Chapter 5
Dale’s POV
MAAGA akong umalis sa bahay tumakas lang kasi ako kay Mama. Papagalitan kasi ako no'n kapag nalamang aalis ako ng walang driver na kasama. Pagkatapos nang nangyari noon ay wala na siyang tiwala sa pagmamaneho ko. Maingat naman ako mag-drive. Ewan ko lang kung ano ang nangyari noon.
Isang linggo na rin ang nakalipas nang makabalik kami mula sa America. Two years din kaming tumira doon pero piling ko ay seven years akong nawala rito sa Pilipinas. Na-miss ko tuloy dito, parang ang dami na agad nagbago.
“Traffic!”
Maya-maya umusad na rin iyong nasa unahang sasakyan akala ko ay aabutin pa kami ng taon. Medyo bumilis na rin ang usad kaya naman relax na akong nagmaneho nang biglang may sumulpot na babae...
Beep!
“s**t!” napasigaw ako hindi sa takot kundi sa sakit nang mauntog ako sa manibela ko. Buti na lang ay nakapagpreno ako agad at nakapagbusina. “Ang sakit!” napahawak ako sa ulo ko.
Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nakalimutan ko na 'yong babaeng nasagasaan ko. Kaya no'ng maalala ko ay nagmadali akong bumaba. Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay puro dugo siya. Iniisip ko pa lang 'yon ay nasusuka na ako at sumasakit na ang ulo ko.
May fear of blood na kasi ako kaya naman ma-imagine ko lang iyon ay nasusuka ako. Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakaupo sa kalsada at wala namang galos. Hindi ko siya nasagasaan. Kamuntik lang pero mukhang nabigla siya sa nangyari.
“Miss? Okay ka lang ba, ha? May masakit ba sa iyo?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.
Napakunot ang noo ko. Hindi ata niya ko naririnig. “Miss, okay ka lang ba? Anything that hurts?” tanong ko sa kanya ulit nilakasan ko pa nga, baka naman kasi mahina ang pandinig niya.
Pero hindi pa rin niya ako pinansin. Ano ba ang problema nito? Baka may after-shock siya o kaya baka nga napuruhan ko siya?
Inilahad ko 'yong kamay ko sa kanya para tulungan siya. Inabot naman niya ang kamay ko.
“Nothing hurts. Thank y—“ naputol ang sasabihin niya. Nakita ko na lang na nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
Bakit kaya gano'n ang naging reaksyon niya nang makita ako? Para siyang nakakita ng multo. Sa guwapo kong ito?
Kanina pa siya nakatitig sa akin. Nakaka-conscious kaya. Ano na naman ang problema nito? Napahawak ako sa ulo ko at napakunot ang noo.
Ang gulo naman ng babaeng ito. Bakit ba siya ganyan? Nakatitig lang siya. Hindi kaya sumasakit ang mga mata niya. Baka naman baliw ito? Pero imposible, ang ganda niya kasi.
“Miss? Hey, please talk to me. Are you okay?” tanong ko ulit. Nag-aalala na kasi ko na baka matunaw na ako kapag hindi pa niya tinigilan ang pagtitig sa akin. Sayang ang kaguwapuhan ko, ano? Maraming iiyak 'pag natunaw ako. Sayang ang lahi ko.
Pero hindi na siya sumagot. Na-lovestruck siguro sa akin. Maya-maya ay may tumulong luha sa pisngi niya. Teka, ano ba ang sinabi ko? May masama ba kong nasabi? Natakot ko ba siya?
“Hey! Why are you crying, miss? Please naman, huwag ka umiyak. Look, I’m sorry kung muntikan man kitang masagasaan dadalin na lang kita sa hospital.” Natataranta na ako kasi patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko para hindi na siya umiyak pa.
“Miss, don’t cry!” ulit ko saka ko siya hinawakan sa balikat niya at yumuko ako para makita ko siya.
“D-Don’t! Don’t l-look at me! A-And don’t you dare touch me again!”
Nagulat ako sa pagkakasigaw niya kaya naman napabitiw ako sa balikat niya at lumayo ng konti.
“I’m sorry, but please, don’t cry, will you? Please?” paghingi ko ng tawad sa kanya. Pero lalo pa siyang umiyak. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Dadalhin muna kita sa hospital para ma-check kung okay ka and then, we can talk. Let’s go!” Hinawakan ko siya sa braso niya para naman alalayan siya papaunta sa kotse ko baka naman kasi hindi pa niya kaya ang mag-isang lumakad.
Pero bumitaw siya at nabigla ako nang sinampal niya ako. Ang sakit kaya napahawak na lang ako sa pisngi ko. Teka, bakit niya ako sinampal?
“What’s your problem? Bakit mo ako sinampal?” tanong ko sa kanya.
“How dare you asked me like that, Dale? Limang taon. Limang taon kong hinintay ang pagkakataong ito na magkita tayong muli at masampal kita. Limang taon ko itong pinaghandaan para ipamukha sa iyo lahat ng ginawa mo sa akin. L-Lahat ng sakit na naramdaman ko. Lahat ng l-lungkot na naranasan ko. L-Lahat lahat iyon, g-gusto ko... gusto ko maramdaman mo!” sabi niya saka siya humagulgol nang pag-iyak.
Ano iyong sinabi niya? Five years? Five years daw niya akong hinintay para sampalin ako? Teka. Ano ba 'yon? Bakit? Hindi ko naman siya kilala.
“What are you talking about? I don’t understand! Do I know you? Bakit kilala mo ako?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
Naguguluhan na kasi ako. Ayoko nang mag-isip masyado dahil sumasakit lang ang ulo ko. Sa dami ng naging girlfriend ko noon ay hindi ko na alam kung sino siya roon at hindi ko na nga matandaan kung naging kami nito.
“Huh! Ang kapal din pala ng mukha mo, 'no? Ay, matagal na nga pala kaya hindi na ako nagtataka. How dare you, Dale? Napakakapal ng mukha mo para kalimutan ang babaeng sinaktan mo! Animal ka!” sigaw niya sa akin tapos bigla niya kong tinadyakan sa binti ko at tumalikod na siya.
“Ouch!” Napayuko ako sa sakit. Hindi naman niya alam ang pinagdaan ko. Kahit nga ako ay naguguluhan pa rin. “Hey! Can you explain to me further? Naguguluhan na ako sa sinasabi mo?“ Pero hindi niya ko nilingon kaya hinablot ko siya paharap sakin.
Parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kinikilatis pa ata niya kung nagsasabi ako ng totoo.
“Explain mo, mukha mo!” sigaw niya sa akin ulit saka niya tinadyakan 'yong kabila kong binti kaya naman matic na binitiwan ko siya at napahawak ulit ako sa binti ko.
“Damn you, Dale Garett Cruz! Paano mo nagagawang magkunwari na wala kang naaalala sa lahat? Ganyan na ba kahalang ang kaluluwa mo para itago ang kamalian mo?” sabi pa niya tapos saka siya napaiyak ulit. "How dare you! I hate you, Dale! I hate you!” Tapos hinampas niya ako nang hinampas sa dibdib ko.
Ano ba’ng ginawa ko sa kanya? Hindi ko talaga matandaan. “Hey, wait! Stop it, miss! Nasasaktan ako. Ano ka ba?” sabi ko sa kanya, pero hindi pa rin siya tumigil. “I said, stop!!!” sumigaw na ako para pigilan siya. “Can you please be calm and try to listen to what I’m gonna say?” sabi ko sa kanya nang mahinahon. “Can you?”
Hindi siya sumagot at yumuko lang. “First, I’m sorry kung muntikan na kitang masagasaan kanina. As I have said, we can go to a hospital so they can check if you’re okay. Second, please, explain to me what you had just said a while ago. We can talk about it after the check-up. And lastly, I don’t know what’s your problem to me ‘cause I have amnesia so... I don’t remember anything in my past,” paliwanag ko.
Napatingin lang siya sa akin na wari ay gulat na gulat. Siguro naman ngayon ay kakalma na siya at maiintindihan na niya ako kung bakit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“Hey? Narinig mo ba 'yong sinabi ko? Ha?” tanong ko sa kanya.
“I-I can’t believe t-this!”
Tapos bigla na lang siyang nawalan ng malay. Buti na lang at hawak-hawak ko siya kaya naman nasalo ko siya agad.
Binuhat ko na lang siya at dinala sa back seat ng kotse ko. Buti na lang at medyo malapit dito ang hospital ng family doctor namin kaya doon ko na lang siya dinala.
Agad siyang ch-in-eck ni doc at wala naman daw itong natamong fracture sa katawan niya. Nahimatay lang daw sa sobrang stress at pagkagulat. Marami kaming pinag-usapan ni doc kaya hindi kaagad ako nakabalik sa room kung saan siya naroon.
Pagbalik ko roon ay tulog pa rin siya. Pagod na pagod siguro siya sa ginawa niyang pag-iyak at paghampas sa akin. Napatitig ako sa kanya nang matagal. Pilit kong inaalala kung kilala ko nga ba siya. Inilapit ko pa nga ang mukha ko sa mukha niya.
Ang ganda ng mga mata niya kahit nakapikit. Matangos ang ilong, maganda ang labi, cute ang cheeks. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. She’s so cute. Hindi siya nakasawang tingnan. Napakunot ang noo ko, parang... parang pamilyar.