hindi niya kilala pero ginawa pa din niya!" "Sinabi na nga na nagtatanong lang naman yung tao eh! Ano bang problema kung sinagot ko lang iyong tinanong ng lalaking iyon!" "Jaxon! Nichola! Nandito ako sa harapan ninyo pero kung mag-sigawan kayo para kayong walang respeto. Umayos kayo ha." Nagtagisan ng tingin ang dalawa kaya binigyan ko sila ng mahinang kurot sa tagiliran. "Aray naman ate!" angal ni Nichola pero pinandilatan ko lang siya. "Ano ba kasing nangyari. Ikwento niyo nang hindi kayo nagbabangayan. Ang lalaki niyo na para pa din kayong aso't pusa." "Kanina po kasi may nagpunta dito na lalaki. Tinanong po kung dito kayo nakatira, sinabi ko lang naman po na oo tapos umalis na siya bigla." "Sinabi ba kung sino daw siya? Anong itsura?" "Nasa 40s po siguro, ate. Hindi niya po sinabi yung pangalan niya eh."  "Tignan mo na! Eh paano kung masamang tao iyon o kaya yung pinagkakautangan ng pamilya natin?!" bulyaw na naman Jaxon sa kapatid namin. "Jaxon tama na 'yan hindi na ko natutuwa ha. Nichola, delikado na ang panahon ngayon. Kahit ba sabihin mong hindi tayo mayaman, eh paano kung kidnapper iyon. Edi napahamak ka pa. Huwag mo na uulitin iyon, maliwanag ba?" "Sorry po ate. Hindi din naman po kasi siya mukhang kidnapper. Maganda po iyong kotse, ate tapos naka-formal suit po. Mukha nga pong bodyguard eh." nakanguso nitong sabi kaya napakunot noo ako. "Anong itsura?"  "Maayos naman po. Normal lang yung itsura na kalbo. Di naman po panget, hindi din gwapo. Basta po nasa 40s. Kilala mo po ba 'yun ate? Pinagkakautangan din po ba ni Tito noon iyong lalaki?" tumabi pa ito sa akin na animo'y nakikichismis. Isa lang ang alam ko, paniguradong tauhan iyon ng hambog na si Zel. Pinadala pa talaga niya ang bodyguard niya dito para masiguradong hindi ako maghahabol ng pera sa kanya. Napabuntong hininga ako. Lagot sa akin ang hudas na iyon bukas. Kung balak niyang idamay ang mga kapatid ko sa kagaguhan niya, hindi ako mangingiming saktan siya. KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa opisina at nagmamadaling nagpalit ng uniporme. Walang katok-katok na pumasok ako sa loob ng opisina ng hudas. Nag-angat ito ng tingin sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin. "What the f*ck is your problem, Ms. Amaro? Don't you even know how to knock?" "Hoy lalaking ipinaglihi sa sama ng loob! Huwag mo akong ma-f**k f*ck diyan dahil kung meron man sa ating ganon, ikaw iyon! Hayup ka! Bakit mo pinapunta iyong bodyguard mo sa lugar namin? Balak mo pa talagang idamay ang pamilya ko ha!" Nanggigigil ako sa kanya at gusto ko na talagang sabunutan ang lalaking hambog na ito. Kumulo ang dugo ko lalo nang ngumisi siya sa akin. Ngising mapang-uyam. "Tigilan mo iyang pag-ngisi mo! Akala mo nakakalimutan ko na din iyong paghalik mo kagabi ha?! Hayup ka anong akala mo sa akin, isa mga babaeng nagkakandarapa sayo?!" "Bakit? Hindi ba?" mayabang na tanong nito at lumapit sa akin. Bigla naman akong napaatras nang maglakad pa siya lalo palapit sa akin. "Huwag kang lumapit! Sinasabi ko sayo, makakatikim ka talaga kapag may ginawa ka sa aking hindi maganda!" Bigla niyang hinapit ang beywang ko kaya pilit akong nagpupumiglas sa kanya. Nakakabuysit. Pakiramdam ko tatalon na ang puso ko sa kaba habang magkalapit kami. Bumaba ang labi nito sa puno ng tenga ko at marahang bumulong. "What will I taste then, my sweet little temptress? your luscious lips? your  body? or your..." napalunok ako nang bigla niyang kagatin ang leeg ko. "L-lumayo ka nga sa akin! Bastos!" pilit ko siyang itinutulak pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso sa beywang ko. "Look who's talking? Sino kaya sa ating dalawa ang bigla na lang papasok sa opisinang to at mag-eeskandalo na lang bigla?" mapang-asar nitong bulong at tinitigan ako sa mga mata. Naduduling na ako pero lalo ko lang siyang tinignan ng masama. Pakiramdam ko ay unti-unting nanlalata ang mga tuhod ko pero hindi ako magpapatalo sa gagong to. "S-sinasabi ko sa iyo. Huwag mong idadamay ang mga kapatid ko. Hindi ko kailangan ng pera mo o kapangyarihan mo. Hindi kita kailangan. Sapat na ang isang beses  kong pagpapakababa sa harap mo at hindi na iyon kailan mauulit pa." Nakita ko naman ang pagtagis ng panga nito at ang unti-unting pagdidilim ng mukha niya. "You might eat your own words, Ms. Amaro." matigas na wika nito bago ako binitiwan. Tinalikuran niya na ako at bumalik sa inuupuan niya. "Get out. Don't ever barge into my office just like that. You're just a housekeeper here, you better know your place." walang emosyong sabi nito nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Napakasama talaga ng ugali ng hambog na 'to. "Talagang hindi na ko babalik dito."  Buong araw ay buysit na buysit ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Ang lalaking iyon! Ang hilig lumandi, masama pa ang ugali.  Eh ano naman ngayon kung housekeeper lang ako sa pag-aari niya? Marangal naman ang trabaho ko. Nanggigigil na ni-mop ko ang sahig dito sa lobby.  "Para kang nagme-menopause diya, girl." napatingin naman ako kay Habi nang magsalita ito sa gilid ko. "Bakit?" "Itsura mo, girl! Kulang na lang umiyak yung sahig sa paglilinis mo. May problema ka ba?" Naisip ko na naman iyong nangyari kaninang umaga. Kumukulo talaga ang dugo ko. "Wala ito. Ayos lang ako. Ikaw ba? Kahapon may lalaking hinahanap ka sa akin. Nakausap mo na ba?" tanong ko sa kanya habang naglalampaso pa din ako. "Hay naku! Hayaan mo ang barabas na iyon. Wala naman magandang lumalabas sa bibig non kundi panlalait sa akin." nakanguso nitong himutok. Napailing na lang ako. Mga lalaki nga naman. "Hoy mga babae! Tara na! Lunch na tayo! Tama na ang paglilinis diyan." bigla namang sumulpot sa harap namin si Adel at hinatak na kami papuntang locker room. Malapit na sana kami nang matanaw namin si Zel na nakapamulsang naglalakad habang may babae sa likod nito na halos nagmamakaawa na. "Zel, please talk to me babe! Don't break up with me!" "Can you please shut your f*cking mouth?! Where did you get the idea that you're my girlfriend?! I don't even remember your name for all I care!" bulyaw nito at patuloy pa din sa paglalakad palabas ng building. Napakahangal talaga ng lalaking iyon. Babaero. Nasa loob na kami ng locker room at wala silang ibang pinag-uusapan kundi iyong nangyari kanina sa lobby. "Lagi naman ganoon. Madaming naghahabol na babae kay Sir Lambourne. Bukod naman kasi sa sobrang yaman ng pamilya nila, napaka-gwapo pa niya." kwneto ng isa naming katrabaho, si Lina. "Balita ko nga di naman daw mahilig sa babae iyon dati, may fiancee pa nga siya noon pero ayun at itinakbo ang malaking halaga ng pera kasama ang ibang lalaki. Simula daw noon nagbago na daw iyong si Sir Lambourne. Kuwawa nga daw ang mga empleyado noon dahil araw-araw daw talaga napagbubuntungan ng galit niya." chismis naman noong isa pa naming katrabaho. Napabuntong hininga naman ako. Kaya pala ganoon ang ugali niya sa mga babae. Pero hindi pa din sapat na dahilan iyon para paglaruan niya ang lahat ng babae. Kailangan ba pagkakamali ng isa, kasalanan na ng lahat ng babae? Hindi naman porket nasaktan sila ng isang beses, idadamay na nila iyong ibang inosenteng tao. "Lalim ng iniisp mo, Eos. Gaano kalalim na ba ang nahukay mo sa buntong hininga mo?" biro ni Adel kaya napatawa si Habi at nakipag-apir pa. "Mga adik." "Sa ganda naming ito? Excuse me, girl. Wala sa bukabolaryo ko ang matokhang sa ganda kong to. Baka si Adel pa." tumatawang sagot ni Habi kaya nakatikim siya ng batok kay Adel. "Aray! Nakakasakit ka ha." "Saan ang ganda? Di ko makita." mapang-asar na sabi ni Adel. "Ang sama mo. Maldita!" "Oi, tama na 'yan. Para kayong mga bata kung mag-asaran." "Opo, Sister Eos." pang-asar ni Habi habang nakadaop pa ang palad nitong yumuko sa akin. Natatawang napailing na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD