Chapter 5

1733 Words
Eos's POV "Yung mga ibinilin ko sa inyong tatlo, huwag niyong kakalimutan ha? Kung gusto niyong tumagal sa trabaho, huwag na huwag kayong gagawa ng kalokohan lalo na sa harap ng mga matataas ang posisyon sa kompanya." paalala sa amin ni Ms. Ina na head ng maintenance team. "Opo." sabay-sabay naming sagot bago kami papuntahin sa mga nakatokang lugar namin. "Hindi pa din ako makapaniwala mga be, biruin niyo yun tatlo tayong natanggap sa trabahong to? Sabi sa inyo in need din sila ng mga magaganda eh." sabi ni Adel kaya natawa kami ni Habi. "Sige na, mag-umpisa na tayo. Mamaya na lang tayo mag-usap sa kung ano pang bagay at baka mabigyan agad tayo ng warning kapag nagdaldalan pa tayo."  Dumiretso sila sa mga floor kung saan sila nakatoka gayun din ako. Pasakay na sana ako ng elevator nang nagsilabasan ang mga tao roon at para bang namumutla. "G-good morning, Sir." bati ng mga ito kaya napatingin ako sa likod ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang masilayan ang lalaking ayoko ng makita pa. Agad akong tumabi sa mga tao at binigyan ito ng daan. Siguro nga at bigating tao siya kaya mas lalo ko na dapat siyang iwasan pa. Nakayuko lang ako at mahigpit na nakahawak sa laylayan ng damit ko nang marinig ko ang pagtawag nito sa apelyido ko. Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa nakukuhang atensyon sa mga ito. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinag-uusapan ng mga tao. "I called you Ms. Amaro, so don't let me repeat myself." naiinip nitong wika kaya ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Napakagat na lang ako sa labi ko at natatakot na nag-angat ng ulo. "P-po?" "What floor are you?" he simple asked habang nakapamulsa. "20th floor po, Sir." napayuko pa ako at pilit na itanatagong hiya. "Get in." wika nito at narinig ko na mas lumakas ang mga bulong-bulungan. "First time to." "Sino kaya ang babaeng yan no?" "Hindi naman kagandahan, pero pinapansin ni Sir? Oh my gosh. Can you slap me now, please?" "Don't make me lose my patience, Eos. Sasakay ka ba o hindi?" may pagbabanta sa tono ng boses nito kaya dali-dali akong sumakay roon at hindi na nag-abala pang tumingin sa ibang tao kahit pa sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko at ang tensyon sa loob ng elevator kahit pa kasama lang nito sa gilid iyong sekretarya niyang lalaki. Nang tumunog ang elevator na hudyat ng pagtigil nito sa 20th floor ay kating-kati na akong umapak palabas ngunit hindi ko inaasahang hahatakin niya ako patabi sa kanya at hinayaang mag-sara muli ang elevator. Napaangat ang tingin ko sa kanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa ginawa nito. Kahit isa pa siya sa mga importanteng tao sa kompanyang ito, karapatan ko pa din ang magtrabaho at hindi magpatinag sa kung ano pa ang gusto niya. "Bitawan niyo po ako, Sir. Kailangan ko pa pong magtrabaho kaya pwede po bang huwag niyo akong mahawak-hawakan." naiinis na wika ko dito ngunit nakita ko lang ang pagngisi niya. "I can't believe this." usal nito at pinakatitigan ako maigi. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapaatras. "Why are you here, Ms. Amaro?" biglang tumapang ang mukha nito na tila ba may ginawa akong kahibangan. "A-ano pa ba edi magta-trabaho." mahinang sagot ko dito dahil ramdam ko ang panginginig ng buong sistema ko sa takot at pagkasabik. Napailing na lang ako at yumuko dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Bigla nitong hinaklit ang braso ko kaya hindi ko maiwasang mapasinghap. "Don't fool me, Ms. Amaro. Hindi ka mag-apply dito nang dahil lang magta-trabaho ka. I've already heard that piece of s**t for the nth time." tumiim pa ang bagang nito kaya lalo akong nakaramdam ng takot.  Nang marinig namin ang pagbukas ng elevator agad niya akong hinatak palabas at pumasok kami sa isang malaking opisina. Ini-lock niya ang pinto kaya hindi ko maiwasang kabahan at magtaka kung bakit ganito siya kung umasta. "Ano bang problema mo ha?" lakas ng loob kong tanong dito at napayakap na lang sa sarili ko. Bigla itong tumawa ngunit kita ko pa din ang pagkairita sa mga mata nito. "Stop acting like an innocent lady, Eos Carisa Amaro. I know a lot of girls like you." sabi nito at lumapit muli sa akin. "Ano ba kasing pinagsasasabi mo ha? Wala akong mainitindihan at kung pwede ba lumayo ka sa akin." inis na wika ko dito dahil hindi talaga ako komportable sa sitwasyon ngayon. "Is this what you really want? Huh?" bigla itong naglabas ng pera kaya hindi ko maiwasang panlakihan ng mata. So iniisip niya na kulang pa iyong ibinayad niya sa akin kaya ako nandito? Hindi ako makapaniwala na may ganito pa palang kayabang na lalaki. Sagaran! "Alam kong pera lang ang habol mo, Ms. Amaro. Don't act as if you're different from those girls I've f****d. Get this money and leave." seryosong wika nito. Ramdam ko ang sakit at pagkapahiya sa mga sinabi nito ngunit pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Napakuyom ako ng kamao at itinulak ito ng malakas dahilan para mapalayo siya sa akin. "Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, kung sino ka man. Hindi ko kailangang linisin ang pangalan ko sayo dahil unang-una sa lahat, isa ka lang lalaking kumuha ng p********e ko. Huwag kang mag-alala hindi kita sinusundan kung iyan ang iniisip mo dahil nang gabi pa lang iyon, kinalimutan ko ng naging isang madumi akong babae para sa libido mo." pagkatapos non ay iniwan ko siyang tulala sa loob at mabilis na sumakay ng elevator.  