One year ago. Lizzy's POV Nasa loob na kami ng sasakyan ni Enrico, tahimik lang siya nagda-drive, at ako naman ay tahimik din na nakaupo sa tabi niya. Katatapos lang namin magsimba, hindi pa rin mawala sa isip ko kung kanino galing ang bulaklak na nakalagay sa puntod ng mama niya. Nang makita niya 'yun ay kita ko sa mukha niya ang bakas ng pagkagulat, ang ginawa niya ay iginilid niya ang bulaklak, at pinalitan niya nung dala namin. Hindi rin siya umimik or nagbigay ng komento about sa bulaklak na nadatnan namin. Pinagsasaklob ko ang dalawang kamay ko, at patingin-tingin sa kanya, hindi ako mapakali, sa tingin ko ay need namin pag-usapan. Napalingon naman siya sa akin saglit, siguro napansin niya ang ginagawa ko, kaya kinuha niya ang isa ko'ng kamay at hinalikan ang ibabaw nito, hang

