[Via's POV]
Mabilis pa sa alas kwatrong pinatay ko ang tawag. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.
I found myself catching my breath, sweat from the sides of my forehead started dripping even if the AC was put on into 20 degrees.
Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumunog muli ang phone ko. Si Krae ulit, tumatawag.
Sasagutin ko ba?
Of course, Via, you have to. You can't just feel different because of those pathetic words he said.
"Napatay, napindot ng kapatid ko." Diretsong bungad ko nang walang emosyon ang boses.
"Really? Pinatay ng kapatid mo? Takot ngang lumapit 'yun sayo, patayin pa kaya ang tawag?" Nanliit ang mga mata ko dahil sa mapanlarong himig sa kanyang boses. Is he mocking me?
"Aksidente," tugon ko nang may diin.
"Okay..." sagot niya matapos ang mahabang sandali ng katahimikan.
"Wala ka nang sasabihin pa?" I asked coldly. I'm trying to make my voice sound firm kahit patuloy sa paghaharumentado ang puso ko. Ginagamit ko ang natatanging lakas ko upang hindi niya mapansin ang panginginig ng aking boses.
Heck, why do I even have the urge to stutter because of him?
"Can we meet again tomorrow? Let's continue what we finished today."
"Can't, it's Sunday."
"Oh, family day?"
"No," I quickly answered.
"Then ano?"
"It's none-of-your-business holiday." May inis na sagot ko na ikinatawa pa niya kaya agad kong tinapos ang tawag. Nababanas ako tuwing naririnig ang pagtawa niya, he sounds like a rat being strangled to death.
.
"Quit staring," sita ko dahil kanina pa siya tumititig sa akin. Pagkatapos ng dismissal ay diretso agad kami sa warehouse para tapusin ang sinimulan namin noong sabado.
"Huwag ka nang magdala ng sasakyan bukas."
"Bakit?"
"Sa akin ka na sumabay para makatipid ka sa gas." Napataas ang kilay ko sa kanyang dahilan.
"Why should I? I can afford naman," irap ko at tinupi ang pangalawang design na natapos ko. Agad na lumipat ang tingin ko sa kanya nung marinig ang malalim niyang pagbuntong-hininga.
I really hate that sound. The release of frustration, nagpapakita na parang nagrereklamo pero tinatago.
"What are you sighing about?" Kunot-noong tanong ko pero umiling lang siya bago umiwas ng tingin.
Napuno naman ng katahimikan ang buong warehouse dahilan para maganahan ako sa pagtatahi. I was so focus on what I was doing when I heard his voice.
"You're really attractive, Vi." Agad kong nabitawan ang telang tinatahi at gulat na napalingon sa kanya. Napalunok ako at unti-unting binura ang pagkagulat kong ekspresyon. I stared at him blankly, waiting for him to move his eyes away but his stares got even more intense.
"My eyes are the only attractive thing, Mr. Thomas. My beauty is just average, it is only my eyes that makes me stand-out." I said with my head held high. I've always known that I'm not that beautiful. May mukha ako, oo, pero hindi gaano kaganda kung ikukumpara sa ibang kaklase ko. The only reason people would turn their gaze towards me is my eyes.
The intensity of my eyes are just too much to handle, I could feel it everytime I stare at myself in the mirror.
"Your face is mundane, ordinary, Vi, but everything else about you is beyond average... not just your eyes."
Humalukipkip ako dahil sa paraan ng pagkakasabi niya nun. Hindi ko maipagkakaila na may kakaiba akong nararamdaman sa sinabi niya... parang may kumikiliti sa tiyan ko na ewan.
It's unfamiliar and it's confusing. I am certain that I don't like this feeling. It makes me feel scared for reasons I couldn't even explain.
Lumapit ako sa kanya at tumigil sa kanyang harapan. Amusement flashed in his eyes as he followed me with his stares.
"I hate flowery words, Krae. Mind to keep that in mind if you still want to be my partner." Babala ko na ikinanguso niya. Matalim ko siyang tinitigan na ikinaiwas niya ng tingin.
"Can't help it. Kung may naiisip ako, hindi ko kayang hindi sabihin iyun."
"Why? Nobody is asking for your opinion anyway."
"I just feel like... you want to hear it." Napataas ang kilay ko nung maramdaman ang pagtayuan ng aking mga balahibo. His voice was gentle and the way he said those words made me feel some kind of solace... it was nostalgic... something I never thought existed within me.
"I need you to stop talking nonsense, Krae. It's unhelpful... it's not even worth hearing. Better save your saliva for some other important things." Huling sabi ko bago tumalikod nang hindi tinitingnan ang kanyang reaksyon.
I continued doing my work and we left the warehouse around eight. May sasabihin pa sana siya pero hindi na ako naghintay at mabilis na pumasok sa sasakyan ko.
.
"Hingi ako," nguso ni Rose pero agad ko siyang inirapan na ikinaangal niya.
"Sige na, sige na!" Umakto pa itong naiiyak pero hindi ko siya pinansin. I'm done spoon-feeding her.
"College ka na, Rose. Kailan ka pa matututo?" Pasinghal ko siyang hinarap nung hindi pa rin siya tumitigil sa pamimilit.
"Isang sub lang naman hehe."
"No, learn to make your own notes. Parehos lang tayong estudyante." Malamig kong sabat bago tumayo at kumuha ng libro.
Nasa library kami ngayon, nagre-review para sa midterm exam na gaganapin bukas. Bukas na ang exam pero dalawang subject pa lang ang may notes na meron siya.
I rarely study in the library pero dahil sa bangayan namin ng mga kapatid ko dagdag pa sa parusang ginawa ko kay Shine ay kinakailangang umiwas muna ako. Alas nuebe na ako uuwi, saktong tulog na ang mga kapatid ko.
"What are you doing?!" Hindi ko na naiwasan at tumaas na ang aking boses nung makita si Krae na binibigyan ng mga notes si Rose pagkabalik ko sa mesa namin.
Agad akong sinita ng librarian dahil sa ingay na ginawa. I slightly bowed my head as a sign of apology for breaking the rules.
"Hindi na bata si Rose. Let her make her own notes, Krae." Suway ko rito.
"It's just notes, Vi. Nasa kanya pa rin kung mapapasa niya ang exam," mahinang pagrarason niya pero umiling pa rin ako.
"Making notes is also part of reviewing. Hindi niya agad matututunan ang mga lessons if hindi siya ang gumawa ng notes. I've been tolerating her for years, Krae, this has to stop."
He gave up and release a sigh before taking his notes back and away from Rose.
"Babawiin na ni Daddy, ah? Strikta ang Mommy mo eh."
Namilog ang mga mata ko sa pilyong turan ni Krae. Napahagikhik si Rose sa sinabi niya habang tahimik lang siyang nakangisi at pinapanood ang reaksyon ko.