Kinalma ko muna ang sarili ko at ilang beses na huminga ng malalim. Bumaba na ako sa floor kung saan ako nakatoka at hindi na pinansin ang tingin ng ibang tao sa akin. Base sa nakita kong opisina niya, maaaring siya ang may-ari ng kompanyang ito o hindi naman kaya ay may mataas na posisyon kaya talagang pag-uusapan ako sa eksenang nangyari kanina. Nagtrabaho na lang ako buong maghapon at hindi na kumain pa ng tanghalian. Wala din naman kasing karinderya sa paligid at isa pa, mahal pa ang bilihin sa cafeteria. Bukas siguro ay magba-baon na lang ako ng pagkain. Mag-aalas singko na nang natapos ako sa gawain ko at agad na dumiretso sa locker room. Doon ay nakita ko na ang mga kaibigan ko at ang mga katrabaho namin na masayang nagkwe-kwentuhan. "Eos, nandito ka na pala. Magpalit ka na dali at nang makauwi na tayo. Haay. Nakakapagod talagang maglinis." angal ni Habi at pasalampak na umupo sa lapag. Ngumiti lang ako sa kanila at binuksan na iyong locker ko. Kinuha ko na iyong damit ko sa loob pati yung gamit ko nang lapitan ako ni Adel. "May nangyari ba, Eos? Kanina kasi..." hindi niya na naituloy ang sasabihin nang hawakan ko siya sa balikat. "Pwede bang huwag muna natin iyan pag-usapan, Adel? Magkwe-kwento na lang ako kapag.. k-kapag kaya ko na." ngumiti ako ng kimi sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Napalingon naman ako sa kabila ko nang akbayan ako ni Habi. "Alam naman naming may tinatago ka pero hindi kami magtatanong tungkol doon kung hindi ka pa handa. Pero kung may kailangan ka nandito lang kami, okay?" sabi ni Habi kaya napatango na lang ako at nginitian sila. Palabas na kami ng building nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin at nang tumingin nga ako sa paligid ay nakasalubong ng mga mata ko ang mga pares ng mga mata na para bang tinutusok ang kaluluwa ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at sinabayan na lamang sa paglalakad ang mga kaibigan ko. Wala akong panahon sa lalaking iyon tutal ay wala lang naman siya sa buhay ko. "Wala lang nga ba talaga?" Napailing na lang ako at hindi na inalintana ang mga bagay na iyon.  NANG makarating ako sa bahay naabutan ko ang mga kapatid ko na naghahanda ng hapag kainan. Ibinaba ko muna sa sala namin ang bag ko bago sila lapitan at bigyan ng halik sa noo. "Kamusta po ang unang araw sa trabaho, Ate?" tanong ni Jaxon at sabay-sabay na kaming umupo. "Ayos lang naman, Jaxon. Mas malamig kaysa sa canteen ni Aling Bebang." biro ko dito at napahagikgik naman sila ni Nichola. "Oo nga po pala, galing po dito si Aling Bebang kanina. Kulang na nga lang po gibain niya tong apartment kasi bigla ka na lang daw po nagpasa ng sulat na aalis ka na sa trabaho." kwento ni Nichola habang nagsasalin ng kanin sa plato. "Hayaan mo na si Aling Bebang. Mainit talaga ang dugo non kay Ate palibhasa lahat ng kapitbahay natin gustong pasalihin si Ate sa contest ng pagandahan na iyon kaysa sa anak niyang si Lady." wika naman ni Jaxon kaya napapailing na lang ako. "Kumain na nga lang, kayo talaga. Pati si Aling Bebang pinagkakatuwaan niyo pa. Ang intindihin niyo iyong pag-aaral niyo. Ikaw Nichola, ang sabi sa akin ni Aling Mari may naghatid daw sayo kaninang lalaki. Sino yun?" Muntik naman itong nabilaukan at tumingin sa akin na para bang natatawa. "Oy bata ka, bakit mo ako tinatawanan." sita ko dito pero bumunghalit lang siya ng tawa. Nang tignan ko naman si Jaxon ay nilunok muna nito ang kinakain bago ako sinagot. "May practice po kasi ako ng basketball kanina kaya po pinahatid ko muna siya sa barkada ko. Si Spencer po? Tutal naman po eh may kotse ang ugok na iyon." sagot nito sa akin kaya napatango ako. "Eh bakit natatawa ka Nichola?"  "Kasi naman Ate, yung mga dumadating sayong balita nakakatawa. Kilala naman siguro ng kapitbahay natin ang mga barkada ni Kuya dahil laging nandito. Atsaka..." biglang ngumiti ito ng kimi at umiling. "May gusto siya kay Spencer pero may girlfriend." simpleng wika ni Jaxon at patuloy lang sa pagkain.  Napatingin naman ako kay Nichola pero tahimik lang itong kumakain. "Aysus, dalaga na siya. Hayaan mo na at madami pang ibang lalaki diyan. Ang lagi mo lang tatandaan, mag-aral ka mabuti para maganda ang maging buhay mo. Sige na at kumain lang kayo ng kumain." hinaplos ko sila sa ulo at napangiti. Sana maging maayos na ulit ang pamumuhay namin kahit papaano at nang hindi na nahihirapan ang mga kapatid ko. Kahit ako na lang ang magpakahirap, huwag lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD