CHAPTER 18

1936 Words
Deanna Point of View Three Days Later . . . . Katatapos lang ng game namin laban sa NU, syempre nanalo kami. Balak ko makipagkita ngayon sa taong tumawag sakin. Isa siyang private investigator na hinire ni Dad para mahanap si Vic. "Mabuti naman nakapunta ka ms. Deanna." He said. I think nasa 40s na siya. "Yeah. So anong pag-uusapan natin?" "I need information about Vic." "Wala ako niyan. Sa totoo lang hindi ko kilala ang lalaki na yan, kilala ko lang siya sa pangalan pero ang pagkatao niya ay hindi." "Naku, mahihirapan pala tayo." He said. "May balak na ako." "Ano naman yun, ms. Deanna?" "Naghihinala kasi ako sa isang taong malapit sakin, feeling ko kasi may kinalaman siya tungkol sa nangyari sa girlfriend ko." I said. "Maganda yan." "Yeah, tatawagan kita kapag nalaman ko na or pag kailangan ko ng back up." "Cge ms. Deanna." He said. Tumayo na kaming dalawa at nagkamayan muna bago nagpaalam sa isa't-isa. Nauna siyang umalis, ako ay kumain muna. Wala akong game ng one week dahil katatapos lang ng first round, so may araw ako para kumilos at mag-balak sa gagawin ko. Pagkatapos ko kumain umuwi na ko sa condo ko, nandun ngayon kasi si Jema. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagtra-training dahil nga may trauma pa ito at tuwing gabi umiiyak ito. "Love?" Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang mukha niyang natutulog. Aga niya matulog ah, siguro napagod sa kakaiyak. Halatang umiyak eh, mugtong-mugto ang mata. Sisiguraduhin ko talaga na magbabayad si Vic sa ginawa niya sa girlfriend ko. "Argh! Let . . me go!" Agad kong nilapitan si Jema at ginising ito. "Hey! Nananaginip ka." She opened her eyes, umiiyak na naman siya. "Deans." She hugged me. "Don't leave me." "Hindi kita iiwan." I wiped her tears. "Don't cry, I'm hurt." I kissed her forehead. Maya't-maya tumigil na ito sa pag-iyak at nakatulog ulit ito habang nakasandal ang ulo sa aking dibdib. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama, lalabas sana ako ng kwarto kaso ang higpit ng hawak niya sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya ng higa. Maaga akong umalis ng condo kahit wala akong training, binilin ko si Jema sa mga guards namin. "Hi Deans." "Hi, saan tayo?" I asked Frannie. Nakipagkita ako sa kanya ngayon, kailangan ko na kumilos ngayon para matapos na'to. "Sa laguna, gusto kita makasama mag-beach." She said and yumakap sa braso ko. "Cge tutal wala akong klase mag-hapon." I said and started the engine car. Habang nagdadrive ako ay nakatulog ito, nang malapit na kami hininto ko ang aking kotse sa gilid. Dahan-dahan kong kinuha sa bag ni Frannie ang kanyang cellphone at nag-success naman ako dun. Tinago ko ang kanyang phone sa gilid ng aking kotse atsaka pinaandar muli ang sasakyan. "Nasan na tayo?" "Malapit na tayo kaso malapit na din maubos yung gas ko kaya huminto tayo dito." I said. "I'm hungry na, Deans. Bibili muna ako sa store dito." "Sure, hintayin kita." I said. Bumaba na ito ng kotse. Agad kong kinuha ang phone niya at sinimulan hulaan ang password hanggang sa nabuksan ko na nga ito. Dumeretso agad ako sa messages. "Tulungan mo ko, ang daming pulis na humahanap sakin." "Kaya muna yan, malapit ng mapasakin si Deanna." "Idadamay kita kapag nahuli ako, Frannie." Pinicturan ko ang text nila ni Vic pati yung address na binigay sa kanya ni Vic. Pagkatapos ay binalik ko na ulit ang phone niya sa kanyang bag. "Let's go?" She asked while smiling. "Yeah." I started the engine car. Habang nagdadrive ako ay biglang tumawag sakin si Jema. "Sino yan?" "My girlfriend." Pinindot nito ang end call, hindi nalang ako nag-react at nagfocus ako sa pagdadrive ko. Nag-check in kami sa isang hotel. "Deans ligo na tayo sa dagat." "Mauna ka na, susunod nalang ako." I said seriously. "Cge, sumunod ka ha?" I nodded. Umalis na siya kaya I called mr. Luis. "Alam ko na kung nasan si Vic, hindi ko sure kung nandun siya but sure akong doon siya tumutuloy." "Good, text mo sakin yung address then pupuntahan namin, may mga kasama akong pulis." "Cge. Hintayin niyo muna ako dumating bago niyo siya dalin sa police station." "Yes ms. Deanna." Tinext ko dito ang address. Nahiga ako sa kama, hinintay ko bumalik si Frannie. "Hey! Hindi ka naman sumunod eh." Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ito. "Sabi ko na nga ba kasabwat ka ni Vic." Hinawakan ko sa panga ito. "BAKIT NIYO NAGAWA YUN SA GIRLFRIEND KO?!" Kitang-kita ko ang takot nito, lalo ko pa hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang panga. "BAKIT?!" "Deanna c-calm d-down." Nahihirapan niyang saad. "CALM DOWN?! GUSTO MO PA KUMALMA AKO PAG-TAPOS NIYO 'TO GAWIN SA GIRLFRIEND KO?!!" Sinakal ko ito, ayoko makapatay ng tao but parang makakapatay ako ngayon. "A-aamin n-na a-ako." Medyo niluwagan ko ang aking pagkakasakal sa kanya. "ANO?!!" "M-mahal kita D-deanna kaya ko l-lang nagawa ang b-bagay na iyon, isa p-pa pinilit ako ni J-john Vic." "SINO PA ANG KASABWAT NIYO DITO?!!" "wala na." Hinigpitan ko ulit ang pagkakasakal sa kanya, alam ko unti nalang mawawalan na siya ng hininga. "SINUNGALING!! AAMIN KA O PAPATAYIN KITA?! ANO? SAGOT!!" Mukha naman itong natakot kaya umamin din ito. "Si Ashley, isa rin siya samin." Niluwagan ko ulit ang aking pagkakahawak dahil na rin sa gulat. "Si Ashley? Nakauwi na siya ng pilipinas?" "Oo, Deanna. Matagal na, matagal ka na din niyang pinapasundan. Galit na galit siya ng malaman niya na girlfriend mo si Galanza kaya gumawa siya ng paraan at naisip niya na paraan ay iparape si Jema kay Vic. Gustong-gusto ni Vic si Jema kaya pumayag si Vic." "EH IKAW? ANONG ROLE MO SA KANILA?!!" "Galit ako kay Jema kaya nakisali din ako sa kanila." "GRABE ANG GINAWA NIYO SA GIRLFRIEND KO, TANDAAN MO 'TO MAGBABAYAD KAYO SA GINAWA NIYO SA GIRLFRIEND KO!!" sinapak ko ito kaya napaupo siya, sapilitan ko siyang pinatayo at hinatak palabas. "Dalin niyo yan sa police station, may pupuntahan lang ako." Tinulak ko si Frannie doon sa guard tapos ay pumunta na ako kung saan yung tinutuluyan ni Vic. Si Ashley ay isa rin sa mga obsessed sakin nung high school ako, pareho sila ni Frannie na may gusto sakin. Pareho ko din silang nilalayuan na pilit naman lumalapit, natahimik lang ang aking mundo ng lumipat ako dito sa manila. Pero nagulo muli ng sundan ako ni Frannie, pero hindi ko naman ine-expect na babalik pa si Ashley dito sa Philippines kaya nagulat ako ng malaman na isa siya sa mga nag-utos kay Vic na irape si Jema. Mabilis ako nakarating sa lugar kung saan tumutuloy si Vic. Nakita ko si mr. Luis may mga kasama na pulis, si mr. Luis yung private investigator. "Bakit nandito pa kayo?" I asked. "Ms. Deanna may malaking problema." "Ano? Nakatakas si Vic?!" "Hindi po, nandyan siya sa loob kaso . . ." Napatungo ito siguro dahil sa sama ng tingin ko. "Ms. Deanna!" Nagulat ako ng makita yung tatlo na bodyguards na iniiwan ko kay Jema para magbantay. "Anong ginagawa niyo dito?" "Ms. Deanna sorry po, hindi po namin nagawa ang aming trabaho." Roel said. "Madam Deanna nasa loob po si Jema kasama si Vic, kinuha siya samin ni Vic kaninang umaga." Cielo said. "Wala po kaming nagawa kasi tinutukan po agad kami sa ulo ng baril." Ethan said. "BULLSHIT! Pinagkatiwalaan ko kayo tapos ganito lang?!" Hinablot ko ang baril na nasa gilid ng pants niya. "Pasukin natin ang loob." "Ms. Deanna marunong po kayo gumamit niyan?" Cielo asked. "May kasama ba sa loob si Vic bukod kay Jema?" I asked. "Opo, isang babae. Sa katunayan po kaya hindi kami nakalaban dahil may kasama po siyang babae." Roel said. "Sinaktan po nung babae si ms. Jema." "AT HINAYAAN NIYO NAMAN?!" ARGHHH!! NAKAKAINIT SILA NG ULO. Nagsi-tunguan lang sila. "Ms. Deanna mabuti pa, pasukin na natin sila." Mr. Luis said. "Hindi, ako muna ang papasok. Kailangan ko sila makausap baka kasi saktan nila si Jema. After ten minutes pag hindi pa kami lumabas, pumasok na kayo." I said. "Yes madam." Sabay bow nilang lahat. Nagsimula na ko maglakad papasok, isa itong gusali na mataas. Sa unang pasok ko palang ay bumungad na agad sakin ang puro bote ng alak. "Pakawalan niyo ko!" Boses iyon ni Jema. Tinago ko ang baril sa likod ko at tinunton ang third floor. "Nandito na pala si ms. Setter." Sabi ni Vic nang makita ako. Nakatali si Jema sa upuan at may nakatakip na panyo sa kanyang mga mata. "Ano bang gusto mo? Pakawalan muna si Jema." Kalmado kong sabi at sumandal sa gilid ng pader. "Deanna? Deanna umalis ka na dito!" Jema shouted. "Shh . . Calm down." I said and looked at Vic. "Where's Ashley?" "Alam mo na pala." He smirked. "Ashley may naghahanap sayo!" Lumabas sa isang pinto ang babaeng hinahanap ko. Hay! Mukha siyang p****k sa bar, naka-maikli siyang shorts at ang kapal ng make up. Hindi bagay sa kanya. "How are you, baby?" Akmang lalapitan ako nito. "Stop, wag ka lalapit sakin." Huminto naman ito sa paglalakad. "Anong gusto mo sakin?" "Pakawalan niyo na ang girlfriend ko." "Cge ba, basta sa isang kondisyon." She said and smiled. "Anong kondisyon? Gagawin ko ang lahat basta pakawalan niyo lang ang girlfriend ko." I said. "Hindi pwede, akin lang si Jema!" Vic said. "Shut up mr. Deguzman! Baka gusto mo mamatay ngayon?" Pananakot ni Ashley kay Vic. Tumahimik naman si Vic at hindi na muling nagsalita. "Ano bang kondisyon? Bilisan mo at naghihintay ako." "Wala ka pa rin pinagbago, mainipin ka pa din." "Dami mong satsat." I said in an irritated voice. "Sorry baby." She said and lumapit sakin, hinawakan niya ang aking panga. "Sumama ka sakin sa taiwan, iwanan mo ang career mo dito tsaka si Jema. Sa taiwan mo ituloy ang iyong pag-aaral." Napaisip ako sa sinabi nito. Kung papayag ako sa kodisyon niya, pakakawalan niya si Jema. Tama, dapat mailigtas ko si Jema. "Cge, sasama ako sayo." "HINDI KA SA KANYA SASAMA DEANNA!" "Pwede ko ba siya lapitan?" I asked Ashley. Tumango ito. "Mag-paalam ka na." Dahan-dahan kong nilapitan si Jema, hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay. "Hey! Stop crying." I wiped her tears. "I love you always." I kissed her forehead. "Babalikan kita, maghintay ka lang." "Deans wag mo 'to gawin, parang awa muna." She said while crying. Hawak ko ang kanyang kamay nang humarap ako kay Ashley at Vic. "Gusto ko muna masigurado na papakawalan ni Vic si Jema bago tayo umalis." "Sure." Hinatid ko hanggang baba si Jema. "Lumabas ka na." Sinenyasan ko si Ethan na lumapit. "Sumama ka na sa kanila, Jema." Ayaw pa nito bumitaw sa akin kaya pinahila ko na siya kay Ethan at Cielo. "Deans wag mo 'to gawin." I smiled. "Babalik ako, pangako." Tuluyan na siya hinila nung dalawa, ngumiti ako kay mr. Luis. "Okay na." I mouthed. Binalikan ko si Ashley at Vic sa taas. "Tara na." Ashley said. "Bago ako sumama sayo may gusto akong gawin." "What?" "Gusto ko ipakulong mo si Frannie at Vic. Now." "Sure." She said. "What? Ano 'to? Akala ko ba tayo magkakampi dito?!" "Sorry but tapos na ko sayo, mr. Deguzman." Ashley said. Biglang may lumabas na tatlong tao sa isang pinto at hinawakan si Vic. "BITAWAN NIYO KO!!" Hinatak na siya pababa ng lalaki. "Let's go." Ashley said and kumapit sa braso ko. Bumaba kami at dumaan sa likod dahil doon nakaparada ang kanyang kotse na gagamitin namin para makapunta ng airport. •••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD