Six months ago. Elizar's POV "Hanggang ngayon ba naman ay mino-monitor mo pa rin pala lahat ng galaw ko?" Ang nakangisi ko'ng sabi kay DB habang kausap ko siya sa cellphone. "Of course, and what exactly are you doing, are you trying to form a mob?" Ang straight to the point na tanong niya mula sa kabilang linya. Nabalitaan niya kasi ang tungkol sa mga business na itinayo ko mula ng nakapabalik ako dito sa bayan ng San Isidro. May club, pasugalan at pautang. Mga negosyong mabilis mag-generate ng income. "Bakit masama bang maghangad na palaguin ang perang nakuha ko sa organisasyon, and you can check all the papers, business permit etc, everything is legal." Hindi siya agad sumagot sa sinabi ko pero ilang saglit pa. "I don't understand Eli, bakit bumalik ka pa diyan?" "Because this

