Five years ago. Lizzy's POV Isang buwan na ang nakalipas pero walang Elizar na dumating. Walang kahit ano mula sa kanya. Walang tawag, walang text, wala lahat. Para siyang isang bula na bigla na lamang naglaho ng walang bakas. Inis na inis ako sa aking sarili na pinagkatiwalaan ko siya. Halos mawala na ko sa aking sarili, nung mga unang linggo ay medyo okay pa ko pero dahil umabot na ng isang buwan ay dun na talaga nagsimula ang matinding stress ko. Three days akong hindi nakapasok dahil hindi ko na kinaya, akala ko ay kaya ko pero nagising na lang ako isang araw na umiiyak at hindi ko kayang bumangon. Wala ako'ng ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Wala naman na ko'ng magagawa eh nangyari na ang nangyari, kahit hindi pa ko okay, eh kailangan ko mabuhay. "Okay ka lang ba?"

