Chapter 3

1318 Words
Madaling araw pa lang ay gising na ako para ihanda ang almusal ng mga kapatid ko pati na din ang paga-apply ko sa isang hotel na sinasabi ni Adel. Napabuntong hininga na lang ako at inihanda ang ngiti ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. "Morning Ate." sabay na bati ng dalawa at halatang pupungas-pungas pa. "Morning, sige na at kumain na kayo ng almusal niyo para naman may maisagot kayo mamaya." nakangiti kong sabi sa kanila at humigop ng kape. "Ate, maaga pa po ha? Atsaka bakit po ata nakapustura ka ngayon?" tanong ni Jaxon habang nagsasandok ng kanin. "May nahanap daw kasi ang Ate Adel niyo na magandang trabaho sa isang hotel eh sayang naman kung hindi ko susubukan diba? Malaki din daw ang kita doon." sagot ko sa kanya. "Edi ba po, sumasayaw sila Ate Adel sa bar? Sigurado po ba yan?" alanganing tanong naman ni Nichola at halata ang pag-aalala niya. "Alam niyo, sumasayaw lang naman sila Adel at Habi sa bar pero matino silang babae. Atsaka mababait ang mga iyon at hindi ako ipapahamak." "Eh ano po ba iyong aaplyan niyo?" "Maintenance helper daw eh." "Saan naman po?" "Lambon Hotels? Larbon?" hindi ko siguradong sagot dahil nakalimutan ko iyong tinext ni Adel kagabi nang tanungin ko siya. Napapitlag ako nang biglang magtitili si Nichola at niyugyog pa ang balikat niJaxon kaya sinita siya nito. "Ano bang problema mo at ganyan ka umasta? May sayad ka na naman ba?" nakakunot noong wika ni Jaxon kaya agad ko itong sinaway dahil baka mag-away pa sa kanila. "Alam mo ba Ate, sikat ang kompanyang iyan dahil sa hindi lang 5 star hotels ang pagmamay-ari nila pero gwapo din po iyong bagong CEO nila!" excited na wika nito kaya natawa ako. "Tapos?" tanong ko dito at sumilip sa relo. May oras pa naman ako. "Lambourne Hotels and Resorts yun, Ate Eos! Grabe! Nakita ko pa noong nakaraang buwan iyong isang issue ng magazine na dala ng kaibigan ko na iyong mga kabarkada niya eh gwapo at mayaman din!" Natawa na lang ako atsaka ininom ang natitira kong kape. "Ayun lang naman pala, Nichola. Mamaya itsura lang pala ang meron pero X sa ugali. O siya, aalis na ako at nakakahiya naman kung malate pa ako sa tagpuan namin nila Adel. I-lock niyo ang pinto ha? Mag-iingat kayo." paalala ko sa kanila. "Opo, Ate." "Ate galingan mo ha? Baka malay mo makita mo yung CEO kaya magpa-make up ka muna kay Ate Adel o Ate Habi." napailing na lang ako sa kalokohan nito at umalis na ng bahay. Napabuntong hininga ako. Sana matanggap man lang sana ako sa trabaho. PAGKARATING ko sa tapat ng isang mataas na building ay hindi ako makapaniwala sa sobrang taas nito at napaka-elegante nito sa labas pa lang. Napatingin ako sa gilid ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Eos girl!" bati ni Habi "Ay babae, hindi ka man lang nag-suot ng palda. Sabi pa naman nila madaming papabols dito." biro ni Adel kaya napailing na lang ako. "Sira ka talaga. Trabaho ang ipinunta natin dito kaya umayos ka. Halika na nga sa loob at baka mahuli pa tayo sa interview." Pagpasok pa lang namin sa lobby ay halos hindi ko mapigilang mapanganga at mamangha sa mga nakikita ko. Sumisigaw ito ng karangyaan at kamahalan ng bawat detalye ng lugar. "Tangina, be. Masaya na akong makapag-trabaho dito kahit walang boylet." sabi ni Adel kaya napatawa ako. "Halika na dali, excited na ako!" mahinang tili ni Habi at hinatak kami sa tapat ng reception. "Good Morning, Ma'am. How may I help you?" nakangiting tanong nung babae sa amin. "Itatanong lang po sana namin kung nasaan si Mrs. Argon?" "May schedule po ba kayo sa kanya?" "Yes, maga-apply kami dito bilang helper." sagot ni Habi. Tumaas ang kilay nito sa amin at tinignan kami simula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo ko sa inasta niya pero mas pinili ko na lang ang manahimik katulad ng nakasanayan. "Wait for a moment." nag-iba ang tono nito at may kinausap sa telepono. "Naiirita ko sa babaeng to, pigilan niyo ko." bulong sa amin ni Adel kaya sinaway ko naman siya agad. "Proceed to 15th flr. Naghihintay na si Mrs. Argon sa inyo." mataray nitong wika. Hindi na ako nakapagpa-salamat nang kaladkarin ako ng dalawa patungo sa elevator. "Nakakainis ang hudas na iyon ha. Ay nako, akala mo naman maganda kung makaasta, mukha namang mansanas na nabulok." wika ni Habi kaya napailing na lang ako. "Sabunutan ko yun eh. Nakita mo yung irap 'te? Sinasabi ko sayo. Juicecolored." napapairap pa sa kawalan si Adel kaya agad ko silang sinita. "Umayos kayong dalawa. Naririnig tayo ng ibang empleyado dito oh. Baka kung ano pang isipin nila sa atin." "Kahit kailan talaga, Eos. Dapat talaga sayo, sinususian eh. Juicecolored be, kung ganyan ka ka-anghel palagi eh nako baka maliitin ka ng mga ganoong klaseng tao basta basta." litanya ni Adel. Bigla namang tumunog iyong elevator at lumabas na kami. Dumiretso kami sa harap ng isang help desk at iginaya kami patungo doon sa hindi naman kahabaang pila sa gilid. Iyong iba ay nagpapaganda, tahimik na nakaupo lang o nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila. Naupo kaming tatlo at hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. "Para saan namang iyang buntong hininga mo, Eos my friend?" tanong ni Adel at inakbayan ako. "Sa tingin niyo kaya matatanggap tayo?" nag-aalalang tanong ko. "Oo naman no, aba hindi biro ang kompanyang to at panigurado dapat magaganda pa din kahit maintenance staff lang. Yun nga lang may isa sa baba ang unknown species na na-hire." malditang wika ni Habi kaya napatawa ako. "Kayo talaga." sita ko sa kanila. "Ms. Buentaventura?" Nagtaas naman ng kamay si Habi. "Gogora na ako sa loob ha? Babush." "Goodluck." sabay naming sabi ni Adel at naiwan kami sa labas na nagkwe-kwentuhan lang. Nang matapos na mainterview si Habi at Adel ay ako na lang ang tanging hinihintay nilang tawagin. Hindi ko naman maiwasang kabahan lalo pa at malaki ang pangangailangan naming magkakapatid ngayon. "Ms. Amaro?" Sinuportahan din ako ng mga kaibigan ko at dumiretso na ako sa loob ng opisinang iyon. "Good Afternoon, Ms. Amaro. You didn't able to finish your college degree." wika ng babae habang binabasa ang mga impormasyon tungkol sa akin na nakalagay sa resume ko. "So Ms. Amaro, why do you think you are qualified to be our maintenance person?" tanong nito at inayos ang suot niyang salamin. "I am qualified to be one of your maintenance person because I know how to do my work better and I have worked here for the past 2 years doing some maintenance and working in different jobs. I can also assure you that I go above and beyond of what's expected of me." sagot ko dito. Ngumiti naman siya sa akin at nagtanong pa ng ibang bagay bago ako sabihan na tatawagan na lang daw ako kung pasado daw ba o hindi. Palabas na kami ng building nang makita mapansin namin ang mga taong nagsiyukuan at hindi mapakali sa kinatatayuan nila. Nagkatinginan kaming lahat at patuloy lang kami sa paglalakad ngunit bago pa kami makarating sa pinaka-lobby ay mayroong tatlong lalaki ang nakapustura na naglalakad na animo'y mga hari at makapangyarihan na tao. Ngunit ang nakapagpalakas ng kabog ng dibdib ko ay ang lalaking mayroong berdeng pares ng mga mata na diretso lamang ang tingin at walang bahid ng emosyon ang mukha. Naramdaman ko din ang paninigas sa kinatatayuan ng dalawa at nakikipagtagisan ng tingin doon sa dalawang lalaki. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko paalis sa lugar na iyon ng biglang tumigil sa gilid ko ang lalaking kailanman hindi ko na ata pa gugustuhin pang makita. "We meet again, miss." mahina ngunit nagbigay ng sensasyon sa buong pagkatao ko. Nagpatuloy ito sa paglalakad at naiwan naman ako sa gitna ng mga taong nagbubulungan na tulala at walang maapuhap na salita. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD