Casey's POV “H-hindi naman totoo ang lahat ng ito di ba?” tanong niya sa akin. “Hindi naman totoo lahat ng sinabi mo di ba??” naghihintay siya ng kasagutan sa akin. Pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang dapat. Bakit ganito? Bakit parang nakikita kong nasasaktan siya? Nasasaktan nga ba siya o umaarte na naman siya? “Casey, tell me… tell me that’s not true.” Tumingin siya sa mga mata ko na parang nakikiusap. Hinawakan niya ko sa mga kamay ko ng mahigpit. “Kung ano man yung nakaraan, kung nasaktan man kita ng sobra, humihingi ako ng paumanhin. Nakikiusap akong patawarin mo ako, dahil alam ko sa sarili kong hindi ko yun sinasadya. Hindi ko pa man maalala ang lahat pero nararamdaman kong hindi ko gusto ang saktan ka. Hindi ko yun magagawa sa iyo, dahil mahal kita. At

