Lizzy's POV "Kasalanan ko kung bakit nambabae si Enrico." Sumersyoso naman ng tingin sa'kin si Monica, kitang kita ang pagkalito sa mga mata niya. "Ano'ng ibig mo'ng sabihin." Ang tanong niya. Napadiin ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay, at tumingin ako sa mga mata niya bago 'ko sagutin ang tanong niya. "I cheated." Umiling-iling si Monica, at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kilala kita Lizzy, hinding hindi mo magagawa 'yan, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. Ano'ng sinasabi mo? Wala naman kayong naging physical contact ni-" "I've mentally cheated." Ang agad ko'ng putol sa ano pang sasabihin ni Monica, wala talaga kaming naging contact ni Elizar, I swear, sinunod ko ang pangako ko kay Enrico na siya ang lang ang pipiliin at mamahalin ko pero kahit ano'ng gawin ko ay hindi

