Four years ago. Lizzy's POV After makabili ng gamot sa pharmacy ay nagmadali na ko pumunta sa bahay ni Enrico. Kinapa ko ang noo niya, at sobrang init, panigurado mataas ang lagnat niya. Ano'ng sinasabi niyang simpleng trangkaso lang. Walang simple sa pagkakaroon ng sakit. Paano ko siya makakausap nito, at isa pa parang hindi ko kaya na basta ibigay lang sa kanya ang gamot. Nakakunsensiya kung iiwanan ko siya, kaya nagpasya ako mag-stay kahit ilang oras lang para asikasuhin siya. Pababain ko lamang ang lagnat niya bago ko siya iwanan. "Enrico, ito oh uminom ka na ng gamot." Ang sabi ko habang inaabot ko sa kanya ang tablet at isang basong tubig. Umupo naman siya sa kama, at ininom ito, mga ilang saglit lang ay bumalik ito sa pagkakahiga. Kumuha naman ako ng bimpo at naghanap ng

