CHAPTER 20

1713 Words
Jema Point of View One Month Later . . . . Isang buwan na ang nakalipas mula ng mangyari sakin ang isang masalimuot na pangyayari. Medyo okay na okay na din naman ako kaso yung relasyon naman namin ni Deanna ang hindi okay. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, one week ago mula ng maging cold ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko naman siya matanong dahil ayoko muna siya istorbohin dahil busy siya sa UAAP lalo na't malapit na matapos ang round 2. "Oh Jema, tara na." Ate Jovi said. Nandito ako ngayon sa laguna, nagpaalam ako kila Coach Ed na magli-leave muna para makapag-bakasyon at makasama ang aking pamilya. Hanggang ngayon ay wala silang kaalam-alam na may nangyari sakin, tanging si Cy lang ang may alam at yung mga iba kong kaibigan. Speaking of Vic and Frannie ay nakakulong na sila, actually pati yung Ashley nakakulong na din. Bali iba na yung reporter ng ateneo, pero hindi binalita na nakulong si Frannie kaya nawala sa ateneo. "Saan tayo pupunta?" I asked and stood up. "Sa supermarket, bibili tayo ng gulay." Hinila na ko nito palabas ng bahay. "Bakit sa supermarket? Sa wet market nalang." "Ayoko makipagsiksikan sa maraming tao." She said. "Arte." Pumara ito ng tricycle at sumakay kami. "Sa sm nga kuya." Habang naglalakad kami papasok sa sm biglang may nakita akong babae na familiar. Wait siya ba yun? "Ate may pupuntahan lang ako ah, magkita nalang tayo sa supermarket." I said and hinabol ang babae. Narinig ko pa ang tawag sakin ni ate Jovi pero hindi ko na siya pinansin pa. Biglang may humarang na janitor at pagtingin ko ulit wala na yung babae. Hay! Nawala pa pero baka hindi siya yun, imposible alam ko wala na siya dito at sa pagkakaalam ko walang balak yun bumalik dito sa pilipinas. "JEMA!" Someone called me. Lumingon ako sa gawi ng tumawag sakin. "Billie?" She smiled. "Ikaw nga." Bigla niya akong niyakap. "Namiss kita, sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina." Humiwalay ito. "Kamusta ka na?" Hindi agad ako nakasagot dito dahil sa pagkatulala, hindi ko akalain na makikita ko siya muli. "Huh? O-okay lang. Ikaw ang kamusta? A-ang l-laki ng pinagbago m-mo." "Ito maganda at gwapo pa din." "Hahahah! Nainlove ka ba sakin ulit?" She asked. "Joke lang!" She laughed. "Sa totoo lang nakakainlove ka talaga pero sorry, mas gwapo yung jowa ko sayo." I said and tumawa din. "Wow! Sino ba jowa mo? Baka naman mas maganda at gwapo pa ko dun." "Hahahah! Cge na, naghihintay sakin si ate Jovs sa supermarket." "Okay, see you again." She said and tumalikod na. Sabi ko na nga ba eh! Hindi ko talaga makakalimutan ang itsura niya, alam kong siya yun kahit nakatalikod siya kanina. "Oh Jema, bakit ang tagal mo?" Nakita ko si ate Jovi, nakapila na sa cashier. "Lapad ng ngiti ah. Okay na ba kayo ni Deanna?" "Nope, nakita ko si Billie." I said. "Sinong Billie?" "Billie, yung schoolmate ko nung high school." I said while smiling. "Billie? Yung ex mo?" I nodded while smiling. "Yeah, i see her and nagka-usap pa kami." She pinched my cheek. "Talandi mo, may jowa ka na." "Aray! Hindi naman eh, masaya lang ako kasi nagkita kami." "Isusumbong kita kay Deanna." Pananakot nito. "Uy wag, hindi pa nga kami okay eh." "Sus." Nang mabayaran namin ang binili niyang mga gulay, umuwi na kami sa bahay. Chinarge ko yung phone ko atsaka natulog muna, si ate Jovs naman yung magluluto eh. Deanna Point of View I'm so very frustated for the losing game against UE and tapos si Jema hindi ko pa makontak. What's her problem ba? Hay! Nakakainis siya. I went to the UST dorm. "Oh ate Deans, bakit nandito ka?" "Mafe, alam mo ba kung nasan ang ate Jema mo?" "Nasa laguna siya. Hindi mo alam?" "Huh? Nasa laguna? Kelan pa?" I asked. "Kahapon lang. Nag-leave daw siya eh." "s**t!" "Nag-away ba kayo ate?" "Nope, cge alis na ko." I tap her shoulder before leaving. Umuwi ako condo ko, bigla ako nalungkot nang maalala si Charlie. Wala kasi yun dito, nasa bahay siya nila Cy. Wala din mag-aalaga kay Charlie kaya pinaubaya ko muna siya kila Cy. I sit on the couch and called Jema again. This time ay sinagot niya na ito. "Hello?" "Why are you calling?" "Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ng laguna?" I asked in an angry voice. "Wala ka naman pake, diba?" "Ano? Ano na naman ba yan drama na yan, Jema?" "Hindi ako nagdra-drama. Alam mo kung tumawag ka lang para mang-away, mabuti pa tapusin na natin 'to." Biglang nawala ang kabilang linya. Aba't! Pinatayan ako. Ano bang problema niya? Hindi ko siya maintindihan, nakakainis naman siya. Kung kelan may problema ang team tsaka pa siya sasabay. Nakakabwiset! Kakatapos lang ng training so ito na naman kami, nakabusangot. First game namin sa round two nanalo kami tapos sunod-sunod na game namin talo na pero nanalo kami laban sa UE at NU. Hindi ko na alam, feeling ko ako ang may kasalanan kapag natatalo kami. Feeling ko hindi kami konektado ng spiker ko, feeling ko hindi maayos yung set ko. "Guys ang problema sa inyo, masyado kayong gigil kaya hindi kayo makapuntos!" Coach O shouted. "Guys wake up! Ano? Sa first round lang tayo magaling?" Pati si coach Mona nagagalit na din. "Vince, Mona kayo ng bahala sa mga yan! Naiinis na ko." Nag-walk out si Coach O, sumunod naman si coach Mona umalis. "Don't worry hindi ako aalis, tutulungan ko kayo." He said and smiled. "Girls may mga problema ba kayo? Pansin ko wala kayo sa sarili niyo past few days." "Wala naman coach." Ponggay said. Sumagot din yung iba na wala, tanging ako lang ang hindi sumagot. "Ikaw Deanna? May problema ka ba?" "Wala po coach Vince." I said. "Alam niyo guys, alam ko may problema kayo but pwede ba? kalimutan niyo muna yan. Hindi kasi nakakatulong yan eh tsaka hindi naman 'to normal game lang, pangalan ng school natin ang dinadala natin sa laro kaya please. Kalimutan niyo muna yan mga problema niyo." "Yes coach." Sabay-sabay namin sabi. "Mag-training tayo ulit." Hay! Akala ko pa naman tapos na, nakakapagod. I need to sleep but kailangan ko pa mag-training. Last game namin sa round two at natalo kami pero pasok pa din kami sa final four kapag natalo ng lady spikers ang UST. "Okay girls, may two weeks tayo para maghanda sa final four. Pupunta tayo lahat sa cebu bukas with creamline, magtuturo tayo sa san recolectos kung saan nag-aral si Deanna ng high school. Tutulungan natin ang mga high school student doon na volleyball player then makiki-training din tayo sa mga college doon, tutulungan din kayo ng creamline." Mahabang sabi ni coach O. "Coach bakit po sa cebu tayo magtuturo?" I asked. "Pinaki-usapan ako ng coach sa san recolectos kung pwede daw ba tayo magturo sa mga high school volleyball player nila and pumayag naman ako. Tsaka nga pala kasama natin si Celine Domingo dahil part din siya ng creamline. Okay?" "Yes coach." Sabay-sabay kaming tumango. Kinagabihan naghanda kami agad dahil maaga ang flight namin bukas. "Guys maaga matulog ah, maaga flight natin then may nakalimutan pala sabihin si coach O." "Ano yun ate Bea?" Sam asked. "Makakasama pala din natin ang UP sa cebu." "Talaga?" Dani asked. "Uy bakit parang excited ka, Dani?" Curious na tanong ni ate Mads. "Wala lang, parang exciting lang kasi. Biro mo tatlong team magtuturo sa san recolectos." Dani said. "Ah . . . Akala ko may love life ka sa up eh." Ate Mads said and laughed. "May love life yan si Dani pero si Mavy. Ayieee!" Asar ni Jules. "Guys tama na yan, pagtapos niyo mag-ayos ng mga gamit magsi-tulog na kayo." Ate Bea said and umakyat na. Pagtapos ko mag-ayos ng mga gamit ko, umakyat na din ako at naghilamos muna bago natulog. Jema Point of View Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit para sa pagpunta namin sa cebu bukas. I'm excited na. "Jema?" "Pasok!" I said. Bumukas ang pinto. "Jema may conditioner ka ba?" "Yeah, oh." Binato ko sa kanya ang conditioner ko. Sinalo niya naman ito. "Thank you." Lumabas na muli ito. Nandito si Celine because dito siya matutulog, sabay-sabay kasi kami pupunta bukas ng airport. Hindi muna ako natulog dahil hinihintay ko ang goodnight message sakin ni Deanna hanggang sa nakatulog nalang ako dahil sa pagod. Hay! Tatlong araw na kami hindi nagkikita or text man lang. Bakit kasi nag-away pa kami? Dapat inintindi ko nalang siya eh. Pero hay na ko! Bahala nga siya, masyado mataas ang kanyang pride. Dapat matuto naman siya magbaba, napaka-immature niya. I woke up early para mag-jogging muna. Kasama ko si Ced nagjo-jogging dito sa oval, malapit sa creamline dorm. "Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka." Ced said while jogging. "Magka-away kami ni Deanna." "Kelan pa?" Huminto kami sa pagtakbo at naupo muna. "Kaya pala pansin ko past few days malungkot ka." "Nakakainis kasi siya." Binato ko ang nakita kong maliit na bato. "Bakit? Ano bang ginawa sayo?" "Magiging cold tapos nung umuwi ako ng laguna, aba't tinawagan ba naman ako para awayin lang." "Hindi sa kinakampihan ko siya Jem but I think kailangan mo siya intindihin, immature si Deanna at mabilis mainis, maikli ang kanyang pasensya at siguro sobra lang talaga siyang frustrated dahil nga sa dami na nilang talo." "Naku Ced! Nasasawa na ko umintindi sa kanya, ako nalang lagi ang dapat mag-adjust. Ced sana naman ako yung intindihin niya, hindi pwede na puro siya nalang lagi." "I understand Jema . . . mahal mo ba?" "Ano bang klaseng tanong yan, Ced? Syempre mahal ko." "Edi pagtiisan mo, kapag mahal mo gagawin mo ang lahat, kahit gaano pa kasama ang ugali niya, titiisin mo basta makasama mo siya." She said. "Ganun ba dapat talaga, Ced? Kailangan ba laging talo ang nagmamahal?" "Pareho niyo mahal ang isa't-isa, yun nga lang yung isa hindi pa marunong mag-handle ng relationship." She stood. "Mag-jogging nalang tayo, tama na ang drama. Mamaya makikita muna siya." Hinila na ko nito. Oo nga noh, magkikita pala kami mamaya. Papansinin niya kaya ako? Kakausapin niya kaya ako? ••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD