[Via's POV]
Naiirita kong tinabunan ang magkabilang tenga ko dahil sa kadaldalan ni Rose.
"Rose," suway ko sa mababang boses at agad naman siyang tumihimik. Lumingon ako sa likod ko para tingnan siya at nakita itong nakabungisngis sa akin.
"What?" Iritadong tanong ko.
"Pakopya ng notes–"
Agad na akong tumayo at sinara ang mga notes ko tsaka dali-daling pinasok ang mga 'yun sa bag.
"Damot," nguso nito.
Sinundan niya ako hanggang sa makalabas na kami ng room. I acted deaf at her calling but she blocked my way with a pleading face.
"Sige na, sa Finance na lang nga tayo magkaklase, e. Sige na, sige na, sige na!" Naiiyak niyang niyugyog ang magkabilang balikat ko. I stared at her blankly and waited for her to get exhausted. She panted and finally let me go after some time. Nagsimula na akong maglakad at dinaanan lang siya.
"Quennelle!" Nagpantig ang tenga ko sa narinig.
"What, Rosalinda?!" Bulyaw ko sa kanya na mas ikinahaba ng kanyang pagnguso.
"Oh, what should I ever do to please you, Miss Cortez?" Madrama niya akong nilapitan. Nagsalubong ang kilay ko sa pagbanggit niya sa apelyido ko.
"Try calling me that again and your BlackPink concert tickets will be given to someone else."
Nalaglag ang panga niya at napapaiyak na talaga siya nung yakapin niya ako.
"Sige na nga lang, sa iba na lang ako hihingi."
I plan to give her a concert ticket in December. Except for that I also have a surprise gift for her. The concert ticket is just a token, optional lang kumbaga at pwede kong bawiin ano mang oras.
"I have an advanced book in finance, Rose. You can just borrow it or i-photocopy mo na lang."
"That will do, thanks. Mas better sana if notes mo talaga."
Napailing na lang ako. I don't tolerate Rose's laziness. It's either ito-tolerate ko o mahahawa ako. I can't imagine myself cramming or doing things last minute.
"Kamusta na 'yung pinapa-arrange marriage sayo ng family mo? What family is he from ba?"
"I already told you before, Rose. There is no such arrange marriage, it was just a test to see if I am really obedient. It's been three years, pero ni pangalan ng fiancé ko ay hindi ko alam."
Nung dumating na kami sa central field ng ICC ay dumiretso na kami ni Rose sa aming next class. Sa Financial Accounting lang kami ni Rose magkaklase. Same course kami na Business Administration pero sa mga minor subjects ay hindi kami magkaklase.
Readings in Philippine History ang next sub ko. I don't like history, especially my own country's history. Some find it interesting, but not me.
"As for your next output, make a scrapbook about the controversies or conflicting views in Philippine History. I will group you by pair."
Controversies?
Tungkol lang sa Martial Law ang naisip ko. Hindi ko maintindihan kung ba't kailangang by pair, eh ang dali lang naman. Nevertheless, I can do it on my own.
I boringly lay my head on the desk, not minding if my name will be next to call. My classmates know me too well anyways, they know that I like to get things done alone.
Hindi ko na sana papansinin pa ang pagtawag ng lecturer namin sa pangalan ko pero agad akong napaahon dahil sa di-pamilyar na apelyido.
"Cortez, Thomas."
"Thomas?" Nakakunot ang noo kong tanong sa lecturer pero mukhang hindi niya ako narinig.
"He's the guy seated at the back. He just got transferred two days ago."
I turned my head to look at my so-called partner at the back. I saw a guy wearing glasses and a black hoodie. Napataas ang kilay ko sa outfit niya. Kahit aircon nga ay mainit pa rin. Tinitiis lang ba niya ang init para makaporma?
"Ba't hindi ko alam na may transferee pala?" Tanong ko ulit sa katabi ko.
"You look so preoccupied. You always scribble something on your notes."
I think that makes sense. I don't like this subject. I can't find any interest no matter hard I try to.
"Hate this subject," bulong ko habang gumuguhit nang kung anu-ano sa binder.
"You hate it but you still ace last semester."
Hindi maiwasang umikot ang mga mata ko dahil sa turan ng katabi ko. Her name is Winter and I don't like her. I don't like it when people always have something to say for everything.
Nung matapos na ang class ay abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko nung marinig ang apelyido ko.
"Who is Cortez?"
"Ayun oh, sa may pinakaharap."
Napataas ang kilay ko habang inaabangan ang lalaking may apelyido na Thomas, iyong ka-partner ko para sa project.
I pierced my eyes into his as he make his way to me. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ito apektado ng mga titig ko. He looks unbothered and there was no sign of expression on his face.
"And you are?" Mataray na tanong ko at humalukipkip.
"I'm Krae Davin Thomas and I'll be your partner for this subject." Nilahad niya ang kanyang kamay pero hindi ko iyon pinasadahan ng tingin at nananatiling nakatitig ako sa kanyang mga mata.
"My name is Via," tipid kong sagot bago hinablot ang bag ko at naglakad na paalis ng room.
"Excuse me," paghabol nito. Sobrang bilog ng boses niya. If it wasn't for his gentle tone, he could have had the power and authority with his voice.
"What? I still have class." Hinarap ko siya nang nakataas ang kilay.
"Then kailan tayo makakapag-usap para sa project?"
"I'll just text you when and where. Take your phone out."
Maingat niyang kinuha ang kanyang phone mula sa bulsa na hindi inaalis sa akin ang kanyang mga titig.
What is this? A staring contest?
Seryoso ko lang siyang tinitigan pabalik. His dark hazel eyes are staring at me seriously. I couldn't fully describe how his eyes look, it's just that... it's unattractive.
Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa kanyang bahagyang pagkurap bago yumuko para tingnan ang kanyang phone.
This transferee doesn't have any idea who he'll be working with. Well, as if hahayaan ko siyang tulungan ako.
"I'll just text, okay?" Peke akong ngumiti at tumango naman siya matapos kong ibigay sa kanya ang number ko.