Gangster 7

2188 Words
Liara's POV "IKAW???" Sigaw ko kay Ian. Oo, Siya yung sumusunod sakin. Pero bakit? "Makasigaw feeling close." Sagot niya. Aba! "Makasunod feeling friends." Pambawi ko. "Di kita sinusundan." Magpalusot ka pa. "Oh talaga? Eh bakit nandito ka sa harap ko ngayon?" I smirked. Natahimik naman siya. "Anong kailangan mo? Bakit mo ako sinusundan?" Seryoso kong tanong. "Wreckless driver ka pala." He smirked. Oh c'mon! Di naman yun ang sagot na gusto kong malaman eh. "Ara." "It's Liara!" Ewan ko ba pero pag tinatawag niya akong Ara parang may kung ano akong weird na nararamdaman. "Okay. Liara. Tss." "What do you want?" I asked once again. "Wala naman. May pupuntahan lang sana ako nung makita ko yang kotse mo sa harap ko. Nakilala ko at nagtaka ako kung bat ka palabas ng subdivision kaya sinundan kita." Magkasubdivision lang kami? "Nasa iisang subdivision lang tayo?" Tanong ko. "Base sa pagkakita ko kung san ka galing. Well oo." Sabi niya at ngumisi. Kung minamalas ka nga naman. Bigla ko namang naalala yung nakita ko kanina. Si Jero at Ryca. "Ilang months na kayo ni Ryca?" Bigla kong tanong. Curious lang ako. Bigla naman siyang napangisi. "Bakit mo natanong?" "Niloloko ka kasi ng girlfriend mo." Kibit balikat kong sabi. Aba. Totoo naman ah. Pinependeho siya ng gf and kaibigan niya. Kumunot naman ang noo niya. "What do you mean na niloloko ako ni Ryca?" "Nakita ko kasi sila ni Jero kanina na naghahalikan sa parking." Cool kong sabi. Uh-oh, I smell break-up. Haha ang bad mo talaga Liara! "And how sure you are na sila nga iyon?" Ayaw maniwala? Martyr effect? "I saw it with my very own eyes! Sweet na sweet pa nga sila eh. Tsaka tingin ko, Si Jero ang naghatid kay Ryca." "Alam kong si Jero ang naghatid kay Ryca kaso inutusan ko si Jero. May inutos kasi sakin si mama." "Eh ang maghalikan sila? Alam mo rin ba? Inutos mo rin ba?" Ngumisi ako. Haha mapipikon to. "Will you stop Liara!" Sabi na eh. "Martyr. You love Ryca that much huh? Hahahaha. Wawa naman ikaw." Pang-aasar ko pa. "Psh. Di ako martyr." Pagdepensa niya. "Hay naku. Basta ako nagsasabi ng totoo. I saw them." Pagdidiin ko sa them. "Tumigil ka nga." "Eh totoo naman eh!" "Hay naku. Tanga mo talaga. Pinsan ko si Ryca." Nagulat naman daw ako. Kinakalantaryo niya ang pinsan niya? "Nakikipagrelasyon ka sa pinsan mo?" Gulat na gulat na tanong ko. Binatukan naman niya ako kaya napahawak ako sa ulo ko. "Makabatok!" I said. "Eh ang tanga mo eh. Second cousin ko si Ryca, Yung mommy niya. Pinsan ni mama ko." Ahh ganun pala? "Eh syinota mo nga?" Pag-uulit ko. "Hindi ko siya syinota. Palabas lang namin yun. Baby talaga tawag niya sakin. Pero hindi talaga kami, Walang nakakaalam kundi si Mama, Jero, Ryca at Ako. Plus ikaw na pala dahil tsismosa ka." Binatukan ko rin. "Aray naman!" Reklamo niya. Sinamaan ko lang ng tingin. "Eh bakit niyo pinalabas?" I asked. Pansin ko lang. Parang okay kami ah? Nakakapagkwento na siya sakin. "Ang dami kasing naghahabol sakin, Ayaw magsitigil. Eh sakto na transferee lang si Ryca kaya ayun, Pinakiusapan ko siya." Ahh. Tumango tango lang ako. Gumagabi na pala. Nakisandal ako sa kotse ni Ian. "I never knew na may anak pala si Tita Ana." Ang alam ko kasi. Si tita Tina ang may anak. Yung kakambal ni tita Ana. Bigla namang natahimik si Ian. Yumuko lang siya. "Uhmm.. Ian, by any chance, Kilala mo ba si Dale?" Anak kasi ni tita Tina si Dale. At dahil nga kambal si tita Ana at tita Tina, Baka kakilala nitong si Ian si Dale. They are cousins. Saglit naman siyang natahimik. "Oo." Sagot niya. "T-talaga??" Mejo naglighten up naman yung mukha ko. "Pinsan ko. Namatay siya ten years ago." Malungkot na sabi ni Ian. "Bestfriend ko siya. Ako ang kasama niya nung binaril siya. Seven years old lang kami nun." Malungkot kong tugon. "H-huwag mo na ngang balikan ang nakaraan." Biglang umayos ng tayo si Ian at pumunta sa harap ko. "Uuwi na ako." Sabi niya. Tumabi naman ako at siya ay pumasok sa kotse niya. Pagkaalis niya ay sinundan ko lang ng tingin ang kotse niyang papalayo. "Dale.." Ewan ko ba pero naaalala ko si Dale kay Ian. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Bat ko ba kasi inopen yung topic na yun kay Ian? Naiiyak nanaman tuloy ako. "Dale, I miss you best." I said bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan at nagdrive pauwi. Di na ako pumunta sa Gang Ass. Masyado ng late. Pagdating ko sa bahay ay wala akong naabutan na parents ko. Napahinga nalang ako ng malalim. Nagdiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba lang ako para kumain ng dinner pagkatapos ay umakyat ulit ako sa kwarto ko. Nakailang gulong na ako sa kama pero hindi parin ako makatulog. Tumingin ako sa kisame at pumikit. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. ** "Dale!! Dale!! Dun tayo sa swing." Yaya ko kay Dale. Nandito kami ngayon sa park at naglalaro. "Wait mo ako Ara. Huwag kang lalayo sakin." Sabi ni Dale. Umupo kami ni Dale sa swing. Masaya kaming nag-uusap sa mga bagay bagay. Maya maya ay may lumapit samin na mga lalaking nakablack. Binuhat nila si Dale. "Bitawan niyo si Dale! Bitawan niyo siya! Bad kayo!! Bad bad!! Isusumbong ko kayo kay daddy!" "Tigilan mo kami bata." Sabi ng lalaki sakin. Nag-iiyak nalang ako ng nag-iiyak habang pinagmamasadan si Dale ba umaalpas mula sa pagkakahawak nila. "Let me go!! Let me go!! Ahh! Ang babaho niyo!!" Sigaw ni Dale habang nagpupumiglas. Ako naman iyak parin ng iyak habang nakatingin kay Dale. "Dale!!" Nagpumiglas si Dale at naihulog siya nung mga lalaki. Tumakbo siya palapit sakin at hinawakan ang mga kamay ko. Hinigit niya ako palayo. Hinahabol kami nung mga lalaki. "Run, Ara! Bilisan mo! Hinahabol tayo ng monkies!!" Sigaw ni Dale habang higit higit ako. "Dale. Nikukuha ka nila. Wala na akong playmate." I said sobbing. "No Ara. Di nila ako makukuha. Di kita iiwan." Napangiti ako nung sinabi ni Dale yun. Atleast gumaan ang loob ko. Patuloy parin kami sa pagtakbo ni Dale nung... BANG! "Dale!! Dale Gising ka! You said di mo ako iiwan! Dale!" Bumagsak nalang si Dale dahil sa putok ng baril. "Lumayo ka jan bata." Tinulak ako palayo nung mga lalaking nakablack at kinuha nila ang katawan ni Dale. They killed my bestfriend. Wala akong nagawa noon kundi panoorin sila habang nilalayo sakin ang katawan ng bestfriend ko. "Ibalik niyo si Dale!" I shouted pero napaandar na nila ang sasakyan. "Dale... *huk* Dale ... *sob*" Umuwi ako para sabihin kila mommy na wala na si Dale. Hiniling ko na sabihin kila tita Tina pero pati sila ay wala na. That day, I just lost my bestfriend. "DALE!!!!" Napabangon ako sa kama. Masamang panaginip. Napanaginipan ko ang mga nangyari noon. Noong araw na mawala si Dale. Napahawak ako sa basang basa kong mukha. Puro pawis at luha. Napatingin ako sa calendar. June 9,20XX 11th death anniversary ni Dale. Naalala ko, Ang sabi sakin nila mommy noon. Sa States daw ibinurol si Dale. Ni hindi ko man lang siya nakita kahit sa burol man lang niya. Ayaw kasi kaming papuntahin dun. 5:00 palang pero bumangon na ako. Hindi na rin naman ako makatulog. Naligo na ako at nagbihis. Bumaba ako sa kusina at nakita ko si Yaya na nagluluto. "Ang aga mo naman ata Iha." Sabi ni Yaya Mely. "Hindi na po kasi ako makatulog." I said. Tinignan ko yung niluluto ni yaya. "Mukhang masarap yan, Ya ah." Sabi ko. "Haha. Ikaw talaga iha. Bolera." Ngumiti lang ako sa kanya. Tumungo ako sa dining area at doon dumukmo. Hindi naman ako inaantok pero gusto ko lang dumukmo. Kelan kaya ang uwi nila mommy? Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko kahit di ko pa tinitignan ang caller ID. "Istorbo." Pambungad ko. "Chill, Liara." Psh. "Anong kailangan mo, Kaira? At san mo nakuha ang number ko?" "Kila Zewel. Haha. Kinakapatid mo pala yun?" Napakuyom ako ng kamao. "Hoy Kaira Park. Huwag mong gagalawin yung sina Zewel ah! Malalagot ka sakin." Malamig kong sabi. "Bat ko sila gagalawin? Wala naman silang kinalaman sa gang world." Napahinga naman ako ng maluwag. "Ano ngang kelangan mo at inistorbo mo ako?" "Ipapaalala ko lang sayo yung community service na parusa niyo. Ciao!" At pinatay na niya yung call. Oo nga pala. Bwisit talagang Kaira yan. Pinaalala pa. Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dumukmo ulit. "Iha kain ka na." Nagserve na ng pagkain si Yaya Mely at sinimulan ko ng kainin. Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako. Dahil tinatamad akong magdrive ay nagpahatid ako sa driver gamit yung family car namin. Oo, Madami kaming kotse. Isipin niyo nalang kung ganu kami kayaman. May isa kaming family car. Meron din kaming limousine. Si dad may tatlong personal car, Si Mom naman dalawa. Tapos sakin dalawa rin at isang motorbike. Pero wala parin, Di parin ako masaya. Kahit naman mayaman kami, Kung di ko naman maramdaman ang pagmamahal sakin ng mga magulang ko ay hindi parin ako sasaya. Namimiss ko na sila. Buti pa nung bata ako ay lagi ko silang nakakasama. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagbabyahe. Nang makarating na kami sa school ay agad na akong bumaba at nagpaalam sa driver. Agad akong nagtungo sa room namin. Pagdating ko dun ay may isang lalaking nakaupo dun sa pinakasulok ng room at nakayuko. Di ko nalang siya pinansin dahil hindi naman kami close at wala akong pakialam sa kanya. Dumiretso ako sa upuan ko at dumukmo ulit. Dadalawa palang kami dito sa room kaya boring. Maya maya ay dumating na si Kaira. "Oh? Iisa mo ata?" Napatingin ako sa kanya. "May kasama ako, Nanjan sa sulok at nagsesenti." I said. "Wala kang kasama girl. Pagdating ko dito ikaw lang ang naabutan ko." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Eh sino yung lalaki sa sulok kanina? Halla? May multo ba dito sa Royal Gates? Lumingon ako kung nasan ang lalaki kanina at tama nga si Kaira. Walang tao. So minumulto ba ako? "Kaira, May tao jan kanina. Nakayuko." Sabay turo ko kung nasan yung lalaki kanina. "Hahahahahaha! Pagpasok ko dito ikaw lang ang naabutan ko." Lalo akong kinilabutan pero hindi ko pinahalata. "Ahh okay." I said. Pero deep inside natatakot na ako. Kahit gangster ako, May kinatatakutan din ako. Di lang halata kasi magaling akong magcontrol ng emosyon ko. "Takot ka no?" Pang-aasar ni Kaira pero di ko siya pinansin. Maya maya ay nagsidatingan na yung mga ibang classmates namin kaya mejo umiingay na. Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang ng pinto. Teka.. SIYA!! Siya yung lalaki kanina. "Kaira, siya yung lalaking kasama ko kanina." Sabi ko kay Kaira na nasa tabi ko parin. Tinuro ko yung guy. "Ahh. Si Andrex Jimenez. So that explains why." Tatango tangong sabi ni Kaira. Ano daw sabi niya? "Andrex pala name niya. Ang weird. Ang bilis naman niyang nakalabas? Di ko man lang naramdaman." Sabi ko. Meji nakahinga ako ng maluwag kasi ibig sabihin di ako minumulto. Umupo yung Andrex sa pinakaharap. "At kaya di mo naramdaman na umalis siya dahil hindi siguro naka on yung Blinder Princess mode mo. Pansin ko lang ang tamlay mo." Sabi niya. Matamlay ba ako? "By the way. Mamayang first period tayo maglilinis. Naexcuse na tayo ng principal." Tumango lang ako kay Kaira tsaka dumukmo ulit. Maya maya ay may narinig ako. "Tabi jan." Boses ng halimaw. "Chill Xandrei. HAHA." Pang-aasar ni Kaira. Naramdaman ko namang umalis si Kaira at umupo na yung halimaw sa tabi ko. "Tamlay mo ata?" Ako ba kausap nito? Di ko nalang pinansin. "Bingi." Sabi pa niya. "Whatever. Don't talk to me." Pagsusungit ko. "PMS." Rinig kong sabi niya. "Like everyday. Duh." I answered na nakadukmo parin. "Yeah right." Di ko nalang siya sinagot. Nagsimula na ang first period at lumabas na kami nila Kaira. Nauuna sina Kaira at Ryca na kanina pa nagtatalo. Di namin kasama si Jero dahil di naman siya napatawan ng parusa. Hindi naman kasi siya nakipagbugbugan. Talagang trip lang ni Kaira na ipatawag siya sa Guidance. May crush ata tong si Kaira kay Jero eh. Nasa pinaka likod naman si Ian. Hindi siya nagsasalita pero halatang kanina pa siya naririndi kila Kaira at Ryca. "SHUT UP!!" Sabay na sigaw namin ni Ian. Nagkatinginan yung dalawa sa harap. "Hmp!" Pagtataray ni Ryca tapos ay nauna na. Si Kaira naman nakatingin lang samin ni Ian. "Bagay pala kayo." Ngiting ngiting sabi niya sabay takbo at nauna na rin. Inambangan ko kasi ng suntok. "Tara na." Hinila ako ni Ian para humabol sa dalawa. Parang nakuryente naman ako nung hinawakan niya yung kamay ko kaya binawi ko. "Huwag mo na ulit ako hahawakan ah! Nagaground ako sayo! Letche!" Sigaw ko sa kanya sabay habol kila Kaira. Bwisit na Ian yun. Ano kayang nilagay sa kamay niya at nakuryente ako? Gusto ko rin ng ganun para maground ko yung mga makakalaban ko sa Gang World. Babalik ako dun. Namimiss ko na kasi sila. Pero teka, Bat ganun? Nararamdaman ko parin yung hawak ni Ian sakin? Bwisit yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD