Ara's POV "Ara makinig ka." Sabi sakin ni Gang Master. Pinunasan ko muna ang mga luha kong tumulo na. "Si Dale. Hindi siya namatay." Wika niya. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. "Nung araw na nasa park kayo. Tumakas lang si Dale nun kay lolo. Nasa America nun ang parents niya diba? Balak siyang isama sa US ni lolo dahil namatay si Mama Tina." Napatakip ako sa bibig ko. P-patay na si Tita Tina? "P-pero a-ang sabi ni Tita Ana... Sabi niya diba nasa US lang si tita?" Nilapitan ko na si Ian. Tinignan ko siya sa mata. Napaiwas siya ng tingin sakin. "Sinabi lang yun ni mama dahil iyon ang gusto ni Lolo. Huwag daw namin sasabihin kahit kanino na namatay si Mama Tina." Napakuyom ang kamao ni Ian. "Nung araw na nasa Park kayo ni Dale. Pinalabas lang na pi

